CHAPTER 26 : Broken Necklace

1K 61 0
                                    

Chapter 26 : Broken Necklace

SHANAIZE'S POV

Ilang araw ang nagdaan at patuloy akong binabagabag ng diary na iyon. Matapos basahin iyon ni Tyler ay hindi na ako makatulog kakaisip sa mga salitang iyon.

Sino ang sumulat? Sino ang sinasabi niyang hindi kilalang babae? Sino ang ate? Lahat ng mga katanungan ito ay hindi ko pa nasagot.

"Kain na Shanaize, ilang araw ka ng hindi kumakain." Tiningnan ko si Tyler at umiling.

Sa nakalipas na mga araw ay palaging si Tyler ang kasama ko kapag nasa cafeteria, siya lang naman kasi ang tanging natirang kaibigan ko.

Tinulak mo kasi palayo ang iba mong kaibigan.

"Ano hindi ka na naman ulit kakain? Pinalampas ko ang ilang araw na hindi ka kumain Shanaize pero ngayon? hindi ko na 'to hahayaan. Kumain ka." Napakunot naman ako habang tinitingnan si Tyler.

"Wala akong gana Tyler."

"Palagi ka nalang walang gana. Ano, magpapakamatay ka ba sa gutom? Tingnan mo nga ang sarili mo pumapayat kana."

"Hindi ako gutom Tyler at wala din akong pakialam kung pumapayat ako. Ang dami kong problema, baka problema pa ang papatay sa akin."

"Sabi ko na nga ba. Sana pala hindi ko nalang binasa sa iyo ang librong iyon kung ganyan naman ang kinahihinatnan mo. Sige na Shanaize, kumain kana kahit isang subo lang."

Hindi ko siya pinansin at patuloy na iniisip ang librong iyon. May isa pa akong problema, 'yung librong walang pamagat. Nakakainis!

"Shanaize kumain kana kasi. Kahit isang subo lang." Tiningnan ko siya at bumuntong-hininga.

"Huwag mo na akong pansinin Tyler. Kumain ka nalang diyan." Sabi ko at umob-ob.

Andaming bumabagabag sa isipan ko, kailan ba 'to matatapos? Tungkol sa Diary na iyon, sa walang pamagat na libro, sa anong nangyari sa akin noon. Gusto ko nalang mamatay para mawala na 'to lahat.

"Shanaize. Kumain ka na, gusto mo bang subuan kita?" Napakunot naman ako sa sinabi ni Tyler saka ako humangad sa kanya.

"Baliw kana ba?"

Tiningnan lang ako nito ng seryoso.

"Kung hindi ka kakain dyan susubuan na talaga kita. Sige ka ipagpatuloy mo pa 'yan."

Napatawa naman ako ng pagak dahil sa sinabi niya.

"Hay naku Tyler baliw ka na nga. Anong pumasok sa isipan mo at balak mo akong subuan ha? Nakakadiri ka ha."

Tiningnan lang ako nito ng seryoso at nabigla nalang ako ng may kubyertos ng nasa harapan ko.

"H-hoy! Anong ginagawa mo?"

"Nganga."

Aba! Baliw na nga siya!

"T-teka lang Tyler nababaliw kan---"

Napatigil ako sa sasabihin ko ng pumasok sa bibig ko ang kubyertos. Tiningnan ko siya ng nanlalaki ang mata. Aba! Anong ginagawa niya? Sinubuan niya nga ako!

"Ano titingnan mo nalang ba ako? Nguyain mo 'yan."

Hindi padin ako makapaniwala. Anong pumasok sa isipan ng lalaking ito at sinubuan pa ako? Baliw siya! Nababaliw na nga siya! Hindi niya naman ako kailangan na subuan!

"Ano gusto mo bang ako pa ang magngunguya?"

Napatigil ako sa sinabi niya saka ako ngumuya. Ha! Asa siya! Napangiti naman ito dahil sa naging susunod na aksyon ko. Tingnan mo, kanina ang seryoso niya tapos ngayon ngumingiti na siya.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now