AFD Chapter Twelve

400 10 10
                                    

- CHAPTER TWELVE -

-------------------------------------------------------------

LALONG UMIIGTING ANG kumpetisyon sa pagitan ni Mark at ni Jasper para sa pagmamahal ng iisang babae na siyang tanging laman ng kanilang puso - si Mandy.Walang inaaksayang oras at panahon si Jasper makasama lamang ang dalaga.Naroong puntahan nito ang dalaga sa Pizza Hut upang sunduin,kahit naroroon at kasama nito si Mark.

- - - - - - - - - -

Magkakasabay na lumabas ng SM City North EDSA sina Mandy,Mark,Sweet at si Bobby.Masayang nagtatawanan ang mga ito,partikular na ang dalawa nang may humintong kotse sa harapan mismo ng naturang mall.Agad na napatitig sa naturang sasakyan si Sweet at si Bobby.

"Sino na naman kaya ang istorbo na 'to?",may inis sa tinig na wika ni Sweet.

Nakatitig lamang habang pinagmamasdan ni Bobby ang kotse.Biglang napako ang tingin ni Mark sa naturang sasakyan,habang nagtataka namang nakatingin lamang rito si Mandy.Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan ng kotse.Bumaba roon ang isang pamilyar na mukha sa kanila - na walang iba kundi si Jasper.Bihis na bihis ito at gwapong-gwapo sa suot na pink long sleeves na bahagyang nakatupi ang manggas nito.Nang mabaling ang tingin nito sa kanila ay agad itong ngumiti,partikular na nang mahagilap ng mga mata nito si Mandy.Agad nitong isinara ang pinto at pinuntahan ang dalaga sa may entrance ng SM.

"Uhm Mandy,ihahatid na kita",nakangiting wika ni Jasper.

"H-Ha?A-Ano,uhm...Ano kasi - "

Gulat na gulat at tila nag-aalalang ibinaling ni Mandy ang mga tingin kay Mark.Agad namang nahulaan ni Jasper ang gustong sabihin ng dalaga sa mga tingin nito sa naturang binata.Ibinaling niya ang pansin kay Mark at muli siyang nagsalita.

"Well,he can go with us kung okay lang sa kanya.Maybe he won't mind at all kung ihahatid kita pauwi."

Pairap na ibinaling ni Mark ang mga mata kay Jasper.Napansin niya ang nakakainsulto nitong ngiti habang titig na titig sa kanya ang naturang binata.Bahagyang naningkit ang mga mata niya na tila naiinis siya sa mga sinabi nito,maging sa nakakauyam nitong ngiti na tila sinasadya nito ang pang-iinis na ginagawa sa kanya.

"No Jasper,not at all.It's fine with me.The more,the merrier - am I right?",may pang-iinsulto rin sa tinig na sagot ni Mark,tila ibinabalik sa binata ang pang-iinis na ginawa nito kangina.

"M-Mark...",may pag-aalala sa tinig na sambit ni Mandy.

Napawi ng bahagya ang nakakainsultong ngiti sa labi ni Jasper nang marinig niya ang sinabing iyon ni Mark.Talagang nakikipag-kumpetisyon sa kanya ang naturang binata,sa isip niya.

"Okay.Mandy,shall we?",si Jasper.

Tipid na ngumiti na lamang si Mandy bilang tugon.Napapailing na lamang si Bobby sa mga nangyayari,habang yamot na yamot namang napaismid na lamang si Sweet.

"Hay grabe,kapal talaga ng mukha ng kumag na 'to",naiinis na bulong nito.

- - - - - - - - - -

Nadadalas na rin ang pagdalaw nito sa bahay ni Mandy.Pinipilit niyang mapalapit muli sa puso nito,na hindi naman nalilingid kay Mark.Harap-harapan ang ginagawang pakikipagkumpitensiya ni Jasper sa kanya kaya't lalong umiinit ang nagiging labanan sa pagitan nilang dalawa.Tila ang mga kilos at galaw na ipinapakita nito kay Mandy ang siyang nagpapatindi ng inis at selos niya rito.Nagpapadagdag pa doon ang tila unti-unting paglapit muli ng loob ni Mandy sa naturang binata,kaya't lalong nababalot ng lungkot at sakit ang nararamdaman niya sa tuwing makikita niyang magkasama ang dalawa.Pilit mang iwinawaksi ni Mark sa damdamin niya ang mangamba,tila bangungot ito na patuloy pa ring bumabalot sa puso't isipan niya.Pakiramdam niya'y unti-unting naaagaw ni Jasper ang atensyon ni Mandy,maging ang puso nito.Tanging ang kaibigang sina Sweet at Bobby ang tanging nasasandalan at nahihingahan niya ng sama ng loob sa tuwing nasasaktan siya.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now