CHAPTER 27 : Strangers

1.1K 61 1
                                    

Chapter 27 : Strangers

SHANAIZE'S POV

"So Shai, how about you? Ano sang-ayon ka ba sa sinabi ko? Diba? Diba? Sagutin mo ako!" napatawa ako dahil sa pinanggagawa ko, kausap ko lang naman ang tanging laruan ko. Isa itong turtle na kulay pink, sariling gawa ko pa ito.

Malapit na palang mag start ang class ko. Napatawa nalang ako saka ko inilagay sa sulok ang laruan ko at saka ko kinuha ang bag ko at nagteleport papunta sa room.

Napatingin ako sa paligid ko. I don't know but I have no friends in this room! I mean hello? Isa akong magandang babae at cute din! Hmp!

Isa lang ang tanging kaibigan ko at 'yun ay si Shai! My turtle *0*. Ano kayang ginagawa ng turtle na iyon ngayon?

"Lumabas na kayo at magsisimula na ang leveling game. I know marami sa inyo ang excited ngayon lalo na't manonood ang mga royalties."

Ang royalties? Manonood ang mga royalties? Omg ang saya nun. Ang saya kaya kapag may manonood sa iyo at isa sa mga pinakamalakas pa sa buong magic world.

"Lumabas na kayo at magpatuloy sa leveling area." Napatango ako saka masayang tumayo. Napatingin ako sa mga kaklase ko at saka ako umiling at nagteleport.

Maswerte talaga ako dahil marami akong kapangyarihan. Tulad kanina, kaya kong magteleport. At ang iba? Mamaya ko na ipapakita para surprise.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay nandito na ang mga kaklase ko. Ang bagal naman nila maglakad. Kawawa talaga sila kasi hindi sila marunong magteleport. Buti nalang marami akong kapangyarihan.

"Hindi ko pala nasabi sa inyo, nandito ang lahat ng section. A, B, C, D, and E."

Pumasok naman ang ibang section mas lalo akong na-excite. I want to be the rank 1! Napangisi naman ako, hindi nila matatalo ang lakas ko no. Kung kilala lang nila ako.

"Katulad ng sinabi ko, manonood sa inyo ang Royalties. Hindi man natin sila nakikita pero nanonood sila sa atin ngayon sa loob ng royalties' area."

Akala ko nandito talaga sila sa leveling area. Nandoon lang pala sa kanilang lugar pero okay na 'yun atleast nanonood padin sila.

"Hi, pwede bang tumabi sayo?" tiningnan ko naman ang isang babaeng napakaganda *0*. Bakit ngayon ko lang siya nakita dito?

"Yes, you can." Ngumiti ito sa akin dahilan para mas lalo akong humanga. I mean hello? She's a goddess! But mas maganda padin si Chelsey, the goddess of creation.

Nasaan kaya si Chelsey? Hindi ko na siya nakikita sa Sparley. Well sino ba naman ako para malaman iyon? : /

Tinawag na ni Sir ang mga lalaban at nagsimula na nga silang lumaban. Kagaya ng inaasahan ko, malalakas ang mga taga class A. At kabilang na ako doon. Yes po class A ako.

Nagpatuloy ang pagpili hanggang sa tumayo ang tumabi sa akin, siya na pala. Ang kalaban niya naman ay taga ibang section, ay ang unfair non. Siguradong panalo ang katabi ko kasi Class A siya eh ang kalaban niya naman ay Class C.

Kawawang class C.

Tiningnan ko ang katabi ko habang naglalakad papunta sa gitna. Babae din ang kalaban niya kaya mas sigurado akong talo talaga ang taga class C.

Nagsimula na ang labanan at mas lalo akong namangha sa kanya. She is a sound manipulator! Omg ang galing niya, hindi ko nga lang siya kilala.

At tulad nga ng inaasaha ko, nanalo siya. Ano paba ang ineexpect ko? Class A siya eh.

Napatayo ako ng tawagin ako. Omg? Ako na? Ako na talaga? Kyah! Excited na talaga akong ipakita kung ano ang kaya ng isang Shanaize! Look and learn poeple.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now