AFD Chapter Thirty-Six

231 6 0
                                    

A/N:

The first part of C36 is actually the continuation of the ending of C35. Kung nabasa niyo yung pinakahuli ng C35,you will understand what I mean. Anyways,this is Chapter 36 - the 2nd from the last final chapter ng AFD which will be posted soon. Ngayon pa lang ay sobrang thankful na 'ko sa lahat-lahat ng readers,silent readers at mga friends ko na readers din sa support at pagvote/comment sa lahat ng chapters ng AFD. Kungdi dahil senyo,di ko mari-reach ang 1K,2K,3K,4K and now,it's 5K+ reads. Thank you so much guys! xxx

----------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-SIX

- - - - -

                ... Tila walang naririnig na nagpatuloy pa rin si Mandy sa pagtakbo palayo sa red na van habang titig na titig pa rin sa iisang direksiyon --- na walang iba kundi ang malaking billboard na siyang nakaagaw ng pansin nito kangina. Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa nasabing billboard habang patuloy at walang tigil ang paghakbang ng kanyang mga paa. Habang tumatakbo ay hindi niya naiwasan ang panlalabong muli ng kanyang paningin,animo’y namumutawi ang mga luha niya kasabay ng pagbalik ng lahat-lahat ng masasayang alaala sa piling ng taong minahal niya at siyang minamahal pa rin hanggang ngayon sa isipan niya. Samantala,pilit namang hinahabol ni Kian ang tumatakbong si Mandy. Ewan at hindi niya maintindihan kung bakit nagawa iyon ng dalaga – na kung bakit bigla-bigla na lamang itong lumabas ng sasakyan at nagdesisyong tumakbo palayo kahit na mahina pa rin ang katawan nito. Muli niyang tinawag si Mandy,ngunit hindi pa rin siya sinasagot at nililingon ng dalaga. Bagkus ay patuloy lamang ito sa ginagawang pagtakbo. Hindi na napigilan pa ni Mandy ang pamumutawing iyon ng kanyang mga luha,kaya naman sunud-sunod itong bumagsak at dumausdos sa kanyang mga pisngi. Ang pagtakbong iyon ng dalaga ay unti-unting bumabagal habang papalapit ng papalapit ito sa kinaroroonan ng nasabing billboard --- hanggang sa tuluyan na itong napahinto habang lumuluha. Lalong tumindi ang pagsikdo ng bigat sa puso niya habang tinititigan pa rin ang naturang billboard,partikular na sa pamilyar na mukha ng isa sa miyembro ng popular na grupo ng mga binatang siyang nakapaskil rito. Hindi pa rin inaalis ni Mandy ang pansin sa malaking billboard habang patuloy ang pag-agos ng mga luha niya maging ang pag-ilanlang ng mga alala sa kanyang isipan. Tuminding lalo iyon habang tinititigan niya ang mukha ng lalaking kasama sa naturang billboard, na siya ngayong nagpapabalik muli ng espesyal na damdaming pilit niyang kinakalimutan at ibinabaon sa kailalimang bahagi ng puso niya.

                                “Alam mo, ang daya mo. A-Ang daya-daya mo talaga. Ang akala ko ... a-ang akala ko, magagawa ko nang ibaling ng tuluyan ang pagmamahal ko kay Kian,na magagawa at matuturuan ko na ang puso kong mahalin siya para kalimutan ka na ng tuluyan ... Hindi ko,hindi ko maitatanggi na sobrang,sobrang minahal kita dahil ginawa mo ang lahat para lang maging masaya ako ... na ginawa mong posible ang imposible para sa,para lang sa ‘kin,just to let me know and feel how much I mean the world to you ... At, at sobra din akong nasaktan sa lahat-lahat ng bagay na ginawa mo masaktan mo lang ako. Masakit,sobrang sakit nang marinig ko mula sa ‘yo ang pagtatangging ginawa mo sa harapan ng maraming tao,na itinanggi mong may relasyon tayong dalawa ... na kilala mo ‘ko at ako,a-ako ang girlfriend at ang babaeng minamahal mo. Pero tiniis ko ang sakit kasi,kasi mahal kita. Mahal na mahal kita at alam mo ‘yun. Pinilit ko ang lumaban,a-ang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa ‘yo ‘nung mga sandaling hindi mo ako magawang maalala, na pinilit kong maging tama ang mga maling sumisira sa relasyon nating dalawa dahil ayokong --- ayokong mawala ka sa ‘kin at gusto kong mabuo ang magiging pamilya natin ... at,at dahil sobrang .... sobrang pinanghahawakan ko ang mga pangako natin sa isa’t-isa lalung-lalo na ang pangako mo. Oo,hiniwalayan kita upang matapos na ang paghihirap at sakit ng loob ko at upang maprotektahan ko din ang magiging anak natin --- na sinikap kong kalimutan ka sa kauna-unahang pagkakataon dahil hirap na hirap at pagud na pagod na ang puso ko pero ... pero hindi ko ...... h-hindi ko pala kaya ...”

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now