CHAPTER 15 : Sushi Yamoto

1.1K 60 2
                                    

Chapter 15 : Sushi Yamoto

SHANAIZE'S POV

It's been a while since nandito ako sa magic world at ngayon nakabalik na kami ay natapos namin ang misyon namin ay parang nanalo kami sa labanan pero sa bawat labanan ay may mararamdaman kang sakit at iyon ang nararamdaman ko.

Ito ang unang beses na nakagawa ako ng mali gamit ang kapangyarihan ko pero ito lang nga ba? Nakagawa na ba ako noon? Bakit parang ang gulo ng buhay ko ngayon pagkapasok ko sa mundo ng mga mortal.

"Shanaize, maraming naghihintay sa atin sa academia. Bakit nakatayo ka lang d'yan?" tiningnan ko si Chelsey at sumagot.

"Ah wala, may iniisip lang ako but it's not that important, 'wag mo na akong isipin. Sige mauna muna kayo." tumango ito sa akin at nauna silang lumakad, napabuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanila.

Nagawa ko na ang bagay na iyon, hindi na iyon pwedeng maibalik at maitama.

NANDITO na kami sa Academia, maraming sumasalubong sa amin at kinakamusta kami. Simpleng sagot na 'okay lang' at tango ang ginawa namin. Pumunta kaagad kami sa Dean's office at nandoon nga si Dean at ang magulang ni Tyler na sila Mr. and Mrs. Partione.

"Narinig namin ang balita na nakabalik na kayo dito kaya't kaagad naming pinapunta si Mr. and Mrs. Partione. Masaya ako dahil natapos niyo na ang misyon niyo." Unang salitang sinabi ni Dean.

"Maraming salamat po sa pagtitiwala sa amin at sa misyon na ibinigay niyo. Nakaramdam kami ng paghihirap pero lahat ng iyon ay nagbungga naman. Masaya kami dahil natapos namin ang aming misyon. Ngayon po ay nais naming ipakilala sa inyo ang taong matagal nang hinahanap nila Mr. and Mrs. Partione." sabi ni Chelsey at tiningnan si Tyler sa likod.

"Ito si Tyler, ang nawawalang anak ni Mr. and Mrs. Patione." dagdag nito.

Unti-unting humakbang si Tyler at nakita ko pa siyang napalunok, medyo natawa ako sa kalooban ko dahil makikitang kinakabahan ito at naiintindihan ko iyon. Tiningnan niya ang kanyang magulang.

"Hi po." ito ang salitang nasabi niya habang kaharap niya ang kanyang mga magulang.

Napatayo si Mr. and Mrs. Partione at nakita kong napaiyak ito, parang hindi makapaniwala sa mga mata nila na ang anak na akala nila ay patay na ay buhay pala at nasa mundo ng mga mortal.

"Anak? Kay tagal naming hinintay ang pagkakataon na ito, kay tagal naming hinangad na makilala at makita ka. Ngayon nasa harapan kana namin at buhay na buhay sobrang saya namin. Ang laki mo na at isa kang gwapong binata. Anak." mahigpit na niyakap ng kanyang ina si Tyler habang ang kanyang ama naman ay nakatayo at makikitang napaiyak nito.

"Maraming salamat sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi kami makakaramdam ng ganitong klaseng saya. Sobrang nagpapasalamat kami. Maraming salamat talaga, hindi namin alam kung anong maisusukli sa amin sa inyo." napatingin kami kay Mr. Partione ng sinabi niya iyon sa amin.

"Wala lang po iyon, hindi niyo na po kailangang suklian kami. Misyon po namin ito at wala po kaming hinihinging kapalit, masaya na kami na masaya kayo." sabi ni Tiara sumang-ayon kami sa sinabi niya at nakita kong mas lalong napaluha ito.

"I'm proud to all of you. Natapos ninyo ang misyon ninyo ng ligtas. Maraming salamat inyo rank 5 and to our Goddess of Creation." ngumiti kami sa sinabi ni dean.

"Can we leave now? Bibigyan namin silang pamilya ng oras." Tanong ko nakita kong napatango si Dean.

"Maraming salamat talaga." Sabi ni Mr. and Mrs. Partione at tumango lang kami saka kami lumabas sa dean.

"Yes, nakabalik na tayo! Mas maganda pala talaga dito sa mundo natin kesa sa mundo ng mga mortal." sabi sa akin ni Tiara at inakbayan ako, tiningnan ko siya saka ko kinubha ang kamay niya sa pagkakaakbay.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now