AFD Chapter Thirty-Nine (FINAL)

350 9 6
                                    

A/N:

This is Chapter 39 - the last chapter of my fan-fiction that I've been working for 13 years now. I'm on my mixed emotions lately - I'm happy kasi finally,natapos ko na din yung Westlife fanfic na matagal ko ng sinusulat ... and sad,coz wala na 'kong iiyakan na chapters habang sinusulat ko ang bawat scenes :(

I hope you guys enjoy reading the ending although this is a long chapter. Don't worry - this is not the end,coz I'm gonna post the Epilogue in a few days ^_^ Again guys,thank you so,so much for your undying love and support to AFD,dahil kungdi dahil sa inyo,wala ang 6K+ reads na na-reach ng AFD :) Thank you so much guys! xxx Don't forget to vote and leave your comments! Mx<3 ^_^

(kindly play the video at the right side of this page while reading the last part of this chapter,thanks! ^_^)

------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-NINE (FINAL)

               HULING ARAW NGAYON ng pamamalagi ng grupong Westlife sa Pilipinas para sa kanilang Asian Tour – at mamayang gabi na rin ang napipinto nilang pagtatanghal ng live sa kanilang sold-out concert sa Araneta Coliseum na siyang dadaluhan ng humigit-kumulang sa 15,000 fans mula sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas. Ang nasabing live gig nila sa Manila ang siyang magsisilbing kahuli-hulihang performance nila bilang pagtatapos na rin ng tour nila sa buong Asia. Malakas ang tunog na umaalingawngaw sa mga speakers na nakapaligid sa may labas ng buong Araneta,pinapatugtog kasi ngayon ang lahat ng kantang pinasikat ng grupo bilang pagpapaalala sa mga taong madadaan sa naturang concert venue na mamayang gabi na ang pagtatanghal ng limang miyembro nito.

                Sunud-sunod na naghintuan ang apat na van sa tapat mismo ng malaking entrance papasok sa may backstage ng Araneta. Nagsibabaan do’n ang mga lulan ng nasabing sasakyan,kasama na roon sina Shane,Nicky at Bryan – habang nahuhuli naman sa mga ito si Mark at si Kian. Mabilis silang binarikadahan ng mga security upang walang makalapit sa kanila o makapansin na fans. Dire-diretso silang pumasok hanggang sa marating na nila ang mismong backstage. Kanya-kanyang preparations ang lima,partikular na ang dalawang frontmen ng Westlife na si Shane at si Mark para sa last rehearsal nila ngayong umaga. Nang maikabit na nila ang mga mikropono sa damit na suot para sa rehearsal nila ay isa-isa na silang lumabas ng backstage. Nauunang lumabas si Bryan at si Nicky,samantalang sumusunod naman sa mga ito si Shane. Lalabas na sana si Kian nang hindi sinasadyang masagi ng mga mata niya ang kaibigang si Mark na kasalukuyang papalabas na ng dressing room,sumusunod ito sa nakalabas nang si Shane. Nais niya sanang tawagin ito upang makausap,ngunit bago pa man niya ito matawag ay tuluyan na itong nakalabas at nawala sa paningin niya. Kangina pa niya gustung-gustong kausapin ang kaibigan – na nais na sana niya itong makausap magmula pa kanginang umaga ngunit tila mailap ito sa kanya. Nakausap man niya ito ay tila puro tungkol sa last concert gig lamang ang tanging napapag-usapan nila at wala ng iba. Hindi niya makuhang i-open ang topic tungkol kay Mandy,na sa tuwing ibubuka niya ang bibig niya upang mapag-usapan nila ang dalaga ay agad-agad namang may sisingit sa usapan nila,o kaya naman ay may unexpected na bagay ang siyang nangyayari katulad na lamang ng biglaang pagpapatawag ng emergency meeting ng tour manager nilang si Johnny para sa preparations sa live gig nila mamayang gabi. Kaya naman hanggang sa marating nila ang Araneta ay hindi pa rin niya nagagawang makausap ang binata tungkol kay Mandy,maging ang banggitin rito na ni-let go na niya ang dalaga at pinaubaya na niya itong muli sa kaibigan. Nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntung-hininga at pagkatapos ay lumabas na rin ng backstage.

                Samantala,minabuti ni Mandy na pumasok ng UST nang araw na ‘yon upang makahabol sa mga subjects na naiwan niya,kahit pa na pinayuhan siya ni Uncle Andrew na huminto muna pansamantala sa pag-aaral nang dahil sa siya’y kasalukuyang nagdadalang-tao. Ngunit iginiit pa rin ng dalaga na kailangan niya talagang pumasok sa mga subjects niya,lalo pa’t ngayong araw din ang pre-presentation ng lahat ng artworks na siyang kalahok sa Art Exhibit para sa pagdiriwang ng Foundation Week ng nasabing unibersidad sa susunod na linggo. Nagdi-discuss ngayon ang professor nilang si Mr. Arellano nang biglang mapatingin ito sa suot na relo. Nang makita niya ang oras ay muli niyang ibinaling ang pansin sa kanyang mga estudyante.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now