AFD Chapter Thirty-One

337 9 2
                                    

Quick Note:

If you guys noticed na medyo matagal ang update ko dito sa wattpad,it's because may official facebbok page po yung AFD,and mas nauuna ko siyang i-update kesa dito sa wattpad kasi I'm posting each Chapters into certain parts (hinahati-hati ko kumbaga).

The last part is switching of the scenes again,pero I cut it kasi masyado nang hahaba ang Chapter na 'to and will turn into 50-60 pages. Baka magmukha na siyang libro sa haba kaya I've decided to cut it na lang :DDD

Anyways,enjoy reading and please,don't forget to vote! :)

Mx

-----------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-ONE

                                    “MANONG, PARA PO!”

             Agad na napahinto ang isang pampasaherong jeep sa tapat mismo ng isang ‘di-kalakihang daan papasok sa isang village sa may Fairview. Nang matantiya ng binatang siyang pumara kangina na nakahinto na ang sasakyan ay siya namang baba niya mula rito. Halos lahat ng pasahero,lalo na ang kababaihan ay hindi maiwasan ang mapatingin sa kanya habang pababa siya ng naturang jeep. Mabilis namang umandar muli ang jeep pagkababa niya,ngunit nakatingin pa rin sa kanya ang mga pasahero nito kahit medyo malayo na ito mula sa kinaroroonan niya.Hindi na siya nag-aksaya ng panahon kaya’t sinimulan na niyang lumakad papasok sa nasabing village. Hindi niya naiwasan ang mabaling ang pansin niya sa paradahan ng mga tricycle,maging sa mga driver na nag-aalok sa kanya na sumakay. Nginitian lang niya ang mga ito at saka tinanggihan.

                                “N-No thanks. I’m fine.”

                Lalakad na sana siyang muli nang makilala siya ng isa sa mga driver na naroroon,kaya’t hindi naiwasan ng nasabing driver na siya’y tanungin.

                                “ ‘Di ba,’kaw yung boyfriend nung pamangkin ni Dr. Martinez? ‘Musta na nga pala kayo ni Mandy?”

                Saglit siyang napahinto at saka niya ito sinagot.

                                “Uhm, w-we’re fine,absolutely fine. Cheers for asking.”

                Iyon lamang at iniwan na niya ang mga ito. Binabagtas niya ang kahabaan ng daan sa naturang village nang bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaibang galaw sa paligid,kasabay ng tila mahinang pag-ihip ng simoy ng hangin.Bahagya siyang napahinto sa paglalakad,kasabay ng biglaang pagbabago ng takbo ng kapaligiran niya. Nakahinto pa rin siya nang makarinig siyang bigla ng mga boses na animo’y nag-uusap,paparating ang mga boses na ‘yon kung saan siya nakatayo.Papalapit iyon nang papalapit sa lugar niya hanggang sa ‘di na siya nakatiis na hindi lingunin ang mga boses na ‘yon. Unti-unting namilog ang mga mata niya sa nakita niya --- dahil ang nakikita niya ngayon ay isang binata na siyang kamukhang-kamukha niya kasama ang isang dalaga na pamilyar sa kanya,masayang-masaya ang mga ito habang magkasabay na naglalakad. Agad siyang napatitig sa mga ito. Dinig na dinig niya ang pagbibiruan ng mga ito,maging ang naging pagtawa ng naturang dalaga nang dahil sa nakakatuwang joke na nanggaling sa nasabing binata na kasalukuyan niyang nakikita ngayon. Napansin na lamang niya na biglang tumahimik ang mga ito,ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang naging paglapit ng mga kamay nito niya sa kamay ng naturang dalaga. Kapwa nagdait iyon,at tuluyan na itong hinawakan ng binata. Bakas na bakas niya ang ngiti sa labi ng binatang kamukhang-kamukha niya habang palihim namang nangingiti ang nasabing dalaga – kaya naman nagawa nitong ipagsalikop ang kanilang mga daliri at saka ito iwinagayway habang naglalakad.Hindi nagtagal at nakalapit ang insidenteng nakikita niya sa tapat niya. Biglang bumagal ang takbo ng paligid para sa kanya habang unti-unting dumadaan sa harapan niya ang insidenteng iyon,lalong-lalo na ang dalagang siyang kasama ng binatang kamukha niya – na walang iba kundi ang sarili niya kasama ang kasintahang si Mandy. Bakas na bakas niya sa mukha ni Mandy ang kakaibang ningning sa mga mata nito maging ang matatamis na ngiti sa labi habang hawak-hawak niya ang kamay nito. Napansin niyang inangat niya ang kamay ng dalaga at saka buong suyong hinalikan,na siyang lalong ikinatamis ng ngiti ni Mandy. Hinahatid pa rin niya ng tanaw palayo ang nasabing insidenteng iyon hanggang sa tuluyan itong maglaho sa paningin niya. Nakaramdam na lamang siya ng kurot sa puso niya,na pakiramdam niya’y ang pagbabalik niyang muli sa lugar na ‘yon ang naging hudyat ng tila pagbabalik ng lahat-lahat ng alaalang siyang sinubukang ibalik at ipaalala sa kanya ni Mandy. Inalis niya ang pansin kung saan naglaho ang insidenteng nakita niya at saka bahagyang itinungo ang ulo. Muli ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Sari-saring bagay ang siya ngayong tumatakbo sa isipan niya – ang mga bagay na siyang nangyari sa loob ng ilang araw ng muling pagbabalik ng grupo nila sa Pilipinas,maging ang gulong namagitan at patuloy na namamagitan sa kanila ni Mandy – kasama pa do’n ang ngayon’y umiigting na sagupaan nila ng kaibigang si Kian para sa pagmamahal ng babaeng pareho nilang minamahal. Sa gitna ng malalim na pag-iisip ay biglang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari kangina bago niya naisipang pumunta sa lugar kung saan siya naroroon ngayon:

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now