AFD Chapter Twenty-One

455 12 6
                                    

- CHAPTER TWENTY-ONE -

------------------------------------------------

"MANONG, 'ETO PO'NG BAYAD..."

Nang makuha ng tricycle driver ang bayad mula kay Caloy ay agad namang bumaba ang binatilyo.Umalis na rin kaagad ang nasabing tricycle pagkatapos.Lulugo-lugo at tila wala sa sariling binuksan ng binatilyo ang gate ng kanilang bahay.Pagkabukas nito ay agad siyang pumasok at saka tinumbok ang daan patungo sa pintuan ng bahay niya.Walang katapusan ang mga bagay na patuloy pa ring umiikot-ikot sa isipan niya habang tinutumbok niya ang daan.Nagawa man niyang makarating ng NAIA Terminal 1 at hanapin ang kababatang si Trish upang pigilan ang napipinto nitong pag-alis ngunit umuwi pa rin siyang bigo.Hindi na niya nagawa pang pigilan ang dalagita,ni ang masabi ang tunay niyang nararamdaman para rito - ang pagmamahal na matagal na niyang ikinikimkim sa loob ng mahabang panahon.Kahit sisihin pa niya ang buhol-buhol na traffic sa EDSA at ang sarili niya dahil huli na ng malaman niya na aalis na pala ang kababata ay hindi na niya magawa.Paulit-ulit man niyang gawin iyon ay tila hindi na maibabalik pa ng pagsisisi niya si Trish.

"Manong guard,sige na naman po,please! Papasukin niyo na po ako sa loob.May - may kaibigan lang po ako na gustong kausapin!", tila nagmamakaawang wika ni Caloy.

"Hindi talaga pwede,iho.Mahigpit ang rules and regulations namin.Hindi kami pwedeng magpapasok ng kahit sino hangga't wala silang plane ticket na pinapakita.Pasensiya na talaga..."

Ang mga salitang iyon,maging ang lahat-lahat ng insidente na nangyari sa airport ay patuloy pa ring umiikot sa isipan niya,lalo na nang marinig niya mula sa loob ng nasabing lugar na ang eroplanong sinasakyan ni Trish ay tuluyan nang nakaalis.Tuluyan nang nalaglag ang mga balikat niya nang mga sandaling iyon.Gustuhin man niyang umiyak ngunit tila wala namang luha na gustong lumabas mula sa kanyang mga mata,animo'y pagud na pagod na ito sa kaiiyak.Ilang saglit pa'y narating na niya ang pintuan ng kanilang bahay.Hinawakan niya ang door knob at saka iyon pinihit.Dahan-dahan niya itong binuksan.Papasok na sana siya nang 'di-sinasadyang mabaling ang mga mata niya sa may sofa.Bigla siyang natigilan,kasabay ng unti-unting pamimilog ng kanyang mata sa sobrang pagkagulat sa nakita.Hindi niya maintindihan ang sarili ng mga oras na 'yon.Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya nang masilayan niya ang taong nakaupo sa nasabing sofa --- na walang iba kundi ang kababata niyang si Trish.Tahimik lamang ito habang nakaupo at patingin-tingin sa wall clock na nakasabit sa may ibabaw ng TV,animo'y may hinihintay.Sa sobrang pagkatulala ni Caloy ay hindi niya namalayang naibaling na pala ni Trish ang pansin sa kanya.Napansin ng dalagita na nakatulala ito habang nakatingin sa kanya.Nabasa din niya sa mga mata nito kung gaano ito kasaya nang masilayan siya nitong muli.Ibig na niyang mangiti ngunit agad niyang pinigilan ang sarili.Muli niyang binawi ang mga tingin rito at inayos ang sarili na animo'y nagsusuplada,saka tumayong nagwika.

"B-Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kangina pa 'ko naghihintay dito? Kahit kelan talaga,palagi ka na lang late kung dumating.Mabuti na lang at hindi ako iniwan ni Kuya Mark at ni Ate Mandy dito dahil kung hindi,malamang umuwi na lang ako sa 'min.Hanggang ngayon talaga --- "

Hindi pa man din natatapos ni Trish ang ibang sasabihin ay agad-agad na tumakbo si Caloy papalapit sa kanya.Isang masuyo at mahigpit na yakap ang iginawad sa kanya ng binatilyo.Gulat na gulat namang napatigagal sa pagkakatayo si Trish nang yakapin siya ng kababata.Masayang-masaya si Caloy habang yakap-yakap niya ang kababata,na hindi naman nalingid kay Trish.Palihim na napangiti ang dalagita,tanda ng kaligayahang nararamdaman niya sa ginawang pagyakap na iyon ng binatilyo.

"Ang akala ko ... ang akala ko --- "

"Akala mo,umalis na 'ko? Akala mo,pumunta na 'ko ng Japan for the scholarship grant,di ba?", nangingiting sagot muli ng dalagita.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now