CHAPTER 28 : Pretending

1.2K 61 0
                                    

Chapter 28 : Pretending

SHANAIZE'S POV

Masaya akong kumakain sa cafeteria, maganda ang araw ko ngayon. Naging rank 1 ako! I know naman talaga na magiging rank 1 ako. Sa galing kong 'to?

Nakaramdam ako ng malakas na enerhiya at alam ko na kung sino ang paparating. Ang Royalties.

Tumayo ang lahat kabilang na ako pagkapasok ng royalties. Sabay-sabay kaming yumuko at bumalik sa upuan. Tumingin naman ako sa kanila, hindi ko inaasahan na pupunta sila sa cafeteria ngayon.

"Hey."

Tiningnan ko ang lumapit sa akin at nakita ko ang isang lalaki. Anong ginagawa ni Lawrence dito? : /

"Uy Lawrence. Hello, bakit?"

Hindi ito sumagot bagkus ay umupo siya sa harap ko, nasa gitna namin 'yung table. Ngumingiti naman ako habang tiningnan siya ng mapansin ko ang isang scar malapit sa kamay niya.

"Dahil ba 'yan sa 'kin? I'm sorry talaga hindi ko naman sinadyang saktan ka kasi ano, kasi game lang 'yun tapos ano pa, ahm nandito ka ba para sigawan ako?"

Tiningnan niya lang ako saka nakita ko siyang tumawa. Eh?

"No, I know that is just a game and about my scar wala lang ito sa akin."

"Talaga? I thought you will scold me for hurting you hehe." sabi ko saka kumain, medyo nailang ako ng pansin kong sumisilip ito sa akin. Ay teka, bakit ba ito nandito?

Nilunok ko muna ang kinain ko at nagsalita.

"Bakit ka pala nandito?"

"Wala lang. Hindi ko inakalang hindi kita kilala. You're stronger and better than me. Hindi kita napansin sa room."

I know naman po na magaling ako hehe. At isa pa, hindi ko din bet 'yung mag first move para mapansin diba? Buti nalang dahil sa taglay kong kapangyarihan ay may nakipag-usap na sa akin ngayon. Yikes!

"Hindi ko din ito inaasahan. I thought you're just a lonely cold guy na hindi gustong makipag-kaibigan. 'Wag kang ma offend ha pero 'yun kasi ang mga naririnig ko at sabi pa nila wala kang pakialam sa paligid mo. But hindi pala, I'm happy nakilala kita sa opposite na nakilala nila. Oh, I want to introduce myself to you kahit kilala mo na ako. I'm Shanaize Valerie Connors at marami akong kapangyarihan, actually 'yung ginamit kong kapangyarihan kanina ay pili lang. Kaya half palang ang nakita mong lakas sa akin."

Tumango-tango lang ito habang nagsasalita ako. Hindi ko alam kung nakikinig ba ito o sadyang gutom lang siya. Hindi man lang siya nagsalita.

"Ahm Lawrence, do you have a friend? Pansin ko kasing wala kang kasama o kausap kaya wala ka talagang kaibigan? I just want to confirm it."

"Actually, I have a friend." Napa 'ohh' naman ako sa sinabi niya. So fake news naman talaga ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanya.

"So, who's that person? Gusto ko siyang makilala."

Tumigil ito sa pagkain at nilunok ang kinain niya. Ang cute niya dahil sa ginawa niya, nakita ko pa ang paggalaw ng adams apple niya.

"She's Sushi."

Sushi? Ang cute naman ng pangalan, I want to meet her din! Wait that name is familliar to me? Teka siya ba 'yung rank 1 noon na rank 2 na ngayon? Siya nga! I guess dahil sila naging magkaibigan dahil magkalapit ang rank nila. Tama, tama!

"And Tiara."

Hindi lang pala isa ang kaibigan niya.

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Wait, hindi naman sa tama 'yung iniisip ko pero bakit puro babae ang kaibigan niya? Hindi kaya he's gay?!

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon