AFD Chapter Nine

406 14 4
                                    

- CHAPTER NINE -

--------------------------------------------------------

NAG-UMPISA NA ANG PAGTI-TRAINING ni Mark bilang bagong service crew ng Pizza Hut para sa araw na 'yon.At siyempre pa,sa ilalim ng pagsu-supervised ni Mandy.Una muna niya itong tinuruan kung papa'no mag-cash out sa cash register.Sinunod naman niyang itinuro sa binata ang paglilinis ng mga mesa at ang pagma-mop ng sahig.Bahagyang nanibago si Mark dahil matagal na rin 'nung huli niya itong ginawa nang magtrabaho siya sa isang pizza parlor sa Sligo.Habang ginagabayan naman ni Mandy sa iba pang gawain sa store si Mark ay hindi naman naiwasan ng ibang babaeng service crew na kasamahan nila ang mainggit sa dalaga.Sino ba namang babae ang hindi maiinggit kay Mandy kung kasing gwapo ni Mark ang isu-supervised mo sa training?

- - - - - - - - - -

"Hay,kakainggit talaga si Mandy",wika ng isang service crew.

"Oo nga.Sana,ako na lang ang in-assign ni Sir para mag-supervised sa kanya.Ang gwapo niya kasi,eh!",kinikilig namang tugon ng isa.

Hindi naman naiwasang madako si Sweet sa lugar kung saan nag-uusap ang dalawang crew.Napansin niyang nakatingin ang mga ito sa may sulok ng store kung saan naroroon sina Mandy at si Mark.Natunugan niyang kay Mark nakatingin ang mga ito.Kaya naman nakisali siya sa usapan ng mga ito.

"Gwapo niya,no?",ngiting wika ni Sweet.

"Oo nga Sweet.Para siyang isang prince charming.Hay,ang swerte talaga ni Mandy",sagot ng isang crew.

Agad namang sumang-ayon ang iba at sabay-sabay na nagpakawala ang mga ito ng isang buntung-hininga.Aba naman,talagang instant hit itong si Papa Mark sa mga mujer na 'to,ah! Mainggit ba,sa isip niya.

"Alam niyo,bumalik na lang kaya kayo sa mga gawain niyo.Kung si Sir Ariel pa ang makakita sa inyo,baka bunganga pa ang abutin niyo sa kanya.Hay naku naman oo...",naiinis na wika ni Sweet.

Isa-isa nang nagpulasan ang mga crew at bumalik na sa kani-kanilang gawain.Muling ibinaling ni Sweet ang tingin sa kaibigang si Mandy at kay Mark.Tinuturuan pa rin ito ni Mandy at binibigyan ito ng mga importanteng notes sa trabaho,habang nakatingin naman si Mark rito at nakikinig.

"Mukhang pati ako yata,naiinggit din kay friend.Ang swerte-swerte talaga ng bestfriend ko.Pero,may pagkamanhid nga lang.Obvious namang loves na loves siya ni Papa Mark kaya nag-sacrifice itong mag-work dito sa store for her.Batukan ko kaya si Mandy para maramdaman niya ang love ni Papa Mark for her.Hay,ang gwapo talaga ni Papa Mark,grabe!", naiinggit na wika ni Sweet sabay na napakagat-labi.

- - - - - - - - - -

Buong araw din ang ginugol ni Mandy sa pagti-train kay Mark.Mabuti na lamang at wala siyang pasok sa school kaya't mas natutukan niyang mabuti ang binata.Hindi pa man din nagtatagal ang training ng binata sa Pizza Hut ay tila nakakakuha na siya ng atensiyon mula sa mga taong namamasyal sa SM.Kaya't hindi maiwasan ng mga ito,lalo na ang mga babae,na mapadaan sa naturang pizza store at kumain.Habang tini-train niya ang binata ay hindi maiwasan ang kulitan at tawanan sa pagitan nilang dalawa.Kapag nagkakamali si Mark sa isang task na tinuro ni Mandy ay agad namang itatama iyon ng dalaga.Ngunit kapag may nakakatawa sa ginawa ni Mandy ay gagayahin naman iyon ni Mark na tila tinutukso ito,kaya naman maiinis itong si Mandy.Agad naman siyang aaluhin ng binata,at kung minsan ay yayakapin siya nito kapag nakikita nitong nayayamot na ang dalaga.At siyempre pa,iiwas naman itong si Mandy.Ngunit agad naman itong hahabulin ni Mark ng yakap kapag nakita niyang umiiwas sa kanya si Mandy.Maghahabulan ang dalawa hanggang sa mahuli ni Mark ang dalaga sabay sunggab ng yakap rito.Magpupumiglas itong si Mandy sabay tapik sa braso nito ngunit lalong hihigpitan ni Mark ang pagkakayapos niya rito,kaya't mauuwi sa matutunog na tawanan ang harutan sa pagitan nilang dalawa.Hindi mawala-wala sa mga labi nila ang matatamis na ngiti,lalo na kay Mark.Dahil habang tinitingnan niya si Mandy ay tinitingnan din niya ito ng may pagmamahal.Para sa kanya ay mabagal ang takbo ng oras,gayon din ang kilos at galaw ng dalaga.Masayang-masaya siya habang nakikita niya ang matatamis nitong ngiti sa labi nito habang tinuturuan siya nito,at kapag naghaharutan din sila.Tila malalim na nga ang ginagawang ukit ng pagmamahal niya para kay Mandy sa puso niya.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon