AFD Chapter Five

524 13 3
                                    

  - CHAPTER FIVE -

-----------------------------------------------------------------------------

               BUMALIK MULI SI MANDY sa table na kinaroroonan ni Mark.Nang mapansin ng binata na papalapit na sa kanya itong muli ay agad-agad niyang inalis ang mga tingin sa dalaga at saka ibinaling muli ang tingin sa menu.

                         “May I take your order now,Sir?”,nakangiting tanong ni Mandy.

                         “U-Uhm,will you give me this one,and…”

            Tiningnan ni Mandy ang bawat pagkain sa menu na itinuturo ni Mark at saka isinusulat.Habang ginagawa iyon ng dalaga ay unti-unting ibinaling ni Mark ang mga mata rito.Muli na naman niyang tiningnan si Mandy.Nang makita niyang titingin itong muli sa kanya ay agad niyang babawiin ang mga tingin rito at titingin muli sa menu.

                         “What else,Sir?”,si Mandy.

                         “…a-and a salad.U-Uhm,please don’t put some ice on my drinks,okay?”

                         “Yes,Sir”,ngiting sagot muli ni Mandy.

           Nang matapos isulat ni Mandy ang order ni Mark ay agad niyang kinuha ang menu.Ngumiti muna siya sa binata at saka umalis.Napangiti rin ang binata.Ilang saglit pa’y dumating muli si Mandy dala ang isang baso at pitsel na may lamang softdrinks.Pagkatapos ay sinunod nitong sinerve ang spaghetti at caesar’s salad.Maya-maya’y muling umalis ang dalaga.Ilang saglit pa’y huli nitong sinerve ang isang solo-sized pizza.Nang mailapag iyon ni Mandy sa table ay muli siyang nagwika habang nakangiti.

                         “Thank you for waiting,Sir.Enjoy your meal!”

           Ngumiti na rin si Mark bilang tugon.At muli’y iniwan siya ng dalaga.Inumpisahan ng kumain ng binata.Inuna muna niya ang salad,pagkatapos ay sinunod niya ang spaghetti.Habang kumakain ay hindi pa rin niya talagang maiwasan na mapatingin muli kay Mandy.Hindi lang basta puso niya ang nagiging makulit kundi pati yata mga mata niya ay nagiging makulit na rin.Tila ayaw na talaga nitong maalis sa paningin niya ang dalaga.Bawat kilos at galaw ni Mandy ay kanyang pinagmamasdan.Tila hindi na rin niya alintana ang mga tao sa paligid niya.Tanging si Mandy at si Mandy lamang ang nakikita ng kanyang mga mata.

< ----- >

            MATIYAGANG NAGHIHINTAY si Caloy sa may first floor ng high school department ng UST.Tatlong araw na siyang hindi kinakausap ng kababata niyang si Trish.Hanggang ngayon kasi ay galit pa rin ito sa kanya dahil na rin sa hindi niya pagsulpot sa audition sa Glee Club.Tatlong beses na siyang hindi sumusulpot sa nasabing audition – nauunahan kasi siya lagi ng kaba at hiya kaya naman hindi na niya nakukuha pang pumunta.

                        “Hay,sana naman,hindi na siya galit sa ‘kin.Tapos na kaya ‘yung klase nila?”,wika ni Caloy sabay tingin sa may hagdan.

            Maya-maya pa’y may nagbababaan nang mga estudyante sa may hagdanan.Agad na pumunta si Caloy sa may bungad ng hagdanan at matiyagang hinintay si Trish.Ilang saglit pa’y nakikita na niyang bumababa na ito kasama ng iba pa nitong mga kaklase.Nang makababa na ito ay mabilis niya itong nilapitan at hinarang.

                        “T-Trish,p-pwede ba tayong mag-usap?”,nahihiyang tanong ni Caloy.

            Napahinto si Trish nang makita si Caloy.Hindi siya sumagot.Sa halip ay tiningnan lamang niya ang binata at saka lumakad muli sabay na nilagpasan niya ito.Agad namang hinabol ni Caloy ang kababata.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now