AFD Chapter Thirty

390 10 6
                                    

Quick Note:

Switching of scenes ang una niyong mababasa sa first few parts ng chapter na 'to. I just want to let you know so that you won't get confused while reading :)

Don't forget to vote and comment - and be a fan too! Thanks and enjoy reading :)

Mx <3

----------------------------------------------------------------------------------------------

- CHAPTER THIRTY -

TULUYAN NANG NAKASAMPA sa may main ramp patungong entrance ng Manila Peninsula Hotel ang kulay red na van kung saan lulan ng nasabing sasakyan si Kian, hanggang sa tuluyan itong makahinto sa harapan mismo ng main entrance ng naturang hotel.Bababa na sana ang driver upang buksan ang pintuan ng nasabing sasakyan ngunit agad itong pinigilan ni Kian.

"No please,I can manage. Cheers anyway."

Sinunod na lamang ng nasabing driver ang pakiusap na iyon ng binata.Agad na binuksan ni Kian ang pintuan ng van at saka bumaba.Palihim niyang inilinga ang paningin sa paligid,tila sinisigurado niyang walang media at kahit anong miyembro ng press ang siyang naroroon sa paligid ng hotel.Iyon lamang at tuluyan na siyang pumasok sa loob.Binabagtas niya ang malaking lobby ng hotel patungo sa may elevator nang sumaging muli sa isipan niya si Mandy,maging ang mga salitang binitiwan nito sa kanya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang naguguluhan ngunit malungkot na malungkot na mukha ng dalaga - na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata nito kahit pa nagawa na niyang ipagtapat rito na matagal na niya itong minamahal ng lihim. Napagtanto niyang mas lalo niyang pinahirapan ang loob ni Mandy nang dahil sa naging pagtatapat niya ng pag-ibig niya rito,na mas lalo niyang ginawang kumplikado ang estado ng nararamdaman nito nang dahil do'n.Ngunit anong magagawa niya? Hindi na niya makayanan pa ang makitang umiiyak at nasasaktan ng lubusan ang babaeng patuloy pa rin niyang minamahal ng palihim --- na mas doble ang nararamdaman niyang sakit sa tuwing nakikita niya itong nasasaktan. Wala siyang choice kundi ang sabihin rito ang tunay niyang nararamdaman,ang damdaming matagal na niyang itinatago sa kasuluk-sulukang bahagi ng puso niya.Magkagayon man,hindi niya hinangad na mas mahirapang lalo ang pagdurusang nararansan ngayon ni Mandy - na hindi niya inasahan na mas lalo itong maguguluhan sa mga nangyayari.Bigla siyang napahinto sa paglalakad,sa gitna mismo ng main lobby ng Manila Pen.Dinukot niya mula sa bulsa ng suot na pants ang cellphone niya. Nang makuha ay agad niya itong tiningnan at pinagmasdan.Sinubukan niyang i-unlock ang nasabing bagay at saka nag-browse sa kanyang phonebook,animo'y hinahanap niya ang pangalan ng taong nais niyang tawagan.Eksakto namang huminto ang highlight sa mismong pangalan ni Mandy.Saglit siyang napatitig sa pangalan at number nito.Tinititigan pa rin niya ito nang bigla na lamang sumagi sa isipan niya ang lahat-lahat ng nangyari kangina,partikular na sa pagitan nilang tatlo - ang 'di-sinasadyang pagsugod niya sa kaibigang si Mark maging ang madamdaming pagsisiwalat ni Mandy ng nararamdaman nito sa mga nangyayari,lalung-lalo na ang pagtatapat niya ng pagmamahal niya rito.Thinking of what happened makes him realize that everything is too much for Mandy to handle,na hindi basta-basta makakayanang i-absorb ni Mandy ang lahat-lahat ng mga nangyari ng gano'n kadali kaya naman lalo siyang nag-alala.Pipindutin na sana niya ang buton upang tawagan ang dalaga nang bigla na lamang nakaagaw ng pansin niya ang tila boses na tumatawag sa pangalan niya sa kung saan.

"Kian!"

Inalis ni Kian ang pansin sa cellphone at nilingon ang nagmamay-ari ng boses na siyang tumatawag sa kanya.Napansin niyang papalapit sa kinatatayuan niya ang kaibigan at ka-bandmate na si Shane habang kasunod naman nito ang tour manager nilang si Johhny. Lingid sa kaalaman niya'y sinisikap pigilin ni Johnny ang naghihimutok sa galit na si Shane,na sinusubukang pakiusapan ng nasabing tour manager na huwag nang komprontahin ang kaibigan.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ