AFD Chapter Thirty-Seven

240 7 2
                                    

A/N:

I'm getting really sad these past few days - coz AFD was going to end in a few days.

Anyways,I'm presenting you Chapter 37,the 3rd from the last chapter of AFD. I know I've been apologizing for so many times but I can't help it coz I updated my fanfics really slow.

Enjoy reading and please,leave you votes and feedbacks after. Your votes and feedbacks are highly appreciated from Yours Truly. Thanks for the undying support,guys! Mx <3 :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER THIRTY-SEVEN

NAPATIGAGAL BIGLA si Mark mula sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang boses ni Mandy sa kabilang linya. Nag-uumapaw na naman ang halu-halong emosyon sa kanyang puso,animo’y hindi niya malaman ang susunod na gagawin. Naramdaman din niya na tila biglang may humarang sa lalamunan niya kaya’t hindi siya nakasagot agad – sa halip ay pinapakinggan lamang niya ang boses ng babaeng minamahal niya. Samantala,patuloy pa rin sa pag-“Hello?” si Mandy at pagtawag sa pangalan ng binata.

                                “Mark,Mark,n-nandiyan ka ba? Please naman,sumagot ka ... Alam kong,alam kong nandiyan ka ...”

                Hindi maiwasan ng dalaga ang mangatog ng bahagya ang tinig,tila nagbabadya na namang bumigay ang bigat na dinadala nito – na siyang hindi naman nalingid kay Mark kaya’t mabilis na nanlabong muli ang kanyang paningin,animo’y pinamumutawian na naman ng luha ang mga mata niya. Palihim siyang nagpakawala ng malalim na buntung-hininga upang ibsan at pigilan ang napipinto niyang pagluha,at saka sumagot.

                                “Y-Yes ... Yes Mandy,I’m ... I’m here ...”

                Sunud-sunod at walang patid na bumagsak ang mga luha ni Mandy mula sa mga mata niya nang marinig niya ang boses ni Mark. Naramdaman niyang maiiyak na naman siya kaya’t bago pa man siya tuluyang mapaluha ay mabilis na niyang pinigilan ang kanyang sarili. Inilapat niya ang kamay sa kanyang bibig at saka impit na suminghot sabay na nagpakawala ng malalim na buntung-hininga.

                                “N-Nasa’n ka ngayon? N-Nakabalik ka na ba sa hotel?”

                Naiyukong bigla ng binata ang ulo at saka napahawak sa kanyang buhok. Dumausdos iyon hanggang sa kanyang leeg na para bang iniibsan niya ang kirot na sumisiksik sa puso niya,pilit pa rin niyang pinatatatag ang sarili.

                                “Y-Y-Yeah. I-I’m here now lying on my bed. O-Our upcoming gig will gonna due in two days from now so we have to rehearse our bit nonstop to,to make sure everything will go with our plan.”

                Saglit na namagitan sa kanilang dalawa ang katahimikan,tila pinapakiramdaman nila ang isa’t-isa. Maya-maya’y binasag iyon ni Mark.

                                “B-By the way,uhm,h-how’s --- how’s your ultrasound scan?”

                Marahang ikinilos ni Mandy ang kaliwang kamay at dumako iyon sa ‘di-kalakihang umbok sa kanyang tiyan.  Dahan-dahan niya itong hinaplos at saka sumagot.

                                “M-Maayos naman,salamat. Maayos naman ang baby ...... Ay,teka nga pala,twins nga pala yung magiging baby natin ayon sa nakita namin sa ultrasound,pero,hindi pa makita ni Uncle at ni Dr. Fuentebella ang gender ng mga baby kaya hindi ko pa alam kung, kung parehong boy o girl o kung boy at girl yung anak natin ...”

A Fan's Dream (Book 1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now