CHAPTER 6 : Trouble

2.7K 157 26
                                    

Chapter 6 : Trouble

SHANAIZE'S POV

"SHANAIZE?!"

Napakunot ang noo ko ng sabay-sabay silang sumigaw. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nila at ang mga mukhang hindi makapaniwalang nandito ako. Bakit ganyan naman ang reaksyon nila? Parang kilala ako.

"Problema niyo?" Napabulong ko sa sarili ko. Tumingin ako nila Tiara at kita kong napailing sila meaning na hindi din nila alam kung bakit ganoon ang mga reaksyon nila.

"Shanaize? As in Shanaize na Shanaize?!" Sabi nung isang babae.

Tumingin ako sa kanya saka ako dahan dahan na tumango.

"Baka hindi naman siguro, hindi naman natin nakita yung mukha ng halimaw na iyon"

Halimaw?

Tumingin ako doon at nakita kong isang babae rin na nasa likod. Napailing nalang ako, sino ba ang tinutukoy nila?

"But, her body. Parang si Shanaize" sabi naman nung isang babae. Katabi nung babaeng nagsalita kanina.

"Ok, I don't know what ya'll saying. We're the transferees at hindi namin inaakalang ganito ang magiging bungad sa amin sa first day of school namin dito. We're  Dissappointed" sabi ko.

Napatingin ako sa babaeng tumayo at tinaasan ako ng kilay. Akala ko ba may respeto ang mga estudaynte dito.

"'Wag kang magsalita ng parang hindi ka katulad namin Shanaize. Dahil lahat ng nandito, puro merong ginawang kasalanan. At sure akong, meron ka ring kasalanan. 'Wag kang magpanggap na parang napakabuti mong tao. Dahil lahat ng nandito, may tinatagong sekreto" 

"I think we did something bad. Pero hindi malala. Na-late lang kami kaya kami nilagay dito. Happy?" Sabi ni Tiara.

"Late? Oo alam namin na lahat kami na late. Pero hindi yun ang totoong rason kung bakit kami nandito. Dahil merong mas malala ang ginawa namin at baka sa inyo din. At yun ang, aalamin namin. Kung bagay kayo dito or hindi." Sabi nung tumayo.

Napakunot naman ang noo ko, wala kaming ginawang masama. Tiningnan ko sila Tiara at kita kong wala din silang idea.

"And do you think may mahahanap ka kung wala naman kaming ginawa? Wala kaming ginawang masama at hindi kami gagawa ng masama"

"Tingnan lang natin Shanaize. Makikita mong napakasama naming tao dito pero lahat kami, nagtutulungan sa kung ano man ang dapat na alamin. At yun ay ang kung ano ang meron sa inyo. Kung bakit kayo nandito. Be ready. Dahil kung ano man iyon, sasabihin namin sa buong campus."

"Oh sige, but make sure na may mahahanap kayo. Dahil ang alam namin. Wala, wala kayong mahahanap."

The girl smirked at me saka siya umupo. Tumingin ako sa teacher at kita kong wala na itong emosyon sa mukha niya. Parang kanina takot na takot ito.

"Ms. Castroverde! Umalis ka na nga, hindi namin kailangan ng teacher" sabi nung lalaki sa harap.

I saw Ms. Castroverde smirked saka siya parang may kinuha sa ilalim ng lamesa niya at nabigla ako ng isang dagger ito. Nakita ko nalang na ang dagger nito ay natusok sa pader. Everyone looks so shocked. Ms. Castroverde stood up at hinarap ang mga estudyante dito.

Cool.

"I'm just a new teacher and I'm not satisfied sa ginawa ninyo sa akin. Sa naranasan ko kanina. Yun lang ang pwede ninyong gawin sa mga teacher na ginanun niyo rin. Akala ko mas malala pa dun. Pero hindi pala, sobrang easy lang ng ginawa niyo. I wonder bakit sila hindi papasok dito sa room na ang mga estudyante naman ay yun ang kayang gawin. Takot? Hindi nakakatakot ang ginawa niyo. Nasisiyahan nga ako eh, dahil inaakala kong mas malala pa dun. Ito lang ba ang kinatatakutan nilang estudyante dito? Hindi naman sila masyadong nakakatakot."

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon