AFD Chapter Eleven

373 12 2
                                    

- CHAPTER ELEVEN -

--------------------------------------------------------

HINDI MAKAPANIWALANG napatayo mula sa kinauupuan niya si Jasper.Titig na titig at nagtatakang hindi niya inaalis ang mga mata kay Mark.Gayon din si Mark sa kanya.Hindi rin inaalis ng binata ang mga tingin sa kanya.Basang-basa ni Mark sa mukha ni Jasper ang sobrang pagkabigla at pagtataka nito nang makita siya.Tila nahulaan niya kung bakit gayon na lamang ang pagtataka nito,kaya't buong lakas ng loob niyang tinanong ito.

"You seem surprised,aren't you?"

Mabilis na binawi ni Jasper ang mga tingin kay Mark.Punum-puno ng pagtataka at tanong ang gumugulo sa isipan niya ngayon.Hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ni Mark sa bahay ni Mandy.Naunahan ba siya nitong pumunta sa bahay ng dalaga? Sinasadya ba talaga nitong makipagsabayan sa kanya sa pagpunta at pagbisita rito? Marami pang tanong ang gumugulo sa isipan niya.Hindi tuloy niya naiwasang maibulalas mula sa kanyang bibig ang isang tanong na gusto niyang itanong sa dalaga.

"P-Pa'nong --- ",naibulong na wika ni Jasper.

Agad namang napansin ni Mandy ang naging reaksiyon na iyon ni Jasper,kaya naman agad siyang sumagot.

"Um,oo nga pala.Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na - na dito sa bahay namin nakatira si Mark.'Yun sana 'yung gusto kong sabihin 'nung tanungin mo 'ko kung pwede kang bumisita sa bahay",wika ni Mandy.

Tinitigan ni Caloy ang lalaking kinausap ng kanyang Ate Mandy.Naalala niyang bigla ang lalaking nasa harapan niya ngayon,kaya't sumagot siyang nagwika.

"Teka,ikaw si Jasper,'di ba? Ikaw 'yung --- "

Naramdaman agad ni Mandy ang salitang isusudlong ng kapatid kaya't mabilis niya itong pinigilan sabay tingin dito.

"Caloy......"

Nakita ni Caloy ang mga tingin na iyon ni Mandy,kaya't agad niyang pinigilan ang sasabihin.

"Sorry,Ate...",wika nito sabay yuko.

Muling ibinaling ni Mandy ang tingin kay Jasper at nagwika.

"Maupo ka.Pasensiya na kung medyo magulo ang bahay."

"H-Hindi.Okay lang 'yon,Mandy",nagtataka pa ring sagot ni Jasper.

Inilapag ni Mark ang hawak na tray na naglalaman ng apat na baso na may lamang iced tea sa lamesita.Pagkalapag ay saka siya naupo sa isang solohang sofa.Nang ibaling niyang muli ang tingin kay Jasper ay napansin niyang nakatingin pa rin ito sa kanya.Nakita niyang tila hindi maipinta ang mukha nito na parang may bahid ng inis sa mga tingin nito.Kaya naman isang nakakainis na ngiti ang ipinukol niya rito.Naiinis namang binawi ni Jasper ang mga tingin kay Mark nang makita niya ang ginawa nito.Pairap ding binawi ni Mark ang tingin sa binata

"Sobra mo naman akong sinurprise sa pagbisita mo dito ngayon,Jasper.Dapat nagpasabi ka man lang na pupunta ka para naman napaghandaan ko",si Mandy.

"Hindi na kailangan,Mandy.'Di ba..."

Muling ibinaling ni Jasper ang tingin kay Mark.Napansin niyang nakatingin pa rin ito sa kanya,tila minamatyagan nito ang mga kilos at sasabihin niya.Nang matiyak niyang nakatingin ito ay saka niya sinudlungan ang isasagot.

"...dati ko naman 'tong ginagawa everytime na pupunta ako dito sa bahay mo? We were still in high school at that time,right?"

May diin sa salitang "high school" ang pagkakasambit noon ni Jasper.Kasabay ng pagbitiw ng mga salitang iyon ay isang nakakainsultong ngiti ang namutawi sa labi nito.Hindi nagustuhan ni Mark ang inasal na iyon ni Jasper,maging ang mga salitang binitawan nito kangina.Tila nais ipamukha nito sa kanya na noon pa man ay pumupunta na rin ito sa bahay ni Mandy.Sa halip na mainis ay bahagya na lamang na natawa si Mark sabay bawi ng mga tingin rito.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon