CHAPTER 9 : Emerald Necklace

2.2K 122 16
                                    

Chapter 9 : Emerald Necklace

SHANAIZE'S POV

Bagong araw na naman, ano na kaya naman ang naghihintay namin na kaguluhan? I sigh. Kahapon lang nangyari yung pagkakapahiya ko at hindi ko naman ulit alam kong paano ko haharapin si Lawrence dahil sa pinanggagawa ko kahapon. Sinabihan ko pa siya ng bulate! I mean hello? Bakit ko yun sinabi sa kanya e hindi naman kami close.

Gago ka talaga shanaize. Kung ano-ano nalang pumapasok sa isipan mo tapos bigla-bigla ka nalang magsasalita wala pang preno yang bibig mo.

Kasi ako kasi, sabi ni Nana bago pa ako pumasok sa Sparley Academy. Sabi niya 'Huwag kang makikipag-away doon kung ayaw mong ipabalik kita dito sa bahay at buong araw tutulungan ako sa gawain dito. Wag mong ipagmayabang ang kapangyarihan mo at huli, 'wag mong makipagbiro sa taong seryoso sayo'.

Pero napaisip ako? Hindi naman ako nakikipag-away kay lawrence kasi diba nakipagbiruan lang ako at hindi din naman iyon seryoso.

-,-

Kakain nalang muna ako, ano-ano nalang pinagsasabi ko. At isa pa, limang araw pa kami dito 'no tapos hindi pa nahahanap namin yung pinapahanap. Nasaan na ba kasi ang kwintas na iyon at hindi mahanap-hanap.

Medyo masakit ang puson ko pero ok na 'to. Hindi 'din naman ako masyadong oa kapag may dalaw ako. Like hello? Hindi naman ako katulad ng iba na 'belhen me eke ng pegkein yeng peberete ke'. Or kaya naman 'mey delew eke weg me ekeng gelehen'.

Parang pabebe.

Kasi diba? Hindi naman talaga ako ganoon. Baka itong si Tiara ganito eh, pero ako. That's a no no for me, like the hell? Gago ba you, bakit ang pabebe?

"Ano ba shanaize! Nakabihis na kami tapos ikaw wala pa! Nakahiga ka parin? Can't you see? Ma le-late na tayo and still, hindi ka parin kumikilos!"

Kakagising ko pa nga lang ito na bubungad sa akin, ang pagmumukha ni Tiara. Lapit na lapit pa ang magkabilang kilay nito habang nag-aayos ng butones at nakatingin sa akin.

"Shanaize! Alam kong maganda ako kaya 'wag mong ipahalata. Sige na, kumilos kana dyan! Ma-le-late na tayo! Hindi ka pa nga naliligo, ambaho mo na!"

At ito pa ah, alam ko naman na hindi ako naliligo bakit sinasabi pa niya sa akin? Like haler? Maliligo ako kaso wait lang. Gusto ko pang damhin ang lambot ng hinihigaan ko.

"Uy uy uy! Anong ginagawa mo dyan? May paikot-ikot ka pang nalalaman eh ma le-late na nga tayo!"

"1 minute" sabi ko sa kanya at pipikit na sana kaso naramdaman ko ang kamay niya sa paa ko.

"Anong 1 minute ka dyan! Malapit na kaming matapos tapos ikaw? Ha! Hindi kapa kumikilos!"

"Alam ko naman na hindi pa ako kumikilos kaya bitawan mo na ang paa ko, medyo kailangan ko pa ng tulog kasi inaantok pa ako"

Totoo naman eh, inaantok pa ako! Kasi naman, kapag kasi may dalaw ako. Late na akong gigising. Kasi nga, pagod. Nakakapagod kaya kapag may dalaw ka.

"Hoy! Anong meron sayo ngayon ha? Eh ikaw nga 'tong palaging gumigising ng maaga eh!"

"Ano kaba tiara, ang ingay ingay ng bunganga mo. Pagod lang ako, may dalaw ako 'wag mo akong guluhin"

"May dalaw ka?"

"Oo meron, kaya umuna na kayo, ok lang na ma-late ako. Sige na tiara inaantok pa ako, papasok ako kapag tapos na ang recess"

"Ano?"

Tumingin ako sa kanya at tumango. Nakapameywang ito sa akin at tiningnan ang watch niya at hinawakan niya ang noo niya at tumingin ulit sa akin saka bumuntong-hininga.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now