CHAPTER 25 : Diary

998 58 0
                                    

Chapter 25 : Diary

HAILEY'S POV

Pilit kong sinasabi na magiging okay lang ang lahat, kwinento sa amin ang nangyari ni Goldie at Shanaize. Mas lalo akong nagalit kay Shanaize, anong klaseng kaibigan siya? Ano sa tingin niya ang ginawa niya?

"Hindi ako makapaniwala Hailey. Paano ito nagawa sa atin ni Shanaize?" tiningnan ko si Denise na tumitingin kay Goldie.

"Hindi ko din alam Denise, pati ako ay hindi makapaniwala. Paano nagawa sa atin ni Shanaize iyon? Naiintindihan ko na noon pa man ayaw na niya ng kaibigan pero sana naman ay inisip din niya ang nararamdaman natin."

Ilang minuto lang ay dumating si Tiara kasama si Sushi. Hindi ko napansin na close na pala ang dalawang 'to, noong isang linggo ay nag-away pa ito.

Lumapit ito sa amin ng makita nila si Goldie na nakayuko at humihikbi.

"Anong nangyari?" tanong sa amin ni Tiara saka niya hinawakan si Goldie na umiiyak. Lumapit din sa amin si Sushi at tiningnan kami.

"Si Shanaize." ito lang ang naging sagot ni Denise. Nakita ko ang pag-iba ng kanyang reaksyon saka siya tumabi sa akin habang si Sushi ay walang emosyong nakatingin sa amin.

"Anong ginawa niya kay Goldie?" tanong nito at tiningnan si Goldie na namumugto ang mata.

"Kinompronta niya si Shanaize tungkol sa nangyari sa ninyo noong nakaraang araw. Hindi ko naisip na gagawin din niya ang ginawa niya sa iyo." nakita ko ang pagkagalit nito.

"Hindi ko maisip na magagawa sa atin ito ni Shanaize, lahat ginawa natin para lang maging mabuting kaibigan ni Shanaize pero ito ang isusukli niya sa atin. Wala siyang utang na loob." nakita kong kumuyom ang kamao ni Tiara kaya't hinawakan ko iyon.

"Relax ka lang Tiara, lahat ng ito ay may dahilan. Naniniwala akong may dahilan si Shanaize kung bakit niya ito ginagawa sa atin." Sabi ko pero nagulat nalang ako ng magsalita si Goldie habang umiiyak.

"Anong dahilan niya ha, Hailey?! Ano sa tingin mo ang dahilan niya?! Yun din ang iniisip ko habang kaharap ko siya kanina para ayusin ang pagkakaibigan nila ni Tiara pero alam mo ba kung anong sinabi niya?! Problema lang tayo sa kanya! Problema tayo sa kanya Hailey! Sa tingin mo ba magandang dahilan 'yun?!" sabi nito at umiyak muli.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Goldie at sinenyasan din ako ni Denise na tumahimik nalang.

"Ilang taon na ba kayong magkakaibigan?" tumingin naman kami ni Sushi ng sinabi niya iyon.

"Sa nakaraang taon pa, Sushi." sagot ni Tiara, tumango ito at muli kong tiningnan si Goldie.

Hindi ko siya masisisi, ano ba kasi ang pumasok sa isipan ni Shanaize at sinabi niya iyon? Nais kong maniwala na meron siyang dahilan pero ano naman?

Napayuko kami ng pumasok ang mga royalties. Nandito pala kami sa cafeteria, napansin kong ang seryoso nila ngayon.

"Alam mo na ba ang balita?"
"Na ano?"
"Wala na daw si Kyldren at Shanaize."
"Seryoso? Saan mo 'yan nakalap?"
"Kalat na sa buong Sparley ang balitang iyan."

Napatahimik ang lahat ng malakas na hinampas ni Kyldren ang kanyang lamesa. Napatingin ito sa nag-uusap kanina at sabay silang umiwas.

"Sa oras na makarinig ulit ako tungkol sa bagay na iyon, hindi ako magdadalawang isip na putulin ang dila niyo."

Mas lalong tumahimik ng sinabi iyon ni Kyldren. So wala na pala si Shanaize at Kyldren? Ano ang nangyari sa kanila? Bakit bigla-bigla nalang itong mga nangyayari?

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now