AFD Chapter Twenty-Six (1st Part)

367 10 9
                                    

Quick Note:

Paki-play po yung video sa right while reading the scene when Mandy tries to chase the vehicle where Mark and the rest of the Westlife is. Thanks xxx

-----------------------------------------------------------------------

- CHAPTER TWENTY-SIX –

 (Part 1)

------------------------------------------------------

                NAMIMIGAY NG MGA LEAFLETS si Mandy sa may labas ng Pizza Hut.Lahat ng madadaan sa harapan niya ay kanyang inaabutan,maging ang grupo ng mga namamasyal sa loob ng SM City North ay binibigyan din niya ng leaflets.Habang ginagawa niya ang kanyang trabaho ay hindi niya maipaliwanag ang sayang nararmdaman niya nang mga sandaling iyon.

                - dahil mamayang gabi na ang paglapag ng eroplanong sinasakyan ng Westlife sa Manila.

                At hindi lamang ‘yon – dahil sa wakas ay magkikita na silang muli ng kasintahang si Mark pagkatapos ng ilang buwang hindi nila pagkikita.

                Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti habang sumasagi sa alaala niya ang binata.Magkahalong kaba,saya at excitement ang siyang nararamdaman niya,animo’y lumilipad siya sa alapaap sa kasiyahang nararamdaman.Kaya naman inspiradong-inspirado siya sa pagta-trabaho niya sa shift niya ngayon sa Pizza Hut.Habang patuloy na namimigay ng leaflets ay paminsan-minsan niyang hinahaplos ang kanyang puson – at saka niya ito palihim na kakausapin.

                                “Darating na si Daddy mo mamaya,baby.Ano kaya magiging reaksiyon ng Daddy mo kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ‘yo?”

                Hindi naiwasan ni Mandy ang lihim na mapangiti.

                                “Gulat na gulat siguro ang magiging reaksyon ng Daddy mo kapag pinakilala kita sa kanya bukas”, natatawa ngunit nakangiti pa ring sagot niya.

                Huminto siya sa pamimigay ng leaflets at tumayo saglit malapit sa may entrance ng Pizza Hut habang nakalapat pa rin ang kamay niya sa kanyang puson.Bahagya siyang napayukong muli at saka mahinang nagwika.

                                “Konting hintay na lang,baby.Makikita na natin si Daddy mo bukas.Konting tiis na lang.”

                Muling sumilay sa labi niya ang isang matamis na ngiti habang marahan niyang hinahaplos ang puson niya.Papasok na sana siya ng Pizza Hut nang biglang may bumunggo sa kanya.

                                “Ay! Aray ko naman! Sino ba ‘yung --- ”

                Hindi na niya nakuha pang ituloy ang sasabihin nang mapatingin siya sa taong bumunggo sa kanya.Kaagad na namilog ang kanyang mga mata kasabay ng pagtitig niya sa taong iyon – na walang iba kundi ang batang lalaki na siyang lumilitaw sa tuwing may mangyayari sa buhay niya,partikular na sa naging pagku-krus ng landas nila ni Mark.

                                “I-Ikaw??? A-Anong --- Anong ginagawa mo dito?”

                Nakatingin lamang sa kanya ang nasabing bata,malungkot ang mga mata nito at tila nag-aalala.Agad siyang napaupo sa harapan nito at muli’y tinanong.

                                “Oy,tinatanong kita.Anong ginagawa mo dito? M-May sasabihin ka na naman ba tungkol sa buhay ko? Ano?”, may pag-aalala ngunit mahinahon ang boses na tanong niya.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now