AFD Chapter Twenty-Three

442 11 11
                                    

- CHAPTER TWENTY-THREE -

------------------------------------------------------------------

MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw mula ng nilisan ni Mark ang Pilipinas.Sa paglisan na iyon ng binata ay maraming bagay ang nagbago - maging sa buhay at pang-araw-araw na gawain ni Mandy.Kung dati-rati'y nasisilayan niya ang kasintahang si Mark pagkagising niya sa umaga ay tila iba na ngayon - dahil si Caloy at ang kanyang Uncle Andrew ang madalas na bumubungad sa paningin niya sa tuwing bumababa siya ng hagdan - sa tuwing uuwi siya ng bahay - at lalong-lalo na kapag siya'y pumupunta sa bubungan ng kanilang bahay,hanggang sa kanyang pagtulog ...

|| ... Mabilis na napabalikwas ng bangon si Mark mula sa kanyang kama.Naalala niyang mali-late na nga pala siya sa shift niya ngayon sa Pizza Hut.Tatayo na sana siya nang bigla siyang natigilan.Inilinga niya ang mga mata sa bawat sulok ng nasabing kwarto - ngayon niya napagtanto na wala na nga pala siya sa bahay ng kasintahang si Mandy,kundi'y nakabalik na siya ng Sligo at nasa kwarto niya siya ngayon sa bahay ng mga magulang niya.Agad na rumehistro sa mga mata niya ang lungkot nang mapagtanto niya ang lahat-lahat ... ||

|| ... "Table for four po ba,Ma'am?"

"Oo,Miss", ngiting sagot ng isa sa mga babae.

"This way po.Sunod na lang po kayo sa 'kin", nakangiti ring tugon naman ni Mandy. 

Nagpatiunang lumakad ang dalaga samantalang sinundan naman siya ng grupo ng mga kababaihan na siyang customer nila ngayon.Habang naglalakad ay hindi naiwasan ng mga ito ang magbulungan.

"Hindi na daw dito nagtatrabaho yung gwapong guy."

"Oo nga daw.Sayang noh? Ang gwapo pa naman niya.Ang lucky siguro ng girlfriend niya", sagot ng isa sa mga ito na tipong kinikilig.

Agad namang nag-anasan ang iba - na siyang hindi nalingid kay Mandy.Muli na namang niyang naramdaman ang lungkot sa puso niya,kaya't hindi niya maiwasan ang hanapin ng palihim sa paligid si Mark ng mga sandaling iyonHindi pa rin niya maiwasan ang hanapin ang binata sa tuwing magtatrabaho siya sa Pizza Hut,katulad ng ginagawa niya ngayon.Kapag hindi niya ito makita'y lalong tumitindi ang pangungulila niya.Malungkot na naiyuko na lamang niya ang kanyang ulo at saka itutuong muli ang atensiyon sa trabaho ... ||

|| ... Papasok' si Mark sa pintuan ng bahay ng magulang niya nang hindi sinasadyang mabanggit niya ang mga salitang lagi niyang binabanggit sa tuwing uuwi siya ng bahay ng dalaga.

"Mandy,I'm home!"

Bigla na lamang siyang matitigilan pagkasambit ng mga salitang iyon,tila mari-realise niyang wala si Mandy sa bahay na 'yon at malayo na ito sa piling niya.Samantala,gulat na gulat namang napatingin sa kanya ang mga magulang niya sa narinig mula sa kanya.

"Mark,are you okay?", may pag-aalala sa tinig na tanong ng kanyang Mommy.

Saglit siyang natigilan sabay na napatingin sa mga ito.Agad niyang inayos ang kanyang sarili at pagkatapos ay sumagot.

"Uhm,y-y-yeah! I-I'm good,don't worry ... I-I need to go to my room now if you guys don't mind ... "

Malungkot na inalis ni Mark ang pansin sa mga ito at saka tumuloy sa kanyang kwarto.May pag-aalala sa mga matang hinatid na lamang siya ng tanaw ng kanyang mga magulang

"Oh dear.I can't bare to see our son like this,Honey.Mark's been so sad these past few days since he got home.I'm so worried about him,cos he really struggles a lot not seeing his girlfriend", nag-aalala pa ring wika nito

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now