CHAPTER 11 : Sera who?

2.3K 121 40
                                    

Chapter 11 : Sera who?

SHANAIZE'S POV

"Lalabas na muna ako shanaize ha? Tawagan mo nalang ako kapag lalabas ka dito o di kaya kapag maayos na ang pakiramdam mo. Ngayon, higa ka muna at magpahinga. At, pupuntahan ko 'din si tyler. Hope you feel better soon, goodbye na muna"  tumango ako kay Tiara saka siya lumabas sa clinic sa school.

Napahawak ako sa noo ko dahil pinagpapawisan ako. Napaisip nalang ako sa panaginip ko kanina. Sino ba 'yung young lady na yun? Ako? Pero bakit naman, parang ang maldita? Hindi naman ako ganoon pagkabata ko. At isa pa, hindi ko nasanayan ang mamuhay bilang prinsesa. Baka ibang bata iyon at pinakita lang sa akin ang nangyayari sa kanya, pero bakit? Sumasakit ulo ko kakaisip eh!

"Sera... "

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Basta narinig ko lang sa tenga ko na parang may bumubulong sa akin. Parang may malamig na hangin na dumaan.

"Sera... "

Napaupo ako sa kama at saka lumingon-lingon sa paligid. Bakit parang may naririnig akong tumatawag sa akin.

"Sera... "

At ayun na naman! Sera? Bakit ba palagi kong naririnig ang pangalan na iyan? Hindi 'ko naman pangalan 'yan at mas lalong hindi ako si Sera!

Medyo, naiinis nadin ako.

"Sera...."

Napakunot ko ang ulo ko saka ako tumayo sa kama. Kinakabahan ako na nanlalamig, parang may multong tumitingin sa akin.

"Sera...
Sera...
Sera!!!
Sera!!!!!!"

Napahawak ako sa tenga ko ng marinig ko ang malakas na boses sa tenga ko. Parang hindi ito galing sa paligid ko kung hindi sa tenga ko talaga. Parang may bumubulong sa akin. Napaupo ako sa kama habang hinahawakan ang tenga ko. Sino ba ito? At bakit ang sakit. Hindi ko 'din maisip kung babae ba ito o lalaki.

"Sino ka?!!" napasigaw na lamang ako sa walang dahilan. Hindi ko na kaya ang sakit sa tenga. Parang mababasag ang ear drums ko ng wala sa oras.

Mas lalo nadin akong pinagpapawisan. Sino ba 'to? At bakit parang, pinaparusahan niya ako?

"Oh, look who's here"

Nanlaki ang mata ko ng mawala ang sumisigaw sa tenga ko saka ko tiningnan ang nagsalita at napakunot naman ang noo ko ng makita ko si Samantha, Sabrina at Elaine.

Anong ginagawa nila dito?

"Teka, umiiyak ka ba? HAHAHAHAHA! What a wonderful scenery. Crybaby ka pala shanaize. Kung nung isang araw ang tapang-tapang mo Tapos ngayon? Che!"
Sigaw sa akin ni Samantha.

"Tingnan niyo oh, parang iiyak ulit. Huhuhuhu, palaiyak ka pala. Loser talaga kahit kailan" sabi naman ni Elaine.

"Losers are losers diba? And losers doesn't fit here. Kaya ikaw? Umalis ka na sa school na ito. Kung ayaw mong makita pa ang araw bukas!" sabi naman sa akin ni Sabrina at ngumisi.

Napatawa naman ako ng pagak at kita kong napakunot ang noo nila saka ko sila tiningnan ng deritso at tumayo.

"Alam niyo ba ang storyang 'Ang kuwaderno?'" tanong ko sa kanila nakita kong napakunot ang noo nila.

"W-wala" sagot naman ni Samantha. Napatawa naman ako saka tiningnan sila ng deritso.

"Tulad ng sabi mo, wala. Wala 'din akong pake sa mga pinagsasabi niyo. Wala akong pake sa kahit anong storyang pinagsasabi niyo sa akin. At wala akong pake, sa pagmumukha niyong parang puwet ko lang. At isa pa, loser? Oh come on. Wala na ba kayong maisip na ibang tawag? Mukhang, 'yun lang ang alam niyong salita ha?" lumapit ako sa kanila at saka nagkibit-balikat.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now