AFD Chapter Six

504 14 2
                                    

- CHAPTER SIX -

----------------------------------------------------------------------

TILA WALA SA SARILING PINUPUNASAN ni Mandy ang isang table na kinainan ng umalis na customer sa Pizza Hut.Hangang ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan niya ang insidenteng namagitan sa kanila ni Mark kangina - ang muntik na paghalik nito sa kanya.Tila paulit-ulit itong rumerehistro sa isipan niya mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa mga oras ngayon na nagtatrabaho siya sa store.Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa iyon ng binata.Ngunit sa gitna ng pagiging matanong ng kanyang isip,siya namang nagiging mas makulit ang kanyang puso.Mas lalo itong naging makulit magmula nang muntik siyang halikan ni Mark,kaya't panay ang tibok nito habang naiisip niya ang nangyari.Saglit na napahinto si Mandy sa pagpupunas ng table at hinawakan ang kanyang dibdib,at sabay na marahang napapikit.

"Hay,please naman,'wag ka nang makulit,okay?",mahinang bulong ni Mandy sa sarili.

Pagkatapos ay muli niyang idinilat ang mga mata at saka nagpatuloy muli sa ginagawa.Hindi niya tuloy namalayan ang paglapit sa kanya ni Sweet dahil na rin sa kanyang iniisip.

"Mandy,paki-audit naman itong naging sales natin for today",si Sweet habang may sinusulat sa folder.

Wala sa sariling itinuloy pa rin ni Mandy ang pagpunas sa table.Tila hindi nito narinig ang sinabi ng kaibigan.Walang sagot na narinig si Sweet,kaya't muli niyang tinawag ito.

"Oy Mandy,paki-audit 'tong naging sales natin ngayong araw.Kailangan na 'to ni Sir Ariel mamaya."

Wala pa ring sagot na naririnig si Sweet.Ni ang kuhanin ang folder na hawak niya ay hindi nito ginawa.Nakaramdam na siya ng inis kaya't tinawag niya itong muli sabay tingin rito.

"Mandy,paki-audit ----- "

Hindi pa man din natatapos magsalita si Sweet ay napansin niyang tulala si Mandy at tila wala sa sarili habang pinupunasan ang table.

"Aba't - hay naku naman,weird na naman ang lola mo."

Agad na isinara ni Sweet ang hawak na folder at saka tinapik niya nang malakas sa balikat si Mandy.

"Hoy friend! Ano ban'g ginagawa mo,ha?!"

Naramdaman ni Mandy ang malakas na pagkakatapik ng kaibigan sa kanyang balikat,kaya't gulat na gulat ngunit nasaktan siyang napahawak sa balikat niya. 

"A-Aray ko naman! Ano ba?! Ang sakit no'n,ah!",may inis sa tinig na sagot ng dalaga sabay himas sa balikat.

"Sakit-sakit ka diyan.Kangina pa 'ko dakdak ng dakdak dito,ni hindi mo man lang ako pinapansin! Ano ban'g nangyayari sa 'yo ha,Mandy? Kangina pa kita napapansin na wala ka yata sa sarili mo mula 'nung pumasok ka sa store.Me problema ka ba?",wika ni Sweet.

"H-Ha?! A-Ano,w-wala!",tila pagsisinugaling na sagot ni Mandy sabay na napayukong itinuloy ang paglilinis.

"Asus! Wala daw.Eh,ano 'yang ginagawa mo ngayon? Ba't 'di ka makatingin sa 'kin ng diretso?"

Tila may pagdududang pinagmasdan ni Sweet si Mandy.Nang tila may napansin siya sa dalaga ay naniningkit ang mga mata nitong muling nagsalita.

"Teka,don't tell me - Hay,may ginawa ba si Papa Mark?"

Nanlaki bigla ang mga matang napatingin rito si Mandy.

"A-Anong - Aba't - Hay,ang dumi talaga ng isip mo kahit kelan!",naiinis na sagot muli ni Mandy sabay irap.

Huminto ang dalaga sa ginawang paglilinis at naiinis na iniwan niya ang kaibigan.Lumipat siya ng ibang table na marumi at iyon ang sinunod niyang nilinis.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu