AFD Chapter Twenty-Two

442 9 7
                                    

Quick Note:

Vote and comment naman po kayo please :) Sa readers' comments po kasi ako humuhugot ng inspiration at 'yun lang po totally ang nagpapasaya sa isang writer na katulad ko :) Yun lang naman po and maraming thankies! Mx

------------------------------

- CHAPTER TWENTY-TWO -

MABILIS AT TILA WALANG TIGIL ang mga paa ni Mark sa paglalakad.Mag-isa niyang hinanap ang kasintahang si Mandy.Hindi na niya inalintana ang posibilidad na may makakilala sa kanya mahanap lamang ang dalaga.Katakot-takot na pag-aalala ang bumubugbog sa puso niya nang mga sandaling iyon.Kahit hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Mandy ay tila walang kapaguran ang mga paa niya sa kakalakad at kakasuyod sa mga lugar na posibleng puntahan ng dalaga.Sinubukan niyang puntahan ang UST kung saan kasalukuyang nag-aaral si Mandy.Sinikap niyang hanapin ang Office of the Dean ng College of Fine Arts at kausapin ang Dean nito na si Dean Salgado.

- - - - -

"Si Miss Bartolome? Uhm,No.She's not here nor we have a meeting together today.Next week pa actually ang submission ng artworks niya for the school's Foundation Week."

- - - - -

Muli ay ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa dalaga.Iba't-ibang lugar na ang pinuntahan niya mahanap lamang ito.Hindi rin niya pinalampas ang tumawag kay Caloy na nasa bahay na ngayon,nagbabakasakaling baka umuwi ng bahay ang kasintahan.

- - - - -

"Si Ate Mandy? Hindi pa siya umuuwi,Kuya Mark.Bakit? May nangyari ba?"

"I hate to say this but your sister's missing.She left her work in Pizza Hut without telling me", nangangatog ngunit may pag-aalala sa tinig na sagot ni Mark.

"H-Ha?! T-Teka,tutulong ako sa paghahanap.A-Asan ka ba ngayon?", nag-aalala na ring tugon ng binatilyo.

"No,no please Caloy.Just - just stay in the house,okay? She might go home in an hour or so,so please stay there.I'll try my best to find her,okay?"

"T-Tatawagan ko si Uncle para sabihin ang nangyayari kay Ate."

"NO! Don't,please.Don't say anything yet on Uncle.Stay --- stay calm okay? I'll take care of it.I promise,I'll find her no matter what..."

Iyon lamang at mabilis na ibinaba ni Mark ang cellphone.

- - - - -

Patuloy pa rin sa paghahanap si Mark.Walang katapusan ang pagpapaling-paling ng kanyang mga mata sa paligid.Hindi niya maramdaman ang mapagod dahil sa sobrang pag-aalala niya para kay Mandy.Lahat ng lugar na posibleng puntahan nito'y napuntahan na niya - ngunit ni anino man lang nito'y hindi niya makita.Gulong-gulo na ang isipan niya ng mga oras na 'yon.Hindi pa rin humihinto ang pagpintig ng kanyang puso sa sobrang kaba na maaring may mangyaring hindi maganda kay Mandy.Pakiramdam niya'y unti-unti siyang pinapatay ng sobrang pag-aalala ng dahil sa pagkawala ng dalaga.Lahat ng sulok at lugar na mahagingan ng kanyang mga mata ay hindi niya pinapalampas - maging ang mga babaeng may kahabaan ang buhok at petite ay kanya ring tinitingnan,nagbabaka-sakaling isa sa mga iyon ay si Mandy.Gustuhin man niyang pumunta ang Makati Med kahit na may posibilidad na magpunta roon ang dalaga ay hindi niya magawa.Ayaw niyang mag-alala pa si Uncle Andrew.Mas minabuti na lamang niyang solohin ang problema upang hindi na siya makaapekto pa sa mga taong nagmamahal sa dalaga.Hindi pa rin humihinto ang mga paa niya,animo'y walang kapaguran sa walang katapusang paglalakad.

"Mandy,what's happening to you? Why did you leave so sudden without telling me? Why do you have to do this? You make me feel so weak right now worrying so much about you.Please,don't do this to me,honey.Where are you now? Please tell me where are you now..."

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now