CHAPTER 22 : Earth Kingdom

871 51 0
                                    

Chapter 22 : Earth Kingdom

TIARA'S POV

Nandito kami ngayon sa Air Kingdom. Kumain kami kanina sa mansyon ng Hari at Reyna at sobrang approachable nila.

Naglibot-libot muna kami sa Air Kingdom kagaya sa naunang kaharian na aming pinuntahan. At kagaya ng dati ay wala akong kasama. Hindi padin kami nagpapansinan ni Shanaize, sila Goldie naman ay may original na friends. Kawawa naman ako option lang :^

"This bracelet looks good on you." Tiningnan ko ang nagsalita at mas lalo akong nainis ng makita ko si Sushi, aba't sinusundan ba ako nito?

"I'm not following you." napakunot naman ako ng noo, paano niya nalaman ang nasa isipan ko? Hindi naman yata siya Mind Reader. Bakit mind reader ka ba aber?

Nakita kong napatawa ito kaya't nagtaka akong tumingin sa kanya saka ko kinuha ang bracelet na nasa kamay niya.

"Anong tinawa-tawa mo dyan? Sa tingin mo madadaan mo'ko sa tawa mo? Eh alam ko naman na kukunin mo ang bracelet na ito eh, akala mo malulusutan mo ako?" tiningnan niya naman ako ng walang emosyon at nagsalita.

"Binayaran ko na 'yan at ibibigay ko talaga sa iyo 'yan." sabi niya at tiningnan ang nasa kamay ko. "Let's just say, sorry gift ko 'yan sa'yo. Pasensya na at naging magkaaway tayo." tiningnan ko pa siya kung nagbibiro pa ito pero seryoso itong nakatingin sa akin.

"Seryoso? Baka may bayad to ha?" paninigurado ko pero hindi siya sumagot at tinap ang balikat ko.

"Let's say bagay 'yan sa'yo at ikaw ang nauna kong naisip pagkakita ko 'yan. Your name suits that bracelet. Tiara." Sabi niya at tinalikuran ako, sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa mawala ito. Tiningnan ko ang bracelet saka ko ito sinuot.

"Tama nga siya iha, bagay sa iyo." Ngumiti ako ng sinabi iyon ng tindera, nagpasalamat ako sa kanya saka ako pumili ng iba pa.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay may nakita akong isang bracelet, nakuha nito ang atensyon ko sapagkat may naalala ko nito. Ngumiti ako at saka ko iyon kinuha.

"I want this po."

***

Inhale. Exhale. Tiningnan ko ang bracelet ko saka ko nakita ang babaeng naalala ko sa bracelet na ito. Sana naman ay tatanggapin niya ito, kainis miss ko na siya.

Naglakad ako papalapit sa kanya at napansin kong napatingin ito sa akin at umiwas din kaagad.

"Shanaize."

Hindi ito lumingon at patuloy lang na tumitingin sa iba't-ibang alahas dito. Medyo nahiya ako pero hindi ko na iyon naisip, nais kong magkaayos ulit kami.

"Shanaize, pansinin mo naman ako."

Napatigil ito at tiningnan ako. Kinabahan ako ng muling magtinginan ang mata namin, nais kong magsalita pero walang lumalabas sa isipan ko.

"Ano, titingnan mo nalang ba ako?"

Napakagat ako ng ibabang-labi saka ko ibinigay sa kanya ang bracelet at nakita ko naman na nagtataka siya.

"Para sa'yo 'yan, naalala kasi kita sa bracelet na iyan at ikaw ang unang pumasok sa isipan ko. Sana tanggapin mo."

Ilang minuto lang ang nagdaan pero nanatiling ganoon padin ang posisyon namin, nakatingin padin ito sa bracelet. Medyo nainis ako pero dapat hindi niya mapansin, hello ang awkward kaya.

Ang bracelet na ito ay may tatlong iceflakes at kulay asul ito. Naalala ko lang kasi sa kanya ito sapagkat sobrang lamig niya noon, oo noon 'yun pero hindi ko padin malilimutan ang kanyang ugali noon.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang