AFD Chapter One

1.3K 34 21
                                    

CHAPTER ONE

---------------------------------------------------------

                                 MADILIM...

Ramdam ni Mandy ang mga bagay na bumubunggo sa kanya,ngunit hindi niya makita kung ano ang mga iyon.Alam niya sa sarili niya na siya ay naglalakad pero hindi niya alam kung bakit.

                                “T-Teka,nasa’n na ba ‘ko? Ano ba’ng lugar ‘to?”

            Nagpatuloy lamang ang kanyang mga paa sa paglalakad.Nararamdaman pa rin niya ang mga bagay na patuloy pa rin ang pagbunggo sa kanya.Wala pa rin siyang nakikita.Ilang saglit pa’y unti-unting lumiliwanag ang kangi-kangina’y madilim na paligid.Sa pagliwanag na ‘yon ay unti-unti na rin niyang naaaninag ang mga bagay na bumubunggo sa kanya – mga tao pala na iyon na naglalakad pasalubong sa kanya,samantalang ang iba’y kasabay naman niya.Tila mabagal ang pagkilos ng mga ito at maging ang kilos niya,na agad naman niyang napansin.Nilinga-linga niya ang kanyang paningin,animo’y may hinahanap.

                                “Nasa’n na ba talaga ako?” 

                               “Caloy,Uncle,Sweet ... nasa’n na kayo?!”

            Sa paglingon at pagpapaling-paling niya ng tingin ay bigla siyang napahinto.Napahinto siyang bigla sa paghahanap at napahinto rin siya sa paglalakad.Hanggang sa biglang napokus ang tingin niya sa iisang direksyon – at iyon ay ‘di kalayuan mula sa kinaroroonan niya.Pilit niyang inaaninaw ang bagay na natatanaw ng kanyang mga mata.Tila naglalakad din ito papalapit sa kanya kaya’t unti-unti niyang naaninaw ang animo’y isang tao.Maya-maya’y bigla na lamang niyang naramdaman ang pagpintig ng kanyang puso ng walang dahilan.Lalo itong bumibilis habang papalapit sa kanya ang taong iyon.Ewan ngunit pakiramdam niya’y parang kilala niya ito.

            Mabagal pa rin ang takbo ng paligid.Ngunit unti-unting rumerehistro ang hitsura ng taong papalapit sa kanya habang naglalakad ito.Unti-unting namilog ang mga mata ni Mandy nang maaninaw niya ang taong papalapit sa kanya.Malinaw ngunit marahan itong rumerehistro sa kanyang paningin.Ang taong naglalakad papalapit sa kanya ay mapapansing may kataasan,maputi ang kompleksyon ng balat na ‘di karaniwan sa mga Pilipino,at mapapabuntung-hininga ka namang talaga ng malalim dahil sa animo’y nakakatunaw nitong mga ngiti,kasama pa diyan ang asul na asul nitong mga mata na sa kanya lamang nakatingin.Gulat at ‘di matinag si Mandy mula sa kanyang kinatatayuan habang tinitingnan niya ang paparating na lalaki.Pakiramdam niya’y tila nanigas ang buong katawan niya sa lugar na ‘yon – dahil ang nasabing lalaki na siyang papalapit patungo sa kinatatayuan niya ay walang iba kundi ang lalaking siyang laman ng kanyang mga pangarap,maging ang puso niya na tila kulang na lang ay magtatalon sa tuwa dahil nasisilayan nito ang tanging lalaking ikinasisiya nitong makita ... ang tanging lalaki na laging nagpapatuliro sa kanya sa tuwing nakikita niya ito ... ang tanging lalaki na siyang nakakapagpasaya sa kanya sa tuwing siya’y nalulungkot ---- at higit sa lahat,ang lalaking nag-iisa niyang inspirasyon – na walang iba kundi ang miyembro ng pinakasikat na boyband sa mundo ngayon na si Mark.

            Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng binata ng tuluyan marahil na rin sa pagkakatulala niya habang tinitingnan pa rin niya ito.Nang tila mahimasmasan ay napansin niyang nasa harapan na niya ang gwapong binata.Matamis ang mga ngiti nito at tila nangungusap ang asul na asul nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.Biglang namula ang mga pisngi niya nang mapansin niyang nakatingin ito sa kanya.Nawala tuloy sa isip niya sina Caloy,Uncle Andrew at ang kaibigang si Sweet.Hindi na rin niya alintana ang mga taong nasa paligid nila na patuloy pa rin sa paglalakad.Pakiramdam niya’y silang dalawa lamang ni Mark ang tao sa lugar na ‘yon.Patuloy pa rin sa pagtibok ang kanyang puso,habang titig na titig siya sa maamong mukha ni Mark.Naramdaman na lamang niya ang maginoo nitong paghawak sa kanyang baywang at marahang paglapit nito,na halos magkadikit na ang kanilang mga katawan.Lalo pang naglapit ang kanilang mga mukha na kangi-kangina’y tatlong dangkal ang layo nila sa isa’t-isa.Iniangat ni Mark ang kanang kamay at hinawi nito ang ilang strands ng buhok na tumatabing sa mukha ni Mandy.Gulat at tulala pa rin ang mababanaag sa mukha ng dalaga.Maya-maya pa’y banayad nitong hinaplos ang malambot na pisngi ni Mandy habang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya,tila hahalikan siya.Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Mandy.Hindi na rin niya nagawa pang gumalaw sa kinatatayuan niya maging ang ipikit ang mga mata sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman.Marahan pa rin ang paglapit ng mukha ng binata sa mukha niya.Nang tila malapit nang maglapat ang kanilang mga labi’y biglang napahinto ang binata.Ilang saglit pa’y  mahina ngunit may lambing sa tinig nitong sinambit ang kanyang pangalan.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now