AFD Chapter Twenty

483 10 0
                                    

CHAPTER TWENTY :

--------------------------------------------------------

PUMWESTO SI MANDY malapit sa may entrance ng Pizza Hut.Nang makapwesto'y saka niya sinimulang mamigay ng mga leaflets.Bawat taong nagagawi sa lugar kung saan siya naroroon ay agad niyang inaabutan ng nasabing bagay.Siyempre pa,hindi rin nawawala ang mga matatamis na ngiti sa kanyang labi habang ginagawa niya iyon.Kaya naman kahit paunti-unti ay nakakahikayat siya ng mga tao na kumain sa nasabing pizza store.Kung may kumukuha ng leaflets na kanyang inaabot,mayroon din namang tila patay-malisya at hindi kinukuha ang nasabing leaflet.Ngunit tila hindi naman iyon alintana ng dalaga na patuloy pa rin sa pamimigay ng mga leaflets.Ang matatamis nitong ngiti,maging ang magiliw nitong pakikipag-usap sa mga tao,lalong-lalo na ang mga nangungusap nitong mga mata ay hindi nalingid sa isang binata na kangina pa nagkukubli di-kalayuan mula sa kinaroroonan ng dalaga - na walang iba kundi si Kian.Nagtagumpay ang nasabing binata sa naging pagsunod niya kay Mandy.Mula nang makita niya ito sa sinasakyan nitong jeep ay hindi na niya inalis pa ang mga mata rito.Sinigurado niyang hindi mawawala sa paningin niya ang dalaga hanggang sa marating nito ang lugar na pupuntahan nito - na walang iba kundi ang lugar na pupuntahan din niya para maghanap ng kasagutan kung saan naninirahan pansamantala ang kaibigang si Mark.Tahimik ngunit may saya sa mga matang pinagmasdan niya si Mandy.Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya namamalayang unti-unti na palang rumerehistro ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.Pakiramdam niya'y walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon habang patuloy niyang pinagmamasdan ang dalaga.

"I never thought I'd be able to see you here", matatamis ang ngiting wika ni Kian sa sarili, animo'y kinakausap niya ang dalaga.

Sa kabilang banda,papalabas na sana ng Pizza Hut si Mark nang bigla siyang hinarang ni Sweet.

"Papa Mark,hindi ko mabuksan 'yung cash register.Help me naman oh,please?"

"H-Huh? U-Uhm ... "

Muli niyang nilingon ang kasintahan na nasa labas ng Pizza Hut.Patuloy pa rin itong namimigay ng mga leaflets sa labas.Gustung-gusto na niyang puntahan ito ngunit kailangan naman ni Sweet ang tulong niya.Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod sa kaibigan.

"A-Aye.I'll help you fix it", tugon ni Mark.

"Naku,super thank you talaga,Papa Mark.Patay na naman kasi ako kay baklang Ariel once na malaman niyang nasira ko 'yung cash reg.Kaimbyerna pa naman ang baklang 'yon kapag nagalit ... "

Natatawa na lamang habang napapailing si Mark sa mga sinabi ni Sweet.Agad nitong hinawakan ang bisig niya saka siya inakay papalapit sa may counter.Habang inaakay siya nito ay siya namang ibinaling niyang muli ang pansin kay Mandy.

Panay ang pintig ng kanyang puso,tila nagtatatalon ito sa tuwa habang nakikita nito ang babaeng siyang nag-iisa nitong itinatangi.Para sa kanya'y kuntento na siya na pagmasdan si Mandy mula sa kinaroroonan niya,ngunit tila nagiging mas makulit ang puso niya,animo'y mas higit pa roon ang nais nito.Pilit man itong pigilan ng isipan niya'y hindi naman nito magawa.Sadyang mas nananaig ang pagmamahal na nararamdaman niya rito,kaya't hindi niya namamalayang unti-unti na pala niyang naihahakbang ang kanyang mga paa,animo'y gusto niyang lapitan si Mandy sa kinaroroonan nito.Mga paa na niya mismo ang kusang humahakbang papalapit sa dalaga dala na rin ng pagdidikta ng kanyang puso.Patuloy pa rin sa paghakbang ang kanyang mga paa papalapit rito,hanggang sa wakas ay nagawa niyang makalapit sa dalaga.Sa paglapit niyang iyon ay eksakto namang lumingon sa kanya si Mandy habang namimigay pa rin ito ng mga leaflets.Gulat na gulat at natigilang bigla ang binata nang mapansin niya ang ginawang paglingon na iyon ng dalaga.Agad siyang napahinto sa paglalakad nang mapansin niya ang ginawa nito.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Kde žijí příběhy. Začni objevovat