AFD Chapter Twenty-Seven (1st Part)

350 10 18
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

- PART ONE -

------------

A/N:

A very quick and friendly reminder from Yours Truly : May pagka-PG po yung few bits ng first part ng Chapter na 'to so sa mga minors na readers ng AFD,medyo hinay-hinay lang at wag masyadong magulat,okay? :DDD If you can't handle that "intimate" scene,paki-lagpasan na lang yung scene na 'yun for your own good :DDD xxx

Happy reading! x

--------------------------------------------------------------------------

                                “JUSKOH FRIEND! BUTI NAMAN AT NAGAWA MO NA RING UM-ATTEND NG CLASS NATIN!”, alalang-alala ang tinig na sambit ni Sweet.

                Agad-agad na sinalubong ni Sweet ng isang mahigpit na yakap ang kaibigang si Mandy nang makita niya itong pumasok sa may pintuan ng kanilang classroom sa UST.Tumugon na rin ng yakap ang dalaga kasabay ng pagsilay ng isang tipid na ngiti sa labi nito.Matagal ring niyakap ng huli ang dalaga,bakas na bakas sa mga mata nito ang sobrang pag-aalala para sa kaibigan.Iyon lamang at muli’y pinawi na niya ang pagkakayakap rito.

                                “Pasensiya na,Sweet.I’m sorry kung hindi ko magawang sumagot sa mga tawag mo kahapon.”

                                “Ano ka ba,friend? Okay lang ‘yun.Knows ko naman kung bakit.Pero ‘lam mo bang sobrang worried ako sa ‘yo mula pa nung isang araw? Tinatanong ka sa ‘kin lagi ni Sir Ariel dahil na-watch din niya ‘yung news sa TV tungkol sa inyo ni Papa Mark.Maski lahat ng kasama natin sa work eh tinatanong ako kung ... kung okay ka lang.”

                Nahihiyang naiyuko na lamang ni Mandy ang ulo at saka umupo sa katabing upuan ni Sweet.

                                “Ayoko munang pag-usapan ang mga nangyari kung maaari,Sweet.Gusto ko munang alisin sa isip ko ang mga nangyari,lalung-lalo na si Mark.Enough na ‘yung pag-aalala niyo para sa ‘kin,maging ang pagwo-worry ni Caloy at ni Uncle.Ayoko nang makabigat pa sa inyo,sa ‘yo.Kakayanin ko ‘to Sweet,kaya ‘wag ka ng mag-alala.”

                Nakangiti man si Mandy ay hindi pa rin nakaligtas kay Sweet ang ibayong lungkot sa mga mata nito,maging ang pait sa mga ngiti nito.Kitang-kita niya na sobrang bigat ng problemang dinadala ngayon ni Mandy – na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ang kaibigan sa mga salitang binitiwan ni Mark rito,na bigla na lamang hindi nito matandaan ni makilala man lang ang dalaga,ngunit ayaw lamang nitong ipahalata sa kanya.Sasagot na sana siyang muli nang muling nagwika si Mandy,animo’y may bigla itong naalala.

                                “Naku,oo nga pala!”

                                “B-Bakit friend?”

                                “Pwede bang samahan mo ako sa Dean’s Office? Isa-submit ko lang ‘tong last artwork ko para sa Foundation Week next week.”

                                “Sureness,friend!”

                Tumayo agad si Sweet sa kinauupuan,maging si Mandy.Bubuhatin na sana ng dalaga ang dalawang canvass na nakasandal sa inuupuan nang bigla itong buhatin ng kaibigan.

                                “Ako na lang ang magbubuhat nito,friend”, si Sweet.

                                “H-Hindi.Ako na lang.Kaya ko ‘to”, si Mandy sabay na pilit niyang kinuha ang mga artworks sa kaibigan.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now