AFD Chapter Twenty-Seven (2nd Part)

314 10 2
                                    

Quick Note:

Switching of scenes po yung 2nd part ng C28,kaya wag po kayo malito kung bakit magkasabay 'yung scenes ni Mandy at ng Westlife :) You can tell the difference naman cos Mandy's scenes were in Italic  while Westlife's scenes were in a normal font :)

Enjoy reading and guys please,don't forget to vote :) xxx

---------------------------------------------------------------------

PART TWO :

- - - - -

                                ... “Ate,hindi mo pa kaya”, si Caloy.

                Wala namang naririnig na nagpatuloy lamang si Mandy sa paglalakad.Binabagtas niya ang hallway ng UST Hospital,samantalang hinahabol naman siyang pilit ni Caloy,Sweet at ni Trish.

                                “Friend, ‘wag matigas ang ulo mo,please lang! Hindi ka pa pwedeng lumabas sabi ni Dok! Mandy!”, si Sweet.

                Hindi pa rin magawang sumagot ni Mandy,sa halip ay nagtuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan ng nasabing ospital.Mababakas sa mukha ng dalaga ang halu-halong emosyon na siyang nararamdaman nito – na magkakahalong inis,lungkot at pangamba ang siyang patuloy pa ring gumugulo sa puso nito.Hindi pa rin mawala-wala ang inis na nararamdaman niya para sa kaibigang si Sweet nang dahil sa pagpupumilit nitong sabihin kangina kay Kian ang pagbubuntis niya,na nilabag ng pinakamalapit niyang kaibigan ang mabigat na desisyong pinanghahawakan niya.Hindi niya tuloy malaman ngayon kung may nalalaman na ba si Kian sa kalagayan niya o nananatili pa ring lihim ang pagdadalang-tao niya.Kampante sana siya sa mga hakbang at desisyon na ginagawa niya ngunit tila nagkakalamat na iyon unti-unti lalo pa’t narinig ng binata ang pag-aaway at sigawan sa pagitan niya at ng kaibigang si Sweet.Agad siyang napahinto sa paglalakad at napaisip.

                                “Hindi ... Imposible ... Imposibleng maintindihan ni Kian ang naging away namin ni Sweet ... Tama,tama Mandy ... Hindi niya pwedeng maintindihan ang mga sinabi ko,pati na rin ang mga sinabi ni Sweet ....”

                Lalakad na sana siya nang muli na naman siyang mapahinto,kasabay ng ibayong kaba at pag-aalala na biglang bumalot sa puso niya.

                                “P-Pa’no nga kung ... kung naintindihan niya ang mga nasabi ko,namin ni Sweet? P-Pa’no kung ... kung alam na niyang buntis ako? Maaari niyang sabihin kay Mark ang tungkol sa magiging anak namin ...”

                Bahagyang ipinikit ni Mandy ang mga mata at saka napailing,animo’y iwinawaksi niya sa isipan niya ang posiblidad na maaaring mahulaan ni Kian ang tunay na kalagayan niya,na ayaw na ayaw pa naman niyang malaman nito lalo na ni Mark.

                                “H-Hindi,hindi maaari ... Hindi pwede ... Sa ‘kin lang ang baby ko ... sa ‘kin lang siya ...”

                Gulung-gulo at tila hindi malaman ang gagawin nang maramdaman na lamang niya ang paglapit ng kung sino sa tabi niya – na walang iba kundi ang kapatid na si Caloy.

                                “Please Ate Mandy,for once naman,sundin mo ang sinasabi namin ni Ate Sweet.Kailangan mo ang magpahinga.Alam mo bang hindi ka pa pwedeng i-discharge sa ospital dahil maselan ang kondisyon mo?”, nag-aalalang wika ng binatilyo.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now