CHAPTER 5 : Welcome to Human World!

3K 176 22
                                    

Chapter 5 : Welcome to Human World!

SHANAIZE'S POV

"Tapos ka na ba?" Tiningnan ko muna ang mga gamit ko saka ako tumango kay Tiara. Ngayon na ang punta namin sa human world at medyo kinakabahan ako.

"Nandoon na ba sila?" Tanong ko sa kanya.

Ang ibig kong sabihin ay nandoon na ba ang mga kasama namin sa gate. Narinig ko kasing maaga silang lalabas sa dorm ngayon.

"Siguro, ang tagal mo kasi eh!" Inis na sabi nito sa akin. Napakamot nalang ako ng batok ko. Mga 5:30 am pa ngayon kaya medyo makulimlim pa ang gabi.

"Tara na, nagpaalam na naman tayo nila Denise kaya't deritso na tayo sa gate. Baka nandoon na sila at hinihintay tayo" sabi nito.

Lumabas na kami ng dorm ni Tiara. Kami lang ang dalawa ang nasa iisang dorm na kailangan ay tatlo. Hindi ko alam kung madadagdagan ba ang kwarto na iyan ng isa.

"Oo nga pala Shanaize. Nagpaalam ka ba ni Kyldren?" Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman ako magpapaalam? Eh hindi ko naman siya ka ano-ano.

"Kailangan pa ba 'yun? Hindi ko naman siya kilala eh, biglang sumusulpot sa harapan ko" sabi ko sa kanya. Napahinto si Tiara sa paglalakad saka umiling-iling.

"Pagsisihan mo talaga ang ginagawa mong ito. Bahala ka" napangiwi nalang ako. Bakit ko naman pagsisihan? Eh hindi ko naman talaga siya kilala. Mabuti nga at gwapo siya baka pagkamalan ko pang manyakis eh.

Hehe.

"And also, narinig kong isang ilusyon lang pala yung dark user na pinatay mo Shanaize" napatingin naman ako sa kanya at hindi na ako nabigla.

"Alam ko"

Gulat siyang tumingin sa akin at napahawak pa sa magkabilang balikat ko. Nakita ko pang kumurap-kurap siya. OA naman ng reaksyon nito.

"Alam mo?!"

"Shh, tumahimik ka nga natutulog pa ang mga tao. At oo, alam ko. Hindi niyo pala alam?"

Pabiro niya akong sinampal sa balikat at kita kong umiling-iling ito. Parang hindi makapaniwala sa narinig niya. Tumingin pa ito sa akin tapos umiling-iling.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Alam mo bang matagal ng inimbestagahan ang pangyayaring iyon? Jusko! Pinapahirapan mo pa ang mga staffs!"

"Eh? Akala ko naman talaga alam niyo. Nung una akala ko dark user talaga at nung pinana ko siya naging abo ito. Pero kakaiba ang abo sa totoo at sa isang ilusyon. Sa ilusyon kasi mawawala lang ito ng saglit. Sa totoo naman, mapupunta sa taas at unti-unting mawawala. Hindi niyo ba alam ang tungkol doon?"

"Bakit naman namin yun aalamin?! Sana sinabi mo nalang 'no. Makakatulong ka pa sa mga staffs. Alam mo bang kinabahan ako nung nakakita ako ng dark user?"

"Syempre naman hindi natin maiwasang kabahan kapag nakakasalamuha tayo ng dark user"

"Iba yun! Kasi diba? Wala naman talagang dark user kasi pinawala mo? Diba?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ayan na naman sila! Nababaliw na naman siya.

"Ayy naku Tiara 'wag mo aking gaganyanin ha? Nababaliw ka na naman. Anong sinasabi mong noon? Naku naku! Tumahimik ka na nga lang dyan. Sigurado akong naghihintay na sila doon. Ang daldal mo kasi, hindi makatikim 'yang bibig mo"

"Grabeh ka naman Shanaize" tumawa nalang ako at siya naman ay inis na inis kaya't nauna sa akin. Napailing nalang ako.

Nakarating na kami sa gate at nandoon na nga sila naghihintay sa amin. Nandoon narin si dean. Yun palang binigay niya sa akin, dinala ko. At may naalala ako! Yung librong the unknown queen! Ang tagal na 'nun nakalimutan kong itanong kay Tiara. Mamaya nalang.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now