CHAPTER 16 : Tiara & Sushi? Trouble!

1.2K 64 1
                                    

Chapter 16 : Tiara & Sushi? Trouble!

SHANAIZE'S POV

Kahapon lang nangyari ang eksenang iyon at ang pagbalik namin. Panibago na namang araw ngayon at aaminin kong sobrang pagod ako.

"Shanaize, narinig ko na meron na pala tayong bagong ka dormmate. Hindi ko alam bakit wala siya dito kagabi but yeah, meron nga tayong bagong dormmate." tiningnan ko si Tiara na bihis na bihis na at mukhang handa ng pumasok, tumango lang ako sa kanya dahil wala naman talaga akong pakialam.

"Okay. Mauna ka na sa'kin Tiara, gusto ko munang magpahinga. Sobrang napagod ako dahil sa misyon natin at may iniisip pa ako na mas lalong nakapagpagod sa akin."

"Okay ka lang ba? Gusto mo tulungan kitang mag isip-isip?" tiningnan ko siya saka umiling.

"Hindi? Wait. Galit ka ba sa akin?" napakunot ang noo ko at umiling.

"No. Bakit naman ako magagalit?" nakita kong napahinga ito ng maluwag saka niya ako nginitian.

"Wala lang HAHAHA. Osige ha, mauna na ako sa iyo. Sobrang na-miss ko kaya mga kasamahan ko dito. Babye." tumango ako sa kanya saka ito umalis sa dorm.

Pumikit ako at ilang minuto lang ay may nagbukas sa pintuan ng dorm ko.

"May nakalimutan ka ba?" hindi ko ibinuka ang mata ko dahil alam ko naman na si Tiara ito at baka may nakalimutan lang. Hindi ito sumagot kaya't ibinuka ko ang mata ko at medyo nagulat ako ng makita ang babaeng hindi ko inaasahan na makikita ko ulit.

"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tiningnan niya ako.

"I heard na nakabalik na ang ka dormmate ko, ikaw pala iyon. Nice to meet you again. I'm Sushi Yamoto."

Hindi pa ako makapagsalita dahil sobrag lamig ng pananalita niya. Wala siyang kahit konting ekspresyon man lang.

"Uhm, yeah ikaw pala iyon. I'm Shanaize Valerie Connors." tiningnan niya lang ako at tumango saka niya isinarado ang pintuan ng kwarto ko.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang pintuan ko, siya pala ang ka dormmate ko. Hindi ko ito inaasahan.

Ilang minuto lang ay napagpasyahan kong kumilos na dahil hindi na ako makatulog at may klase pa ako. Tamad akong nag-ayos at napaisip ako. Ang sabi ni Tiara hindi  pumunta dito ang ka dormmate namin which is si Sushi kagabi. So saan siya kagabi at bakit ngayon lang siya nagpakita kung kailan nakaalis na si Tiara? Napabuntong-hininga nalang ako at isinawalang bahala iyon.

Pumikit ako at sa isang iglap ay nandito na ako sa room. Nag teleport lang ako kasi tinatamad akong maglakad, gulat na napatingin sa akin si Tiara dahil siya ang katabi ko sa upuan.

"Nandito kana pala, ang galing mo naman nagteleport ka lang para hindi ma-late. Ang daya mo ha, eh ako nga naglakad papunta dito tapos ang layo pa. Swerte mo naman." hindi ko nalang siya pinansin at umub-ob sa upuan.

"Hay naku Shanaize, bumalik ka nga at nag improve ang ugali mo. Naging tamad ka naman. Hindi ko talaga gets." napakunot ako sa sinabi niya at saka ako humangad sa kanya habang naka ub-ob ako.

"Ano na namang bumalik ang pinagsasabi mo."

"Ay naku 'wag na, dadagdag pa ito sa isipan mo. 'Wag mo na iyong pansinin." tiningnan ko muna siya saka ako nag-isip muli. Ito na naman ang sinasabi niyang bumalik daw ako, bakit nandito na ba ako noon ha? Nabwebwesit talaga ako.

"Ewan ko din sa iyo Tiara. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo, mula noong pumasok ako dito palagi mo nalang sinasabi na bumalik ako achuchu ganyan."

"Palibhasa kasi hindi mo naaalala. Mabuti na ito uy, mas mabuti nga ito." Inirapan ko siya at muling umob-ob. Bahala siya diyan.

"By the way, hindi ba hindi dito ang upuan mo?" tiningnan ko siya ng walang gana saka sumagot.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon