CHAPTER 23 : Nature Kingdom

874 51 0
                                    

Chapter 23 : Nature Kingdom

SHANAIZE'S POV

Isang malakas na hampas ang narinig ko sa likuran ko, tiningnan ko iyon at sana hindi nalang ako lumingon. Sila Goldie lang pala kasama si Tiara.

Napabuntong-hininga ako saka ko inisip ang nangyari kahapon, tama ba 'yung ginawa ko kay Tiara? Umupo ako sa may gilid habang nagdi-discuss si ma'am. Hindi ko din alam kung bakit ko iyon sinabi pero 'yun ang lumabas sa bibig ko.

"Are you okay?" tiningnan ko ang tumabi sa akin at saka ulit ako tumingin sa mga kaklase kong hindi malayo sa aming dalawa.

"Oo." sabi ko at hinawakan ang kamay ko. Alam kong nasaktan ko si Tiara sa mga sinasabi ko pero hindi ko dapat iyon pagsisihan sapagkat totoo naman talaga ang sinabi ko.

"I know you're not okay Shanaize. Pwede mong sabihin sa'kin kung ano ang problema mo." tiningnan ko si Lawrence, gwapo nga ito. Hindi na ako nagtaka kung bakit nagustuhan siya ni Tiara.

"Kahit na sabihin ko pa sa'yo ang problema ko, hindi na iyon magbabago at wala ka ding magagawa." sabi ko at tiningnan ang mga kaklase ko.

"Napansin ko, hindi na kayo nagpapansinan ni Tiara simula noong nagkasagutan kayo. Hindi niyo ba talaga aayusin ang friendship niyo?"

Hindi muna ako sumagot sa kanya saka ako humugot ng hininga.

"Wala ng aayusin Lawrence, sinira ko na ng tuluyan. Sinaktan ko siya at hindi ko 'yun pingsisisihan." sabi ko at tumingin sa kawala.

"Masaya ka ba na sinaktan mo siya?"

Napaisip ako sa sinabi ni Lawrence. Hindi, hindi ako masaya na sinaktan ko siya. Mahirap tanggapin pero gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa mga sinasabi ko pero hindi na ito tulad ng dati na konting sorry lang ay okay na.

"Oo."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Lawrence ay pumunta na ako sa kaklase ko. Kailangan kong mapag-isa, baka ng dahil sa kanila ay magbabago ang takbo ng isipan ko.

"Ang nakikita ninyo sa harapan ninyo ay ang labanan ng isang bato sa Earth Kingdom at isang bato sa kanilang kaaway." tiningnan ko ang nasa loob ng isang malaking box na yari sa glass. "Ang labanan na ito ay naglikha ng pagkagiba ng lupain sa Earth Kingdom, marami ang nawalan ng buhay at nasaktan. Ang labanan na ito ay nagbunga ng isang malakas na lindol sa buong magic world sa panahon ng Dark Age. Ito ang pinakamalakas na lindol na naramdaman sa buong magic world at hanggang ngayon, walang makakatumbas sa lakas ng impact nito."

Lumakad si ma'am at saka huminto. Tumingin ako sa isang napakalaking wall.

"Mukhang hindi na dapat ako magpapaliwanag sa iyo, ang nakikita ninyo ay ang The Great Wall and The Missing Piece, kagaya ng sa ibang kaharian nawalan din sila ng isang piece at parehong lugar ang nawala nila."

Lumakad si ma'am at nanatili ang paningin ko sa wall. Makikita dito ang iba't-ibang kaharian sa buong magic world. Makikita dito ang iba't-iba ding kapangyarihan.

Ano kaya ang nawawalang piece? Paano kung buhay pa ito? Paano kung may alam ang ibang magic user tingkol sa missing piece na ito? Ano ang nasa likod ng missing piece na ito?

"Curious again?"

Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman kung sino ang nagsalita. Kahit kailan talaga, sumusulpot ito. Tiningnan ko siya ng walang emosyon at ganoon din siya sa'kin.

"Ano na naman Sushi?" walang ganang sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa isang missing piece at saka tumingin sa'kin.

"I wonder kung ano ang missing piece na iyan? Paano kaya kung may nakakaalam sa missing piece na iyan?" tanong pa nito habang nakatingin sa missing piece.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now