AFD Chapter Twenty-Eight

390 11 22
                                    

Quick Note:

I'm very,very sorry for the late updates for AFD,as Yours Truly is so busy with Christmas and Hogmanay. But the good news is,I'm back,as well as my much-awaited fan-fic.

Switching of scenes again ang middle part ng C28 para hindi kayo maguluhan :)

Thanks for wating and enjoy reading! (Be a fan,vote and comment please xxx) - Mx <3

-------------------------------------------------------------------------------

- CHAPTER TWENTY-EIGHT -

                LALONG TUMINDI ang ingay maging ang bulung-bulungan sa buong Conference Hall nang banggitin ng naturang taga-media ang pangalan ni Mandy.Agad namang napahinto sa paglalakad si Mandy nang marinig niya ang pangalan niya na siyang umalingawngaw sa mga speakers na siyang nakakalat sa lugar na ‘yon,kasabay ng pagbabalik muli ng kanyang katinuan.Inilinga niya ang mga mata sa paligid.Napansin niyang nakatingin ang halos lahat ng mga taong siyang naroroon sa nasabing lugar sa kanya.Hindi rin nalingid sa kanya ang mga anasan nito habang  patuloy pa rin siyang tinitingnan ng mga ito mula ulo hanggang paa,animo’y sinusuri ang buong pagkatao niya.Tuluy-tuloy pa rin ang nasabing anasan hanggang sa biglang umalingawngaw ang isang boses na patungkol sa kanya.

                                “ ‘Di ba’t siya ‘yung girl na biglang yumakap kay Mark two nights ago?”

                                “Teka --- oo nga! Siya nga ‘yung Mandy!”

                                “Kapal naman ng mukha niyang magpunta dito. As if naman na papansinin siya ni Mark.”

                Hindi rin pala nakaligtas sa mga taga-media ang malakas na pagsambit ng dalawang fan na siyang naroroon sa pangalan ng dalaga,kaya’t agad-agad namang pinagkumpulan ng mga ito ang naguguluhan at gulat na gulat pa ring si  Mandy.Napansin din iyon nina Shane,Nicky at Bryan kaya’t bahagya silang napatayo sa kinauupuan nila – lalung-lalo na kay Mark at kay Kian na siyang napatayo na rin.

                                “God,Mandy ---- What are you doing here?”, nag-aalala ang boses na sambit bigla ni Kian.

                                “Lads,we need to do something.We need to get Mandy out of here,away from the press and the people around”, si Shane.

                                “B-But how? We’re in the middle of the presscon.We can’t just do that and abandon everyone here”, si Bryan.

                                “But Mandy is at risk here.She needs us right now”, seryoso ang tinig na wikang muli ni Shane.

                Nakatawag din pala ng pansin sa taga-media na nagtatanong ang dalaga,kaya naman tinanggal niya ang mikropono mula sa pagkakakabit sa may microphone stand at nilapitan si Mandy.

                                “So,regarding my informations I gathered about Miss Bartolome who’s with us here fortunately,Mark,the question I wanted to ask you is – do you know this girl? Do you and Mandy here have a mutual connection together that the media and your fans haven’t know yet?”

                Naramdaman ni Mandy ang bahagyang paghawak ng nasabing taga-media sa kanyang bisig na para bang inilalapit siya sa tabi nito,kaya’t hindi niya maiwasan ang mapatabi sa gilid nito.Nagkakapatung-patong na ang pagiging magulo ng isipan niya,kasabay ng tila takot na siyang bumabalot ngayon sa puso niya sa mga nangyayari.Mas tumindi kesa kangina ang ingay na siyang maririnig ngayon sa buong Conference Hall habang pinalilibutan pa rin ng mga miyembro ng iba’t-ibang print at entertainment media ang dalaga.Sunud-sunod at walang patid ang kislapan ng flash ng mga camera,animo’y kinukuhanan nila ang bawat anggulo ng nakatayo pa ring si Mandy.Hindi naman naiwasan ng dalaga ang mapapikit sa tindi ng liwanag ng flash na siyang tumatama sa kanyang mga mata.Naguguluhan pa ring ikinubli niya ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at saka bahagyang napayuko.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now