AFD Chapter Seven

480 12 2
                                    

- CHAPTER SEVEN -

----------------------------------------------------------------------

"ATE MANDY,SORRY TALAGA.Hindi ko nasabi sa 'yo na pupunta ngayon dito si Trish para kunin 'yung notes niya sa Chemistry na hiniram ko",nahihiyang wika ni Caloy.

"Ano ban'g hinihingi mo ng sorry diyan? Hindi naman ako galit sa 'yo,noh! Nakalimutan kong sabihin na kasama si Trish sa mga taong pwedeng maglabas-masok dito sa bahay habang nandito si Mark.Hindi naman problema sa 'kin 'yon kasi,part na siya ng family natin",sagot ni Mandy.

"Eh,sabi mo kasi,hindi ako pwedeng magpapasok ng kahit na sino dito sa bahay para sa safety ni Kuya Mark."

"Oo nga.Sorry din kung nakalimutan kong sabihin na kasama si Trish sa mga taong pwedeng pumunta dito sa bahay.Kaya 'wag ka nang mag-alala diyan at hindi naman ako nagagalit sa 'yo",wika muli ni Mandy.

Napakamot na lamang ng ulo si Caloy na napayuko.Samantala,nakatingin pa rin si Trish kay Mark.Tila may kakaibang ningning ang mga mata nito habang nakatingin sa gwapong binata.Hindi maialis-alis ang mga ngiti nito sa labi habang nakatingin rito.Nang mapansin iyon ni Mark ay sinuklian na lamang niya ng ngiti ang dalaga bilang tugon.Lalo namang tumamis ang mga ngiti ng naturang dalagita sa labi nang makita nito ang ginawang pagngiti ng binata.Ibinaling ni Mandy ang tingin kay Trish at kinausap ito.

"Bakit ngayon ka lang uli nadalaw dito? Ang tagal mo nan'g hindi napupunta dito,ah! Nami-miss ka na tuloy ni Uncle Andrew",ngiting wika ng dalaga.

Agad na sumagot si Trish,ngunit nakatingin pa rin siya kay Mark.

"Sorry,Ate Mandy.Si nanay kasi,ayaw akong payagang lumabas minsan.Pero - mukhang mapapadalas na 'ko dito sa inyo ngayon",matatamis ang mga ngiting sagot nito sabay buntung-hininga.

"Ah,gano'n ba? Oo nga pala,me pagka-istrikto si Aling Lydia.Matanong ko nga,me kapilyuhan bang ginagawa itong si Caloy kapag wala ako?",si Mandy.

"Ate naman.Good boy kaya ako",sabad ni Caloy.

Tila naintindihan ni Mark ang sinabing iyon ni Caloy kaya't sumabad siya sa usapan.

"You really do a good boy,huh?",tila may pagbibiro sa tinig na wika ng binata.

"Of course,Kuya Mark.I don't do naughty things in school.I always prioritize my studies.You know,studies first before anything else."

"Hmmm,okay",natatawang sagot ni Mark.

"Hay,totoo ba talaga 'yan,ha?",tila may pagdududa sa tinig na wika ni Mandy.

Hindi pa man din nakakasagot muli si Caloy nang biglang sumagot si Trish.

"Huwag mo na siyang pagalitan,Ate Mandy.Hindi naman siya pilyo sa school.At saka,nami-maintain naman niya ang good grades niya",matamis pa rin ang mga ngiti nito habang nakatingin pa rin kay Mark.

Tila gulat at nagtataka namang napatingin rito si Caloy.Tila biglang nag-iba ang ihhip ng hangin ngayon kay Trish.Mukhang hindi siya nito inaaway ngayon at isinusumbong kay Mandy ng kung anu-ano.

"Ano kayang nakain nito't ipinagtanggol pa 'ko kay Ate?",sa isip ni Caloy.

"Hay,ang gwapo-gwapo mo pala sa malapitan...K-Kuya Mark",nakangiti pa rin ngunit nahihiyang wika muli ni Trish.

Pilit na inintindi ni Mark ang sinabing iyon ng dalaga.Ngunit nang hindi niya maintindihan ay agad niyang tinanong si Mandy.

"What does she said?"

"She said you're really handsome at closer look",ngiting sagot ni Mandy.

Nangingiting napatango na lamang si Mark.At muli'y ibinaling ang tingin kay Trish.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن