AFD Chapter Three

602 18 12
                                    

- CHAPTER THREE –

---------------------------------------------- 

SUNUD-SUNOD ANG ACTIVITIES na ginawa ng grupo ni Mark nang araw na ‘yon.Halos mapuno ang schedule nila sa dami ng mga lugar na pupuntahan nila para sa kanilang tour.Kabi-kabila kasi ang tv guestings nila sa iba’t-ibang malalaking tv networks,talk shows,live performances at maging ang pagbisita nila sa iba’t-ibang music stores ay hindi rin nakaligtas.Walang sawa namang sinusuportahan ng mga fans ang mga events at places na pinupuntahan ng naturang grupo.Tilian at sigawan naman ang isinusukli ng mga ito sa tuwing nakikita silang lima,maging sa pagpe-perform nila ng mga songs nila sa mga tv shows na pinupuntahan nila.Punum-puno naman ang halos lahat ng malls na pinuntahan nila.Hindi tuloy maramdaman ng grupo ang pagod dahil nasusuklian iyon ng mga ngiti at saya na nakikita nila sa mga mukha ng mga fans.Inspirado naman si Mark nang mga oras na ‘yon.Sa kanilang lima,siya ang bukod-tanging hindi nakakaramdam ng pagod.Tila hindi na siya tinatablan kahit anong haba at tagal ng kanilang schedule.Iniisip pa rin kasi niya at hindi pa rin makalimutan hanggang ngayon si Mandy.Hindi na nga yata niya nagawa pang alisin sa isipan niya ang dalaga mula nang makita niya ito sa airport,maging ang insidenteng namagitan sa kanilang dalawa.Matatamis na ngiti sa labi ang rumerehistro sa mukha niya kapag naalala niya ang aksidenteng pagkakahalik nila ni Mandy.Saya ang kanyang nararamdaman kapag naiisip niya ‘yon.Tila ang gaan-gaan ng lahat para sa kanya.Noon lamang niya muling naramdaman ito mula nang maghiwalay sila ni Sarah.Kaya naman hindi maiwasan ng binata na hanapin ng kanyang mga mata ng palihim si Mandy sa mga fans na pumupunta sa lahat ng mga venue na pinupuntahan ng kanilang grupo.

< ----- >

                        “THANK YOU PO,SIR,MA’AM! Please come again to Pizza Hut!”

            Hinatid ni Mandy ang mga customers na kumain sa kanilang store palabas ng pinto.Hindi niya inaalis ang ngiti sa kanyang labi.Nang makaalis na ng tuluyan ang mga ito ay saka naman niya sinabayan ng pasok.Nasalubong niya si Sweet pagpasok niya.Nakalagpas na siya nang tawagin siya ng kaibigan.

                        “Teka sandali,Mandy!”

            Agad na huminto si Mandy sa paglakad at nilingon ang kaibigan.

                        “Bakit,Sweet?”

            Mabilis na lumapit sa kanya si Sweet at ibinigay ang mga posters sa kanya.

                        “Heto nga pala ‘yung mga bagong posters ng store natin.Sabi ni Sir Ariel,idikit mo daw ito sa mga glass windows natin sa labas.Tanggalin mo na rin daw ‘yung mga luma.”

            Kinuha iyon ni Mandy at tumangong sumagot.Aalis na sana si Sweet nang magtanong siya muli dito.

                        “Okay.Hmmm,sa’n ko naman ilalagay ‘yung mga old posters?”

                        “Sa may storage room sabi ni Sir”,sagot muli ni Sweet sabay alis.

            Madaling sinunod ni Mandy ang mga sinabi ni Sweet.Pinuntahan niya ang mga lumang posters na nakadikit sa mga glass windows ng kanilang store at isa-isa niya itong pinagtatanggal.

< ----- >

            KATATAPOS LAMANG ng mini-concert at autograph session ng grupo ni Mark sa Entertainment Plaza ng SM City North Edsa.Kahit tapos na ay marami pa rin ang mga fans sa naturang lugar.Kaya naman upang makalabas ang grupo ay mabilis silang binarikadahan ng kanilang mga bodyguards at hinawi ang mga tao.Sinigurado ng mga bodyguards na walang makakalapit sa lima.Nakabibingi pa rin ang tilian at hiyawan ng mga fans na naroroon.Sunud-sunod pa rin ang kislapan ng mga flash ng camera mula sa ibang mga fans.Mabilis nilang nilisan ang mall upang hindi sila makapagdulot ng gulo.Sa may 2nd floor sa may carpark sila lumusot.Magkagayon man,hindi pa rin tumitigil ang mga fans sa pagsunod sa kanila.Kaya naman mabilis silang sumakay isa-isa sa van.Hindi muna isinara ang pinto ng van dahil pini-picture-an pa sila ng ibang mga fans,habang ang iba ay kinakamayan sila.Ilang saglit pa’y isinara na ang pintuan ng van.Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasan ni Mark ang hanapin sa mga ito si Mandy.Tila umaasa pa rin siyang makikita niya itong muli.Ngunit bigo pa rin siya.Maya-maya pa’y unti-unting umandar ang van.Sumusunod naman ang mga fans sa van na sinasakyan ng grupo.Pabilis ng pabilis ang naturang sasakyan hanggang sa nakaalis na ito.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now