CHAPTER 21 : Air Kingdom

959 49 1
                                    

Chapter 21 : Air Kingdom

SHANAIZE'S POV

Sumunod kami ni ma'am ng lumakad ulit ito. Nandito lahat ang mga bagay na mahahalaga sa Fire Kingdom, meron ding nagbabantay at ang seryoso ng mga mukha nila.

Nandito kami ngayon malapit sa may bulkan. Dito pala inilagay ang kanilang mga mahahalaga sa buhay ng mga Fire User. Nasa likod ito ng isang napakalaking gusali. Hindi ko alam kung anong tawag sa gusali na ito.

"Pareho sa Water Kingdom, meron ding pinakamakapangyarihan na Fire User ang Fire Kingdom pero ang pagkakaiba lang, hindi ito tao kundi isa itong hayop." itinuro niya ang malaking statue malapit sa bulkan, hindi kami makalapit sapagkat mainit na sa banda doon. "Ang Dragon na iyan ay may limang pakpak, iyan ang pinakamakapangyarihang Fire User sa buong Fire Kingdom noong panahon ng Dark Age at kagaya din sa Water Kingdom namatay ito sa panahon ng Dark Age sa pagligtas ng mga tao sa kaharian na ito. Dahil sa kanyang kabayanihan, tinawag siyang The Legendary Dragon."

Naglakad ulit si ma'am at sumunod ulit kami. Sa totoo, naboboring na ako. Nais kong maglibot ng ako lang pero wala akong magagawa.

"Kagaya ng Water Kingdom, meron din silang The Great Wall and the Missing Piece. Hindi ko na ipapaliwanang sa iyo dahil napaliwanag ko na ito sa Water Kingdom, pareho ding nawala ng isang piece ang wall na ito at pareho din kung ano ang nawala sa Water Kingdom."

Lumakad ulit kami.

"Ito naman ay ang librong pagmamay-ari sa naging kalaban. They called it 'Herova'. Dito inilagay ang librong ito sapagkat dito naiwan o nahulog ang libro ng kalaban, walang may lakas na loob na buksan at basahin ang nandito dahil ito ay naglalarawan na isa kang taksil sa iyong kaharian. Hindi alam ng mga taga-dito kung buhay pa ba ang nagmamay-ari ng libro na ito dahil ang tanging alam lang nila, ang librong ito ay makasalanan." makikita dito ang librong pinapalibutan ng mga matutulis na kahoy.

"Anong silbi ng librong iyan ma'am kung galing pala sa kalaban?" tanong ng isa kong kaklase.

"Ang librong ito ay makasalanan pero sa kabila nito nakatutulong din ito." ma'am.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

"Sa paningin ng mga tao isa itong makasalanang libro sapagkat galing ito sa kaaway, pero sa nagdaang panahon napansin nilang ang librong ito ay binubuhay ang bulkang nasa harap natin ngayon. Paano ko nasabi? Nabasa ko ito sa history ng Fire Kingdom, may isang lalaking kinuha ang librong ito dahil sa kanyang matagal ng hinahangad na maghari sa Fire Kingdom. Iniisip niyang ang librong ito ang makatutulong sa kanya sa pagiging matagumpay niya. Nawala ang libro dahil sa kanyang pagkuha, lumipas ang mga nagdaang araw walang kabuhay-buhay ang bulkan na ito at pati nadin ang mga halamang nakapaligid sa mga bulkan. Hindi nagtagal, sumuko ang kumuha ng libro sa hindi malaman na dahilan, makalilas ang ilang araw namatay ang kumuha at bumalik ulit ang sigla ng bulkan at mga halaman. Simula noon, wala nang nagtatangkang kunin ang libro sapagkat alam nila ang kanilang kinahihinatnan."

Lumakad muli kami sa ibang bahagi nito, tiningnan ko muna ang libro saka ako sumunod.

May iba pang sinasabi si ma'am tungkol dito pero hindi na ako nakinig dahil sa may bumabagabag sa isipan ko. Bakit isinauli ng kumuha ng libro ang libro? Kung hindi niya sana binalik baka buhay pa siya? Maaari ding may nalaman siya na nagtulak sa kanyang ibalik ito, ano naman kaya iyon?

Tiningnan ko ang libro saka ko tiningnan ang mga kaklase ko, medyo malayo-layo na ito. Hinay-hinay akong bumalik sa libro at tiningnan ulit ang libro. Kung kukunin ko ba ang libro ay mawawala din ako sa mundong ito?

"Curiousity kills."

Tiningnan ko kung sino iyon at hindi na ko nagtaka na si Sushi ito, nakatingin din ito sa libro katulad ko.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now