AFD Chapter Thirteen

366 10 5
                                    

- CHAPTER THIRTEEN -

-----------------------------------------------------------

"BAKIT MO GINAWA 'YON,HA?! BAKIT MARK,BAKIT?! BAKIT?!!"

Nangingilid ang mga luha ni Mandy habang nakatingin siya sa binata,samantalang hindi naman magawang tumingin ni Mark sa dalaga.Tila ayaw niyang sagutin ang mga tanong na binitiwan mismo nito.Tila ayaw niyang magsalita tungkol sa ginawa niya at sa mga nangyari kangina sa pagitan nila ni Jasper.Sa halip na sumagot ay sinabayan niya ng talikod si Mandy at tahimik na tinungo ang gate.Lalong lumalim ang sakit na nararamdaman ni Mandy sa ginawang iyon ng binata,habang gulat at nagtatakang napatingin rito si Bobby.

"Mark...", si Bobby.

Tuluyan nang nakapasok si Mark sa gate ng bahay ng dalaga at lumakad patungo sa may pintuan na tila walang nangyari.Gustung-gusto ng umiyak ni Mandy nang mga oras na 'yon,ngunit mabilis niyang pinigilan ang sarili.Sa halip ay tinungo rin niya ang gate at pumasok.Wala namang nagawang sumunod na rin sa kanila si Bobby.Nakita niyang papalapit na si Mark sa may pintuan ng bahay.Kaya't bago pa man din ito tuluyang makalapit ay muli siyang nagsalita.

"Hanggang kailan mo ba gagawin sa 'kin 'to,ha?! Hanggang kailan mo ba 'ko iiwasan ng ganito?! Hanggang kailan,Mark?! Hanggang kailan?!"

Napahinto si Mark sa paglakad nang marinig niya ang sinabing iyon ni Mandy.At muli'y hindi niya ito nilingon.Gustung-gusto na niyang sabihin sa dalaga ang totoong nararamdaman niya - ang lahat-lahat ng nararamdaman niya,lalo na ang pagseselos na siyang lalong nagpapahirap sa puso niya,ng dahil sa pagmamahal niya.Ngunit mabilis niyang pinipigilan ang sarili.Tila nakalimutan na niya ang ipinayo sa kanya ni Bobby kangi-kangina,kasama pa roon ang pangingibabaw na rin ng kanyang ego at pride bilang lalaki.Tuluyan nang nawala ang kumpiyansa niya sa sarili niya.Kaya naman walang kaabug-abog siyang sumagot.

"That's none of your business,Mandy...", matigas ang tinig na sagot ng binata.

Lalong napatda sa panlulumo si Mandy sa naging tugon ng binata.Hindi na rin niya mapigilan pa ang sarili kaya't mabilis na umagos ang mga luha niya sa pisngi.Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman niya sa ginagawang iyon ni Mark sa kanya.Kaya't muli siyang sumagot.

"May pakielam ako dahil naguguluhan na 'ko sa sitwasyon na 'to! Naguguluhan ako at 'di ko maintindihan kung bakit ... kung bakit ka nagkakaganyan ... Bakit ba - Bakit ba ayaw mong makipag-usap sa 'kin?! Bakit,bakit ayaw mong sabihin sa 'kin kung ano ang iniisip at nararamdaman mo?! Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to?! H-Hindi na kita maintindihan,Mark.Hindi ko maintindihan kung bakit ... kung bakit mo 'ko iniiwasan ng ganito,maging ang malamig na pakikipag-usap mo sa 'kin tulad ngayon.Ano ba'ng - Ano ba'ng nangyayari sa 'yo,Mark?! Ano?!!!" 

Mabilis at walang patid ang pagpatak ng mga luha ni Mandy.Hindi na niya napigilan pa ang umiyak - iiyak ang sakit na nararamdaman niya sa panlalamig at pag-iwas na ginagawa sa kanya ni Mark,maging ang tila pagwawalang-bahala sa nangyari kangina na tila walang nangyari.Lingid sa kanya ay nasasaktan din na pinipigilan ni Mark ang sarili.Ramdam na ramdam niya na nasasaktan na rin si Mandy sa mga nangyayari,lalo na sa ginagawa niya.Damang-dama niya ang paghihirap ng loob ng dalaga mula sa mga narinig niya rito,na tila naghahanap ito ng mga sagot sa tanong na siya lamang ang makakasagot.Nag-umpisa nang umagos ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.Hindi na rin niya kaya ang ginagawa niya kay Mandy.Masakit na masakit para sa kanya ang ginagawa niya rito.Agad siyang nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga upang hindi mahalata ni Mandy ang totoong saloobin niya,at muli'y nagsalita.

"I don't need to explain everything for now,Mandy.I --- I have nothing to say nor tell how I feel for now ... It's much better for me if I would'nt talk or say anything about the way I ignore you,the way I never talked to you ... Just - just leave me alone ..."

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now