NSA: 2

4.2K 73 22
                                        

Pagkagising ko ay 10 AM na. Okay lang naman dahil hindi naman ako papasok sa trabaho ngayon.

Mukhang napuyat si Cat dahil sa'kin kagabi, tulog pa rin kasi siya. Maingat ko namang inalis ang pagkakayakap niya sa'kin at bumangon na para mag-ayos. Pagkapunta ko sa kusina ay nagsimula na akong magluto. 

Babawi muna ako kay Cat. 

Nang malapit na akong matapos magluto ay may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.

"Hindi pa rin ba expired ang extra clinginess mo?" Pang-aasar ko kay Cat.

"Oh, please! Just let me, okay? I miss my best friend." Masungit na sabi niya.

"Alright. Alright." Pagsuko ko. Hindi talaga ako mananalo sa babaeng 'to kapag ganito siya. "Umupo ka na do'n, matatapos na ako magluto."

"Okie." Sabi niya at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Tsansing ka na naman sa'kin, ha! Kanina ka pa." Pang-aasar ko naman sa kaniya.

"Kunwari ka pa, gusto mo naman at hindi kita tsinatsansingan, 'no! Assuming ka, Peterson."

"Deny ka pa d'yan, Redwood. Crush mo lang ako e'." Pang-aasar ko pa habang nilalagay sa table ang mga niluto ko.

"Pa'no naman kita magiging crush? Hindi ka nga marunong humalik." Natatawang sabi niya.

"Marunong na ako ngayon, 'no!"

"Pikon." She said then stick her tongue out to tease me. Inirapan ko naman siya. "Kumain na nga lang tayo." Lagi talaga akong talo. 

Siya kasi ang first kiss ko dahil sa lintik na spin the bottle. Ako rin naman ang first kiss niya pero hindi ko alam kung bakit marunong siya kahit papa'no, nakatulong siguro ang mga binabasa niyang novel. But I read too though!

Nakakahiya pa rin talaga kapag naaalala ko.

**

[Unknown number: Where are you?]

Ang mainipin naman nito.

[Me: I'll be there in a minute.]

Parang ayaw ko na tuloy pumunta. 

Pagkahinto ng taxi na sinasakyan ko sa isang building ay binayaran ko na siya at dire-diretso nang pumasok hanggang sa elevator.

[Me: Room number?
Unknown number: Nice! 10th floor, Rm. 22. Bilisan mo.]

Hindi ko na siya ni-reply-an at pinindot na ang number 10.

Bilisan? Anong akala niya, ako nagpapaandar ng elevator na 'to? Ano ba namang client 'tong napili ni Percy.

Nang mahanap ko na ang Rm. 1022 ay pinindot ko na ang doorbell, mabilis naman na bumukas ang pintuan at bumungad sa'kin ang gwapong lalaki na topless.

"Sa wakas dumating ka rin!" Sabi niya at hinatak ako papasok sa condo niya. 

Nang maisara niya ang pinto ay mabilis niya akong sinunggaban ng halik at dahil sa gulat ay hindi ako nakapag-react. 

Nang matauhan na ako sa nangyayari ay medyo tinulak ko naman siya para makalayo ako sa kaniya ng kaunti. Hahalikan niya sana ako ulit pero pinigilan ko siya.

Grabe naman 'to, sabik na sabik.

"What?!" Medyo galit na sabi niya.

"Don't what me! Masyado kang agresibo, nag-toothbrush ka na ba?" Mataray na sabi ko habang pinupunasan ang labi ko.

Nakakawalang gana naman ang lalaking 'to.

Natigilan naman siya at inamoy ang hininga niya. Halata naman ang pagkapahiya sa mukha niya pero napalitan din agad iyon ng galit at pagnanasa.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now