AFD Chapter Twenty-Four

345 10 20
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR 

-------------------------------------------------------------------------

PATULOY PA RING tinutumbok ni Mark ang hallway palabas ng rehearsal studio.Hindi na siya tumuloy pa sa mismong rehearsing hall para hindi na siya makaagaw pa ng eksena sa iba pang taong involve sa nalalapit na World Tour ng grupo.Mababakas pa rin sa mukha ng binata ang sari-saring emosyon na kasalukuyang nararamdaman nito habang patuloy pa rin ito sa paglalakad.Bakas na bakas sa mga mata nito ang ibayong galit at pagkamuhi sa mga narinig mula sa kaibigang si Kian habang patuloy at walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata - na sa simula't simula pa lamang ay tinatraydor na pala siya ng binata - na nagpapanggap lang pala ito bilang tunay niyang kaibigan,kaibigan na maasahan niya at masasabihan niya ng kahit ano maging sa lahat-lahat ng nararamdaman niya para kay Mandy - na hindi niya inakalang may lihim din palang pagtingin si Kian sa babaeng minamahal niya.Samu't-sari ang mga tanong na siyang umiikot ngayon sa isip niya ng dahil sa nangyari.Lingid naman sa kanya ay patuloy pa rin siyang hinahabol nina Shane,Bryan at ni Nicky.

"Mark,please! Please don't do this!", si Shane.

"Mark! Mark,please come back!", pasigaw na tawag ni Bryan sa binata

Hindi pa rin sumasagot si Mark.Patuloy pa rin ito sa paglalakad na tipong walang naririnig.Tatawagin sanang muli ni Bryan ang binata nang bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan si Kian,tumatakbo itong lumusot sa pagitan nilang tatlo.Gulat na gulat na napahintong bigla ang tatlo,lalong-lalo na si Shane.

"Kian! Kian,where are you going?!"

Katulad ni Mark,hindi rin sumagot ang binata.Tumatakbo pa rin ito at tila hinahabol ang papalayong si Mark.Ilang saglit pa'y narating na ni Mark ang exit door ng rehearsal studio.Ngunit bago pa man siya makalabas ay mabilis siyang hinarang ng lumuluha pa ring si Kian.

"Mark please.P-Please listen to me.I-I --- "

"Get out of my way!", matigas ang tinig ngunit lumuluha pa ring sagot ni Mark.

Nakakasugat ang mga tinging inalis ni Mark ang pansin kay Kian at saka nagpatuloy muli sa paglalakad.Tuluyan ng nakalabas ng nasabing lugar si Mark,habang hindi pa rin sumusuko si Kian sa paghabol rito - gayun din si Shane,Nicky at si Bryan.Nang maabutan niyang muli ang kaibigan ay muli niya itong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso nito at saka niya ito hinarang.

"P-Please Mark,please listen to me.W-We need to talk,let me explain ... ", mangiyak-ngiyak ang tinig ngunit lumuluha pa ring sambit muli ni Kian.

"Don't you really understand,or you're just an absolute pr*ck?! I said,f*ck off! Leave me alone and don't touch me!", nagngangalit ang boses na sagot muli ng binata. 

Galit na galit na hinila ni Mark ang braso mula sa pagkakahawak ni Kian.At muli'y nagpatuloy sa paglalakad.Hindi pa rin sumuko sa pagsunod si Kian,kaya't muli niya itong hinabol.Sa huling pagkakataon ay muli niyang hinila ang braso nito at saka niya ito hinarang.Nakatayo lamang habang patuloy pa ring sa pag-agos ang mga luha ni Mark mula sa mga mata nito,ngunit hindi nito magawang tumingin sa kaibigan.Gayundin ang binatang si Kian.Ni hindi rin niya magawang tumingin kay Mark habang patuloy pa rin siyang lumuluha.Mababakas sa mga mata ni Mark ang ibayong poot at galit na siyang nararamdaman nito kahit hilam sa luha ang mga mata nito.Lalapitan na sana ni Shane ang dalawa nang bigla siyang pigilan ni Bryan at ni Nicky sa pamamagitan ng paghila ng isa sa mga ito sa braso niya.Nilingon ng binata ang taong pumigil sa kanya - na walang iba kundi si Nicky.

"Let them talk to each other,Shane."

"Yeah,Nicky's right.We should let them talk everything by themselves", si Bryan.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Место, где живут истории. Откройте их для себя