CHAPTER 8 : My month

2.2K 131 15
                                    

Chapter 8 : My month

SHANAIZE'S POV

"Let's talk."

Ha?

Napakurap-kurap ako ng narinig ko ang boses ni Lawrence, Let's talk daw sabi niya. Anong let's talk? Nag-uusap na nga kami tapos let's talk?

Phew! Let's talk daw! Eh nag-uusap na nga kami, ano paba gusto niya? Maglalakad ako tapos siya magsasalita? Tatakbo?

"Lawrence, nag-uusap naman tayo bakit tanga ka" sabi ko sa kanya. Nakita kong napakunot ang noo nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Naalala ko si Kyldren, nandito pala siya... Bigla yatang bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unting tumingin sa labas ng room.

Pero...

Nasaan na siya?

Bakit nawala siya?

Lumingon-lingon ako sa paligid ko pero wala akong nakikitang tao o maski isang anino para mapagkamalan kong si Kyldren iyon. Pero, totoo bang si Kyldren iyon? Baka nagmamalikmata lang ako.

"Kasi--"

"Teka lang."

Mabilis akong tumalikod kay Lawrence at lumabas ng room. Lumingon ako sa kanan pati nadin sa kaliwa pero walang Kyldren ang nakikita ko! Eh? Totoo nga bang nandito iyon?

"Anong hinahanap mo?" rinig kong tanong ni Lawrence sa likod ko. Bumalik ako sa pagtingin sa labas pero wala talaga.

"Hindi ano, kundi sino"

"Sino? Tao? Sinong hinahanap mo?"

"Si ano, si kyl----"

Napatingin ako sa kanya ng muntikan ko ng masabi ang pangalan ng lalaking iyon, Jusko naman Shanaize! Baka sabihin pa nitong hinahanap ko si Kyldren o di kaya'y may gusto ako sa kanya.

Pero wala ah!

"Sino?"

"Ahh wala"

"Idiot."

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya, ano daw?! Idiot?! Idiot niya mukha niya.

"Hoy! 'wag mokong englishin! Anong sabi mo?! Idiot?! Baka ikaw! Makaalis na nga, wala ka namang sasabihin para kang gago na tanga!"

Nagapapadyak akong lumabas sa room pero hindi pa nga ako makaalis ng hinawakan nito ang damit ko kaya napahinto ako.

Inis akong lumingon sa kanya at nagkibit-balikat saka tinaasan siya ng kilay. Ano na naman ang kailangan nito?

"Problema mo?"

"Ngayon ko lang napansin."

Napakunot naman ako ng noo.

"Na ano?"

Nakita kong namula ang tenga nito kaya napakunot ako lalo ng noo, napaiwas pa ito at hinawakan ang batok niya.

"Hoy yung ano! Bilisan mo nga naiinis na ako!"

Tumingin ito sa akin pero kitang-kita ang pamumula ng tenga niya. Kinagat pa niya ang ibabang labi that makes him look sexy.

Ha? Ay gago!

Napailing ako saka seryosong tumingin sa kanya. Ano ba?! Ang tagal-tagal niyang magsabi kanina pa ako nakatayo dito.

"Ano nga?!"

"Yung ano mo"

"Yung?"

"Yung sa ano"

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon