NSA: 32

1K 26 0
                                        

That day was still in a haze for me.

Nang ibinurol ang kakambal ko ay maraming pumunta na mga kaibigan nina Dada. May mga malalayong kamag-anak rin kami na pumunta na walang humpay ang pagtatanong tungkol sa kung anong nangyari.

Lingid sa kaalaman ng lahat ang totoong nangyari sa pamilya namin one month ago. Ang alam lang nila ay nilooban kami ng magnanakaw at napatay ang yaya namin. Hindi nila alam na na-rape ang kakambal ko at nagpakamatay sa harap namin ang may sala.

Noong unang tatlong gabi ng lamay ni Ikari ay hindi ako lumalapit sa kaniya. Nasa isang sulok lang ako habang nakatingin sa kaniya sa malayo. Hindi ko kayang makita siya ng wala nang buhay. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin.

Si Hecate naman ay lagi lang nasa tabi ko, sinubukan niya akong kausapin noong unang gabi pero tinignan ko lang siya pagkatapos ay hindi na siya nagsalita ulit at tinabihan na lang ako mula no'n. Hindi rin siya lumalapit kay Ikari, gusto niya sigurong sabay namin siyang lalapitan pero hindi ko alam kung malalapitan ko ba ang kakambal ko gayong wala itong buhay.

Kahit na nakaburol na siya sa harapan ko ay pilit ko pa ring itinatanggi sa sarili ko na siya iyon. Ang masayahin at puno ng buhay na kapatid ko.

Hindi ko maiwasang isipin na baka buhay pa siya kung mas naging matalino at maayos ako sa mga desisyon ko. Kung hindi ko siya hinayaang ma-rape ng dimoniyong 'yon ay buhay pa sana siya ngayon.

Bakit kailangang iwan mo 'ko? Ako dapat ang nad'yan! Sabi ko sa'yo dati, ako ang mauuna sa'tin, hindi ba?

We've survived but it never crossed my mind that you'll be stuck in that nightmare. I'm a fool to think that we could move on after what happened.

I'm sorry, Ikari.

Huling araw na ng burol ni Ikari.

Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi na ako umiyak ulit magmula noong araw na dinala siya sa hospital. Kahit na alam kong nasa loob na ng itim na kahon sa harap ko ang katawan ng kakambal ko ay hindi pa rin tinatanggap ng isip ko na wala na siya.

Naramdaman ko namang nagising na si Hecate na nakaunan sa legs ko, bumangon naman siya agad at tumingin din sa harap.

"Iniko, hindi ka pa rin ba lalapit kay... kay I-Ikari?" Kahit na pilit niyang patatagin ang boses niya ay hindi pa rin no'n naitago ang lungkot niya.

Magmula nang dumating siya rito sa chapel ay hindi ko pa siya nakitang umiyak pero mukhang hindi na rin niya kayang pigilan ang emosyon niya. "Come on, Iniko. She needs us. She needs you." Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong umiiyak na siya.

"Alam kong kailangan mo ako kaya simula nang dumating ako rito ay hindi kita iniwan pero Iniko, kailangan din ako ng kapatid mo. This is our last night together." Sabi niya at tumayo na para pumunta sa harap.

Bago pa siya makapaglakad ay pinigilan ko ang kamay niya at tumayo na rin. "I'm s-sorry," I said then bite my lower lip to prevent myself from crying.

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti saka hinawakan ang kamay ko 'tsaka kami sabay na naglakad papunta sa harap.

Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat, habang palapit ako kay Ikari ay parang mas lumilinaw sa isip ko na wala na ang kapatid ko.

When we reached her, I saw that familiar face that I've been seeing my whole life. The realization hits me like a bitch. There she is, my twin sister's lifeless body. She looks like taking a peaceful nap.

Ang kaninang maingay na paligid ay binalot ng nakabibinging katahimikan.

Parang batang tumingin naman ako kay Cat na noon ay umiiyak na rin. "C-Cat, wala na."

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now