AFD Chapter Fourteen

417 12 3
                                    

- CHAPTER FOURTEEN -

--------------------------------------------------------------------

ISANG MALAWAK NA BAKURAN SA LIKOD-BAHAY ang bumungad kina Mandy at Sweet.Sa naturang bakuran kasi kasalukuyang idinadaos ang naturang Class Reunion ng kanilang klase.Marami-rami na din ang mga taong naroroon,halos lahat ay mga kaklase nila 'nung 4th year high school sila sa Ateneo.May pagka-semi-formal ang tema ng pagtitipon kaya't karamihan sa mga dumalo ay cocktail dress ang suot,samantalang modern-style shirts habang tinernuhan ng vest ang iba para sa mga lalaki.Sa 'di kalayuan naman ay abalang-abala si Alexa sa pag-aasikaso sa mga ka-batch nila na dumalo.Habang inaasikaso ang mga ito'y hindi sinasadyang naibaling ng dalaga ang tingin sa mga paparating.Agad na sumilay sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti nang matanaw ang pamilyar na mukha na papalapit sa kinaroroonan niya.

"Mandy!!!"

Masayang-masayang nilapitan ng dalaga ang mga kaibigang matagal na niyang hindi nakikita.Agad-agad itong yumakap kina Mandy at Sweet,habang masaya namang nakatingin sa kanila si Jasper.

"Kumusta ka na,girl? Ang tagal na nating 'di nagkikita",masayang-masayang wika ni Alexa sabay pawi ng pagkakayakap sa dalaga.

"Uhm heto,okay naman ako.Medyo busy lang talaga kaya hindi na 'ko nakakapag-text sa 'yo.Sorry talaga",masaya ngunit nahihiyang sagot ni Mandy.

"Ano ka ba? Hindi ka pa rin talaga nagbabago.Ikaw pa rin 'yung Geeky Mandy na kilala ko.Laging down-to-earth",nakangiting tugong muli ni Alexa.

Nakangiting napayuko na lamang si Mandy.

"Hello?! Baka gusto ninyo akong isama sa usapan niyo",naiinis na wika ni Sweet.

Agad na ibinaling ni Alexa ang tingin sa kaibigang si Sweet.

"Hay naku,ikaw talaga Sweet,kahit kelan,ang arte-arte mo pa ring bakla ka",natatawang sagot ng dalaga.

Napaismid na sumagot si Sweet.

"Aba't nagsalita ang 'di maarte.Sabunutan kaya kita diyan,bruha ka!"

Sabay na nagtawanan sina Mandy at Alexa sa tinuran ng kaibigan.Maya-maya'y nakitawa na rin sa kanila ang huli.

"Teka,'di ko napansin na ang ganda-ganda mo ngayon,ah! Hmmm..."

Naniningkit ang mga mata ngunit nakangiting ibinaling ni Alexa ang tingin kay Jasper.Nagtataka at tila nagtatanong ang mga matang napatingin din rito ang binata.Ilang saglit pa'y muling ibinalik ni Alexa ang tingin kay Mandy at sinudlungan ang sasabihin.

"... siguro si Jasper ang dahilan,no!"

"Alexa...",namumula ang pisngi na tila nahihiyang wika ni Jasper.

"N-Naku,h-hindi ah! Ikaw talaga Alexa,kung anu-ano 'yang iniisip mo",nahihiyang sagot ni Mandy sabay na napayuko.

Sasagot na sanang muli si Jasper nang biglang may tumawag sa kanya sa kung saan.

"Jasper pare,long time no see,ah!"

Mabilis na nilingon ni Jasper ang boses na tumawag sa kanya.Nang makita ang nagmamay-ari nito'y bigla siyang napangiti.Muli niyang ibinaling ang tingin kina Alexa at Sweet.

"I'll leave you guys here for a while.Puntahan ko lang sina Tristan."

"Okay!",ngiting tugon ni Alexa.

Umismid naman bilang tugon si Sweet habang ngumiting tumango na lamang si Mandy bilang tugon.Iyon lamang at umalis na si Jasper.Pinuntahan ng naturang binata ang kinaroroonan ng mga dating kaklase.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now