AFD Chapter Twenty-Six (2nd Part)

339 9 10
                                    


Quick Note:

Please don't forget to vote after you read every chapter of AFD. Yun lang naman po ang munting pakiusap ko so please have a habit of voting after you finish reading.Thanks and enjoy reading! Mx

------------------------------


Part 2:


----------------------------------------------------------------------


BUMUNGAD ANG sangkatutak na press mula sa iba’t-ibang field ng TV at Print media sa Irish Boyband na Westlife nang dumating sila sa lobby ng Manila Peninsula Hotel – ang hotel na muling tutuluyan nila sa pangatlong pagkakataon.Kabi-kabila ang mga mikropono ng iba’t-ibang reporters ng iba’t-ibang naglalakihang TV Networks ang humaharang ngayon sa harapan nina Shane,Nicky,Bryan,Kian at lalung-lalo na si Mark – tila gustung-gusto ng mga ito na hingin ang panig nila at komento tungkol sa nangyaring insidente kangina sa NAIA Terminal 1,partikular na sa babaeng siyang lumapit at yumakap kay Mark na walang iba kundi si Mandy.Tutok na tutok ang mga video cameras at patuloy pa rin ang pagkislap ng flash ng mga camera sa grupo kaya’t lalong pinaghigpit ni Johnny ang security ng lima upang hindi masyadong makalapit ang mga press.Mas lalong binarikadahan ng mga ito ang bawat miyembro ng pinakasikat na boyband sa buong mundo.Sinasagot na lamang nina Shane,Nicky at Bryan ang mga tanong ng ibang press sa pamamagitan ng mga salitang ito:

                                “I’m sorry guys but,we don’t want to comment on what happened a while ago”, si Shane.

                                “Yes,we all know Mandy personally but,we’re very,very sorry cos we’re not going to comment about what happen”, si Nicky.

                                “It’s a personal stuff about Mark and the lads so,no – we’re not answering your questions regarding the incident”, pormal na sagot ni Bryan.

                Maging si Johnny ay nakikisagot na rin sa mga taga-media,pinipilit niyang ‘wag mag-komento sa nangyari kangina upang hindi na lumaki pa ang problemang kinakaharap ngayon ng grupo – at upang maprotektahan din nila ang buhay ni Mandy na siyang kasalukuyang hindi maalala ni Mark ---

                --- na siyang isang malaking palaisipan pa rin sa kanila lahat hanggang ngayon.

                Walang kibo naman habang patuloy pa rin sa paglalakad si Kian – samantalang tila malalim naman ang iniisip ni Mark.Pareho silang hindi magawang sumagot sa mga itinatanong ng media tungkol sa nangyari.Mapapansing naguguluhan at tila hindi pa rin ma-absorb ni Mark ang lahat-lahat ng nangyari,animo’y pilit pa rin niyang binabalikan ang dalagang siyang yumakap sa kanya kangina.Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan niya ang mukha ni Mandy,maging ‘nung tawagin siya nito habang ito’y lumuluha.Naaalala pa rin niya ang tagpong nakita niya itong hinahabol ang sinasakyan nilang van kangina habang isinisigaw nito ang pangalan niya na para bang kilalang-kilala siya nito.Ewan ngunit kahit anong gawin niyang pag-alala sa dalaga ay tila mas lalong nagiging komplikado ang lahat para sa kanya.Lingid naman sa kanya’y namumuo na namang muli ang inis sa puso ni Kian.Hindi niya maiwasang mainis sa ginawang pagkakaila ni Mark kay Mandy kangina.Oo nga’t malakas ang kutob niya na mukhang may isang parte ng alaala na siyang biglang nawala sa alaala ng kaibigan ngunit ibang usapan na pagdating kay Mandy.Nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon habang naalala niya ang malungkot na mukha ni Mandy,maging ang pagmamakaawa nito at ang pagluha nito makausap lamang si Mark.Ayaw niyang makaramdam ng galit sa kaibigan ngunit hindi niya maiwasan ang  maramdaman ito ...

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now