AFD Chapter Thirty-Two

364 8 2
                                    

A/N:

 

After weeks of being in a total mental-blocked state,I'm so proud to present to you Chapter 32 of AFD :) The first part is the continuation of the last part of C31,which is if you notice,the switching between Mark,Mandy and Kian. I want to apologize as well kung matagal akong mag-update dito sa wattpad,as I really want to make this story meet the standards of my avid readers,na ayokong madisappoint ko kayo :) I hope you guys like it and will enjoy it,as well as I hope you feel the emotions that the every character feels nung times na sinusulat ko ang part na 'to :)

Anyways,don't forget to leave your votes and be a fan! :) Enjoy! Mx

-----------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-TWO

- - - - -

                ... Hindi na napigilan pa ni Mark ang mga luhang siyang patuloy na nagpupumilit bumagsak mula sa kanyang mga mata. Sunud-sunod at walang patid ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi sa patuloy niyang panonood sa nasabing video. Tuminding lalo ang pagbuhos na iyon ng mga luha niya habang nakikita niya ang paggawad niya ng isang masuyong halik sa noo ng kasintahang si Mandy,samantalang matatamis pa rin ang ngiting naipikit na lamang ng dalaga ang mga mata na para bang dinadama nito ang pagdampi ng kanyang labi at saka buong suyo niyang ikiniskis ang ilong niya sa ilong nito...

                ... Ang matatamis nitong mga ngiti,maging ang nangungusap nitong mga mata lalo na ang nakakahalinang pagtawa at hagikgik nito ay hinding-hindi na niya makikita’t maririnig kailanman – na kailanma’y hindi na niya magagawa pang mapangiti at mapatawa si Mandy gaya ng ginawa niya sa naturang video. Dahan-dahan niyang iniyuko ang kanyang ulo habang unti-unti niyang inilalapag ang kanyang kamay hawak ang cellphone sa sahig,patuloy pa rin ang walang tigil na pag-agos ng mga luha niya. Muli na namang nanumbalik ang tindi ng sakit na siyang bumabaon pa rin hanggang ngayon sa puso niya nang dahil sa paghihiwalay nilang iyon ni Mandy – na inilalarawan ng kanyang mga luha kung gaano siya mas nasasaktan sa naging desisyon na iyon ng dalaga. Nag-uumpisa pa lamang siyang buuing muli  ang relasyon nila na sinira ng pagkawala ng alaala niya’y tila pakiramdam niya’y hindi na niya ito mabubuong muli – na kung kelan handa na siyang ipaglaban ang pag-ibig na siyang ibinaon pansamantala ng pagkakaroon niya ng amnesia ay siya namang sumuko nang tuluyan si Mandy. Hindi niya maiwasan na sisihin niya ng sobra-sobra ang sarili niya nang dahil sa lahat-lahat ng nangyari habang patuloy pa rin siyang lumuluha. Pakiramdam niya’y walang kahit anong bagay sa mundo ang siyang tutumbas sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang cellphone nang hindi sinasadyang napindot ng kanyang mga daliri ang keypad sa nasabing bagay, na naging sanhi para mai-exit niya ito mula sa video at mabuksan niya ang text messages. Napansin niya iyon kaya’t muli niyang ibinaling ang pansin dito. Bahagyang napakunot ang kanyang noo nang mabasa niya ang isa sa mga text messages na naka-save sa kanyang inbox :

                               

                                 - You have 1 voicemail message recieved –

               

         Agad-agad niyang binuksan at binasa ang nasabing mensahe. May number na nakasulat roon na kailangan niyang tawagan upang marinig niya ang nasabing mensahe. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa kaya’t dinayal niya ang nasabing numero at saka inilapat ang cellphone sa kanyang tenga.

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now