AFD Chapter Thirty-Five

279 9 0
                                    

A/N:

A huge apologies kung sobrang natagalan ang update ko sa AFD. So many things had happened to me lately and I got a temporary job at the Golf Course nearby,as well as I'm currently fixing my papers that's why I'm so busy these past few weeks :)

Anyways, this is AFD Chapter 35,the first from the last few chapters of the said fanfic. Switching of scenes again ang latter part at pinutol ko din kasi masyado nang magiging mahaba ang chapter na 'to. Your comments and votes will be much,much appreciated x

------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-FIVE

                               (Shane) This isn’t goodbye

                                                Even as I watch you leave

                                                This isn’t goodbye...

                                                I swear I won’t cry,

                                                Even those tears filled my eyes,

                                                I swear I won’t cry ...

                TALAGA NAMANG kahali-halina at nakabibighani ang mala-anghel na boses ni Shane na siyang umaalingawngaw sa buong Araneta Coliseum. Kasalukuyang naroroon ngayon ang Westlife para sa kanilang reahearsal sa nalalapit na concert nila na gaganapin sa nasabing lugar dalawang araw mula ngayon. Malapit nang ma-sold-out ang tickets nila ayon na rin sa isang prominenteng concert producer na humahawak sa tour nila sa Pilipinas. Mula naman sa may audience ilang rows mula sa stage ay naroroon ang tour manager ng grupo na si Johnny,bakas na bakas ang confidence maging ang saya sa mukha nito habang pinapanood ang mga itong kumanta kasama ng ilang musicians na nasa likuran ng limang miyembro ng nasabing grupo. Habang kinakanta ni Shane ang part na ‘yun sa kantang pinasikat nila na pinamagatang “What Makes a Man”, hindi naman naiwasan ni Mark ang makaramdam ng sobrang kalungkutan sa puso niya, na pakiramdam niya’y siya ang pinatatamaan ng mga linyang iyon nang dahil sa pagdi-decide niyang i-let go ng tuluyan si Mandy at ipaubaya ito sa kaibigang si Kian. Nilingon niya ang kaibigan na siyang napapagitnaan ni Bryan at ni Nicky. Napansin niyang tahimik lamang ito habang dinadama ang melody ng nasabing kanta. Habang tinititigan niya ang kaibigan ay hindi niya naiwasang sumagi sa isipan niya ang naging pag-uusap nila nang makabalik ito sa Manila Pen kagabi :

                                “Mandy is absolutely terrified and crying so much when she realized that you’re not on her side. She even tried to get up on her bed pulling away the needle of her dextrose,running away from me just to find you. I tried to chase her explaining that, that you’re gonna come back anytime soon although the truth is you’re not. But she never listen to me,nor to her family and friends.”

                Tulala lamang habang nakatingin si Mark sa kawalan, mapapansing wala itong suot na t-shirt at natatakpan ng duvet ang ibabang bahagi ng katawan nito habang nakaupo lamang ito sa may kama na animo’y kagigising pa lang. Naririnig niya ang mga sinabi ng kaibigang si Kian,ngunit tila blanko at walang ma-absorb na kahit ano ang isipan niya ng mga sandaling iyon. Nakaupo naman sa may gilid ng kama si Kian ngunit nakatalikod ito sa kaibigan habang kinakausap niya ito.

                                “If only you can see her a while ago, if only you can see how miserable and how scared she really was while trying to find you crying and screaming while saying your name over and over again, you will see how desperate she really was to see you,to be with you still holding on to your promise of not leaving her again.”

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt