CHAPTER 17 : Necklace

1.2K 68 3
                                    

Chapter 17 : Necklace

LAWRENCE'S POV

"Hey."

Hindi ko tinapunan ng tingin ang nasa katabi ko nung tinawag ko siya, hindi ko makita kung ano ang reaksyon niya sa pagtawag ko.

"L-lawrence! A-anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa'kin. Kinuha ko ang tubig na nasa bag ko at binigay sa kanya.

"Take this. Mukhang kanina ka pa hindi mapakali d'yan." hindi ko padin ito nilingon at tumingin lang sa paligid. Naramdaman kong kinuha niya ito kaya't kinuha ko din ang isang bote sa bag ko at ininom. "Anong iniisip mo?"

"Ahm, t-thank you. Wala naman. Gusto ko munang mapag-isa dahil sa nangyari kanina, hindi ko talaga inexpect na ganoon ang magiging bungad ko pagkabalik ko dito." tumango ako sa sinabi nito.

"Bakit ka pala nandito?" tiningnan ko siya at nakita kong napaiwas ito. Matagal ko ng alam na may gusto sa akin si Tiara, nakikita ko sa mga kinikilos niya pero hindi ko sinabi sa kanya dahil hindi ko siya gusto. Ayaw kong masaktan ito. Mas mabuting ganito nalang.

Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

"Nothing more. Katulad mo gusto ko ding mapag-isa. At pagod din ako dahil sa naging mission natin, buti nga at natapos 'yun."

"Wow, hindi ko 'to inaasahan. Hindi ko inaasahang makaka-usap kita ng ganito kalapit at parang ang close pa natin. Do you think dahil ito sa mission? Mukhang napalapit na tayo dahil doon."

"I don't think so. Isa pa, even before simula noong nakaraang taon naging malapit na tayo I guess?" tumingin ito sa akin at nakita ko ang pamumula ng pisngi nito. What? Is she blushing?

"So kahit noon pa sa tingin mo close na tayo? I remember noong last year na sinayaw mo ako. Hindi ko din iyon inaasahan." naalala ko noong araw na iyon, noong sinayaw ko siya at iyon din ang araw kung saan nagbago ang mundo.

"Yeah, me either. Hindi ko din inaasahan na iyong araw na iyon mangyayari ang  labanan at ang pagkawala ni Sera or should I say Shanaize." napansin ko sa gilid ng mata ko ang pag-iwas ng tingin nito sa akin.

"Hey, can I ask you a question?" Tumango lang ako sa kanya bilang pagsagot ko.

"I know this can be possible, do you like Shanaize? Not as a friend but more than that?" tiningnan ko lang ito at hinintay ang sagot ko. "I mean kasi nakikita kong sobrang concern mo sa kanya, sobrang protective mo din sa kanya noong mission natin at kami, pati nadin si Chelsey iniisip ang bagay na iyon, na gusto mo si Shanaize. I just want a clear answer."

Tiningnan ko lang siya at tumayo saka pinagpag ang lower na suot ko.

"Maybe yes maybe no Tiara. The answer is only on me." ngumiti ako sa kanya at tinalikuran na siya. I'll just keep it here.

SHANAIZE'S POV

It's been 4 days since nakabalik na kami dito sa mundo namin. Alas dose na ng gabi pero hindi padin ako makatulog at sa mga nagdaang araw ay wala kaming pansinan ni Tiara especially ni Sushi. Kapag pupunta ako dito sa dorm o kapag makakatagpo kaming tatlo walang nagsasalita sa amin, puro iwas lang ang ginawa namin at minsan nga walang pupunta sa dorm na ito kung may nauna na. Isa pa, nababaliw na din ako kakaisip kung sino ang mga nasa panaginip ko.  I've been dreaming of them every night for god's sake! And still, wala padin akong ideya kung sino ang mga ito at ano sila sa'kin.

Tumingin ako sa lamesang malapit lang sa higaan ko, pumunta ako doon at binuksan ang nasa ilalim nito. Dito ko inalagay ang dalawang librong matagal ng nasa akin.

Ang walang pagamat at ang librong the unknown girl. Hindi ko pa ito binabasa pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay itong librong walang pagamat.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat