CHAPTER 12 : Bad dream? Yes!

1.3K 70 5
                                    

Chapter 12 : Bad dream? Yes!

GOLDIE'S POV

"Good morning class. Today, you have a new classmate. Please be good to her."

Meron kaming bagong kaklase? But bakit dito ipapasok? We all know na every new student ay sa section D or E ipapasok.

"Alam mo ba ito?" I looked at Denise and I said to her a 'no' sign. She sighed.

Napatingin kami sa harap ng may pumasok na babae, napatingin kaming lahat sa kanya. Meron siyang maputing buhok at maputing balat. Napakaputi. Tumingin kami sa mga mata niya at may kulay brown siyang mata. Tiningnan niya kami ng walang ekspresyon at nagsalita.

"Sushi Yamoto." naghihintay kami ng sasabihin pa niya pero hindi niya ito dinagdagan.

"Can you tell us about yourself?" Sabi ni maam at naghihintay kami sa sagot niya.

"I'm an Ice manipulator."

Nagtinginan kaming tatlo nila Hailey at napaisip ako. Her skin is white together with her hair. Mayroon siyang walang ka buhay-buhay na mata at kitang napaka cold niya.

"I don't know but pareho sila ni Shanaize pagkapasok dito. Right?" napalunok ako sa sinabi ni Hailey. 'Yun din ang iniisip ko. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi siya nakabalot ng itim na damit kundi may kulay blue itong kasuotan.

"Okay Sushi. Pwede ka ng umupo malapit sa bakanteng upuan."

Hindi ito sumagot at pumunta doon. But, kay Shanaize iyan na upuan at walang dapat na tumabi sa kanya. I don't know pero 'yun daw ang nais ni Shanaize, hindi ko lang alam kung totoo ba ito.

"Okay class now focus on me. As you can see, hindi pa bumabalik ang Top 5 na ranggo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila dahil tanging headmaster lang ang may alam doon. Kaya, let us pray na ligtas sila at matapos na ang misyon nila." Maam said. Oo nga hindi pa bumabalik sila Shanaize, malapit ng mag 1 week at wala padin kaming nakakitang anino nila. I hope they are okay.

"Maam, can I ask a question?" Tumingin kami kay Sushi ng nagsalita ito.

"Yes you can, ano iyon?"

"Sino ang katabi ko?" Napatigil muna si maam at ngumiti sa kanya.

"The Rank 1, Shanaize Valerie Connors." tiningnan namin ang reaksyon niya pero wala siyang reaksyon. Tumango lang ito at itinoon ang atensyon sa labas.

There is something weird about her.

SHANAIZE'S POV

"So kailan natin balak na komprontahin si Tyler?" tanong ni Richard.

Nandito kami ngayon sa bahay at nagtitipon-tipon, plinaplano kung kailan namin siya balak na komprontahin. Alam na naming lahat na siya ang nawawalang anak, nais nadin naming umuwi sa mundo ng mga may kapangyarihan.

"Bukas." Sagot ni Lawrence. Tumango kaming lahat bilang pag-sang ayon.

"Good, gusto ko na ding umuwi. Nagbago na ang isip kong nais kong mamasyal." sabi naman ni Tiara, tumango din kami dahil pareho kami ng nararamdaman.

"Okay, matulog na tayo ngayon. Maghanda tayo bukas sa pagharap kay Tyler." sabi ko at sabay kaming tumayo saka pumunta sa mga kwarto namin.

Bukas na ang huli naming araw dito sa mundo ng mga tao. At sana, maging maayos na ang lahat ng ito. Sa mga nagdaang araw, palaging sumasakit ang ulo ko tapos parang may mga eksenang hindi ko masyadong klaro na palaging bumabagabag sa akin. Kung iisipin ko naman iyon, mas lalong sasakit ang ulo.

Napapikit ako upang makapaghinga. Pagod na pagod ako ngayong mga nagdaang araw. Ang nais ko lang ay mawala ito pagkagising ko.

Pero hindi ako makatulog, kakain nalang muna ako. Ibinuka ko ang mata ko at tumingin sa paligid, puro itim. Anong klaseng lugar ito?

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن