NSA: 15

476 18 2
                                    

Pagkarating namin sa restaurant ay may nag-assist sa'min agad papunta kay Lilith.

"Ms. Iniko?" Tawag sa'kin ni Kris bago ako pumasok sa VIP room na pinagdalhan sa'min no'ng isang waitress. Ang secretary ni Lilith.

"Bakit, Kris?" Sinenyasan ko naman sina Cat na mauna na sa loob.

"Ms. McConney said that you should meet her first in her office." Medyo napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Uh-oh! Dahil yata ito sa call kanina.

"Kris, tingin mo galit?" Kinakabahang tanong habang sinasabayan siyang maglakad papunta sa office ni Lilith.

"She seems normal to me." Mahirap talaga pigaan ng information 'tong si Kris.

"By the way, Kris. Join us later, ha?" Sabi ko bago pumasok sa office ni Lilith.

"I'm sorry, Ms. Iniko but I have to decline your offer. I already have plans for tonight." Magalang na sabi niya.

"I see. Maybe next time, enjoy your night, Kris."

"You, too."

Pagkapasok ko naman sa office ni Lilith ay naabutan kong magkausap sila ni Percy.

"We're not gonna talk about this matter again, okay?" Sabi ni Percy.

"But-" Hindi naman natuloy ni Lilith ang sasabihin niya nang makita niya ako.

"Hi?" Awkward na tanong ko. Parang ang seryoso kasi nilang dalawa.

"B-Babe... Kanina ka pa ba d'yan?" Alanganing tanong niya. Kinakabahan ba siya?

"Hindi naman, kakarating ko lang. Tawag mo raw ako sabi ni Kris." Sabi ko pagkalapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Miss mo 'ko masyado."

"Y-Yeah." Sabi naman niya na parang nakahinga ng maluwag. She's kinda weird tonight.

"Ladies, hintayin ko na lang kayo sa labas. Bilisan niyo lang." May himig ng panunuksong sabi ni Percy at nagmamadaling lumabas.

"Did I interrupt something important, Babe?" Worried na tanong ko.

"Nope." Sabi niya at hinapit ang beywang ko palapit sa kaniya saka hinalikan ang tip ng ilong ko.

"May kasalanan ka pa sa'kin." 

"Sorry." I said apologetically. Akala ko nakalusot na ako.

"I don't accept apologies but I do accept kisses." She said while looking at my lips. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinalikan na siya. We shared a long passionate kiss.

"Stop flirting, guys. Gutom na ako." Rinig naming sabi ni Percy. Nagkatinginan na lang kami ni Lilith saka mahinang natawa.

"Let's go?" She said while offering her hand. Tumango naman ako tapos ay hinawakan ang kamay niya saka kami sabay na lumabas sa office niya.

"At last! Kung hindi pa ako nagsalita balak niyo talagang magpunta sa second base?" Hindi makapaniwalang tanong ni Percy.

"Of course not! Ipalinis mo na 'yang utak mo, Percy. Masyado nang madumi." Natatawang sabi ko.

"Sus! Ang saya mo, ah? Anong ginawa niyo sa loob?" Bulong niya sa'kin.

"Nag-usap lang kami." Tipid kong sagot.

"I wasn't born yesterday." Nakasimangot na sabi niya.

"Humanap ka na kasi ng para sa'yo para sumaya ka naman." Sabi ko naman.

"Mamaya na kayo magtsismisang dalawa, nandito na tayo." Sabi ni Lilith.

"Wow, hindi ka man lang ba kinakabahan?" Manghang tanong ko sa kaniya.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now