AFD Chapter Thirty-Three

326 8 7
                                    

Quick Note:

I know I've been apologizing to you guys for so many times,coz I rarely update both of my fanfics (TRY is currently on HIATUS again to make way for the upcoming ending of AFD - which is VERY SOON!). Sana 'di kayo makulitan ng sobra sa paghingi ko ng sorry :DDD

This is C33,I mean,the whole C33 coz I've been posting this chapter into 2 parts on it's official FB Page. Kung nali-lame-an kayo or kung panget na panget kayo sa flow ng chapter na 'to,welcome na welcome ang violent reactions niyo :DDD

Anyways,enjoy reading and please,don't forget to vote! Mx <3

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-THREE

PATULOY PA RING inililinga ni Mandyang paningin sa paligid ng hotel lobby nang biglang masagi ng kanyang mga mata ang isang binatang nakatayo ‘di-kalayuan mula sa lugar na kinatatayuan niya. Bigla siyang natigilan kasabay ng unti-unting pamimilog ng kanyang mga mata nang makilala niya ang binatang siyang nakikita niya ngayon. Naramdaman na lamang niya ang malamyos na pintig ng kanyang puso na para bang masaya ito habang titig na titig siya sa nasabing binata. Napansin din niyang nakatingin din ito sa kanya kaya naman bahagyang bumilis ang kangi-kangina’y malamyos na pintig nito na para bang may ibinubulong ito sa kanya. Gusto na sana niyang ialis ang mga mata niya sa binatang iyon ngunit hindi naman niya magawa dala na rin ng pagdidikta ng kanyang puso --- na ang binatang siyang nakikita niya ngayon ay walang iba kundi si Mark,nakatayo lamang ito ‘di-kalayuan habang titig na titig itong nakatingin sa kanya. Samantala, hindi pa rin magawang ialis ni Mark ang mga mata kay Mandy – na pakiramdam niya’y na-stuck na ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya. Napansin din niyang nakatingin na sa kanya si Mandy, na nawari niyang nakikita na rin siya ng dalaga. Bigla na lamang bumagal ang takbo ng paligid para kay Mark nang mga oras na ‘yon,gayundin kay Mandy. Pakiramdam nilang dalawa ay biglang bumagal ang galaw ng mga taong nakapaligid sa kanila,na pakiramdam nila’y silang dalawa lamang ang tao sa lugar na ‘yon at wala ng iba. Mababanaag sa mga mata ng bawat isa ang tila magkahalong pangungulila at pagkasabik na makita ang isa’t-isa – na hindi maitatanggi ni Mandy na si Mark pa rin ang siyang isinisigaw ng puso niya sa gitna ng pakikipaghiwalay niya rito. Naramdaman na lamang ni Mark ang kusang paghakbang ng kanyang mga paa palapit sa kinaroroonan ni Mandy, na para bang may sarili itong mga isip – samantalang titig na titig pa ring nakatingin lamang si Mandy sa papalapit na si Mark. Habang papalapit sa lugar niya ang dating kasintahan ay hindi niya naiwasan ang panlalabo ng kanyang paningin,hudyat na muli na namang namumutawi ang mga luha niya. Agad-agad niyang inayos ang kanyang sarili kasabay ng pagpapakawala ng buntung-hininga upang ibsan ang napipinto niyang pagluhang muli. Papalapit nang papalapit si Mark sa kinatatayuan niya hanggang sa wakas ay nagawa na nitong makalapit sa kanya. Nakatingin pa ring huminto si Mark sa harapan niya habang titig na titig ito sa kanya – samantalang hindi pa rin inaalis ni Mandy ang mga mata niya sa binata. Naroroon pa rin ang matagal na titigan nila sa isa’t-isa,na inilalarawan ng titigang iyon ang tunay na nilalaman ng kanilang mga puso. Hindi naiwasan ni Mandy ang mabanaag ang magkahalong lungkot at pagkasabik sa mga mata ni Mark, samantalang nabasa naman ni Mark sa mga mata ni Mandy ang ibayong lungkot na patuloy pa ring nagtatago sa likod nito. Ngunit hindi niya maitatangging nababanaag niya ang tila pangungulila nito sa piling niya kaya naman bahagyang nawala ang lungkot sa puso niya. Hindi naman nalingid iyon kay Mandy kaya’t bago pa man tuluyang mabasa ni Mark ang nilalaman ng isipan maging ng puso niya’y agad niyang binawi ang mga mata rito at saka bahagyang napayuko kasabay ng pagbaling niya ng atensiyon niya sa ibang bagay. Hindi pa rin inaalis ni Mark ang pansin sa kanya. Titig na titig pa rin niyang pinagmamasdan ang dalaga. Nakaramdam ng animo’y kasabikan na mahawakan niyang muli si Mandy kaya’t bahagya niyang naiangat ang kanyang mga kamay kasabay ng muling paghakbang ng kanyang mga paa – ngunit mabilis niyang pinigilan ang sarili. Oo nga pala, hiwalay na nga pala sila ngayon ng dalaga kaya’t hindi na niya basta-basta ito mahahawakan katulad ng dati. Bahagya siyang napayuko kasabay ng lalong pagbalot ng lungkot sa puso niya. Sa pagyuko niyang iyon ay hindi sinasadyang nabaling ang pansin niya sa tiyan nito.Kahit simpleng white and black petite dress ang suot ni Mandy ay nabanaag pa rin niya ang umbok sa parteng iyon --- na napansin niya ang bahagyang paglaki ng tiyan ng dalaga kumpara nung una niya itong mahawakan. Nakaramdam siyang bigla ng ibayong kurot sa puso niya kasabay ng pagbaling niyang muli ng pansin sa mukha nito, na magkahalong lungkot at pananabik na mahaplos muli ang magiging anak nila ang siyang bumabalot sa puso niya. Nakayuko pa rin at tila hindi pa rin magawang makatingin sa kanya ni Mandy, na para bang nahihiya pa rin itong tuminging muli sa kanya. Ayaw na niyang pagtagalin pa ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa kaya naman siya na ang bumasag nito.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now