Gaya ng sinabi ko kay Cat ay nagsimula na nga akong manligaw sa kaniya kaya lang ay hindi iyon naging madali dahil umiiwas siya sa'kin.
Ilang beses ko siya binalak ihatid pero dahil may kotse na siya ay hindi ko siya mapapayag. Naisipan ko naman siyang ipagluto na lang ng breakfast kaya lang ay pagkalipas ng dalawang araw, inaagahan na rin niya ang gising niya para siya mismo ang magluto ng kakainin niya. Sa dinner naman ay kung wala siyang takeout, sa labas naman siya kumakain.
Pakiramdam ko ay kahit anong gawin ko, malabong bumalik pa kami sa dati. Lagi siyang nakadistansiya sa'kin na akala mong may malubha akong sakit pero kahit gano'n ay hindi pa rin ako sumusuko.
Nagbunga naman ang lahat ng pag-e-effort ko nang pumayag siyang makipag-date sa'kin nang tanungin ko siya isang gabi habang nanonood kami ng Grey's Anatomy.
Sa t'wing naiisip kong hindi niya pinapanood ang series na 'yon nang hindi kami magkasama ay kinikilig ako pero napasimangot naman ako nang maalala ko ang kondisyon niya para sumama sa'king makipag-date.
"Cous, sabihan mo na lang ako kung kailangan ko nang i-admit ka sa mental hospital, ha?" Sabi ni Rin na kasama kong kumakain ng lunch ngayon.
"Lubayan mo 'ko, Rin. Wala ako sa mood ngayon." Masungit na sabi ko sa kaniya.
"Lagi ka namang wala sa mood. Bakit ba nakasimangot ka na naman?" Pang-uusisa niya.
"Basta." Sagot at lalo namang napasimangot dahil sa tanong niya. "Ayan, pumapangit ka na dahil sa pagsimangot mo. Sabihin mo na kasi, Mate." Pangungulit niya.
"Pumayag kasing makipag-date sa'kin si Cat--."
"Ayon naman pala! Anong sinisima-simangot mo d'yan?" Pagputol niya sa pagsasalita ko.
"Kung pinapatapos mo kaya ako sa pagsasalita ko baka sakaling malaman mo, 'di ba?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya.
"Sabi ko nga, sorry na. Galit agad e'." Natatawang sabi niya kaya naman inirapan ko na lang siya kaysa tusukin ng tinidor ang mata niya.
"Pumayag siyang makipag-date pero kailangang hindi ko siya kulitin sa loob ng isang linggo pagkatapos ng date namin." Nakasimangot na sabi ko.
"Sus, isang linggo lang naman pala. Ayos lang 'yon!" Sabi naman niya at inubos na ang pagkain sa plato niya.
"Kahit na, 'no! Hindi niya na nga ako kinakausap tapos hindi ko pa siya pwedeng kausapin ngayon? Pa'no uusad ang love life namin niyan?" Problemadong tanong ko.
"Hindi ko alam na clingy ka pala, Cous." Natatawang sabi niya.
"Hindi ako clingy, tse! Ayaw ko lang na magsayang pa ng oras, masyado na akong maraming nasayang dati." Malungkot na sabi ko naman.
"Huwag ka nang mag-alala! Ang mahalaga pumayag na siyang makipag-date sa'yo, malaking improvement na 'yon, ha! Isang buwan ka na kayang nanliligaw at ngayon lang siya pumayag." Pagpapalakas niya ng loob ko.
Ngayon nga lang pumayag kasi gusto niya na ng break mula sa'kin. Gusto ko sanang sabihin pero mas pinili kong sarilinin na lang iyon.
"Ikaw muna ang magbigay ng coffee sa kaniya habang bawal pa ako, ha? Huwag mong sasabihin na sa'kin galing dahil baka hindi niya tanggapin." Sabi ko pagkatapos kong magbayad ng bill ng kinain namin.
"No prob!"
Nang dumating ang araw ng date namin ni Cat, dinala ko siya sa sinehan dahil naalala kong nag-enjoy siya noong huling punta namin doon. Gusto ko sanang dalhin siya sa isang restaurant o kaya'y mag-picnic kaya lang baka ma-bored lang siya dahil ayaw naman niya akong kausapin o kaya naman ay matameme lang ako sa harap niya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, pwede ring bilisan niya ang pagkain para makauwi na agad kaya naman sinehan ang pinaka safe.

YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021