AFD Chapter Nineteen

432 10 4
                                    

- CHAPTER NINETEEN -  

-------------------------------------------------------------

" 'AY, NAKU NAMAN CALOY,OO!", si Mandy.

" 'Sabi ko naman sa 'yo eh, mali 'yung pagkaka-arrange ng grammar mo sa sentence.Naiinis na tuloy si Ate Mandy sa ginagawa mo.Hay,ikaw talaga...",napapailing na sagot ni Trish.

Patuloy pa rin sa pagkamot ng ulo si Caloy.Ibinaling niya ang tingin kay Mark,na agad namang napansin ng naturang binata.

"Kuya Mark --- "

Nakita niyang nangungusap ang mga mata ng binatilyo, tila humihingi ito sa kanya ng tulong.Kaya naman natatawa siyang sumagot.

"Give me your notes..."

Agad-agad naman itong iniabot ni Caloy kay Mark. Sinipat mabuti ng binata ang pagkakaayos ng mga grammar sa sentence na siyang nakasulat sa notebook nito.Bahagyang natawa ang binata sabay ngiti habang binabasa ang nasabing notebook.

"I'm sorry Caloy but, I have to tell you that this is really wrong. You should put this at the end of the sentence and not in the middle."

"Diyos ko naman,Caloy! Kangina pa namin ini-explain ng Kuya Mark mo sa 'yo kung pa'no mo ia-arrange ang tamang placement ng verb sa isang sentence.Hindi ko maintindihan kung bakit ang hina-hina mo sa English samantalang ang tali-tallino mo naman sa Math. 'Pag nalaman pa 'yan ni Uncle,patay ka na naman sa kanya mamaya.Humanda ka sa 'kin 'pag ako na naman ang napagalitan niya...", may inis sa tinig na sagot ni Mandy.

Bahagyang pinandilatan niya ng mga mata ang naturang binatilyo.

"Ate naman.Hindi ko naman kasalanan kung bakit mahina ako sa English.At saka,ginusto ko bang bumaba ang grades ko sa subject na 'yun?", tugon naman ni Caloy sabay yuko.

"Aba't sasagot ka pa,ha! Eh kung kutusan kaya kita diyan?"

"Sshh,sshh,Mandy.Don't be so cruel to Caloy.He's trying his best everytime I teach him so don't be like that to him", si Mark.

"Eh,nakakainis kasi ... Kangina pa tayo nag-i-explain sa kanya pero hindi naman pala pumapasok sa isip niya 'yung mga tinuturo natin ..."

Naiinis pa ring napasimangot na lamang si Mandy sabay halukipkip ng kanyang mga kamay sa braso.Hindi naman makatingin at nakayuko pa ring patuloy sa pagkakamot ng ulo si Caloy habang naiiling na lamang at panay ang buntung-hininga si Trish.Maski siya ay hindi rin niya maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng subject na kanyang pinag-aaralan ay kung bakit sa subject na English pa siya naging mahina.Natatawa pa rin at hindi maialis-alis ni Mark ang mga ngiti sa labi habang pinagmamasdan niya ang kasintahan.Alam niyang inis na inis na ito ngunit hindi pa rin niya maiwasan na mapansin ang pagiging cute nito kapag naiinis - lalung-lalo na kapag sumisimangot na ito.Kaya naman hindi niya tuloy maiwas-iwasan ang mapangiti habang natatawa.Tila ang mga ekspresyon na iyon ni Mandy,maging ang mga matatamis nitong ngiti ang siyang lalong nagpapayabong sa pagmamahal na lalong umuukit sa puso niya.Upang humupa ang nararamdamang inis nito ay isang mahigpit ngunit masuyong yakap ang iginawad niya rito na tila inaalo.

"Don't be so annoyed,okay? Caloy was really,really trying his best to understand and learn the subject.And I've witnessed all his hardships since the first time I teach him.I can see that he's getting better and better each and everyday,everytime we're doing english tutorials ..."

Ibinaling ni Mark ang tingin kay Trish at saka muling sumagot.

" ... Right Trish?"

"Oo,Ate Mandy.Sa katunayan nga,medyo tumataas na 'yung nakukuha niyang scores sa English exams at quizzes namin sa klase.Mahina lang talagang maka-gets minsan 'tong si Caloy pero,nakikita ko naman 'yung improvement", ngiting sagot ng dalagita. 

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now