CHAPTER 14 : Back to Magic World

1.2K 64 1
                                    

Chapter 14 : Back to Magic World

HAILEY'S POV

"Pwedeng makiupo?" kinabahan ako ng sinabi ko ang mga salitang iyon sa isang babaeng mag-isang kumakain sa cafeteria. Si Sushi.

Tiningnan niya ako ng walang ekspresyon sa mukha at hindi ito sumagot. Napalunok ako at tumingin nila Denise, magsalita naman kayo grabeh ha!

Nabigla ako ng umupo si Goldie kaya't sumunod kami. Napatingin sa amin si Sushi at ibinalik ulit ang paningin sa pagkain. Grabeh akala ko papagalitan niya kami.

"Ay oo nga pala Sushi, ang galing mo kanina sa klase ha, hindi ko akalain na matalino ka at ang lakas mo pa. Kaya ka Section A pagkapasok mo palang eh, HAHAHA" hindi sumagot si Sushi sa sinabi ni Goldie kaya't napatingin sa amin si Goldie na para bang nahihiya.

Napatawa naman si Hailey kaya't sinamaan siya ng tingin kay Goldie.

"Ay oo nga pala Sushi, kumusta naman ang dorm mo? Okay lang ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at tumango.

"Ahm, tanong ko lang bakit ang konti mo lang magsalita hehe" tanong ni Denise. Tumingin ito sa amin ng walang ekspresyon. Lintek, naalala ko sa kanya si Sera noon, I mean si Shanaize.

"Nakakatamad." Sabi nito at napatango nalang kami.

"Ahm alam mo ba, may naalala kami sa iyo hehehe."

Tumingin si Sushi kay Denise.

"Sino?"

"Si Shanaize, noon kasi para siyang ikaw. Pareho kayo ng ugali, cold, napakamesteryosa, at iba pa. Andami niyong pagkakatulad, pwede ngang maging kapatid kayo. Pero nagbago na si Shanaize ngayon, cheerful na siya at ang sweet HAHAHA."

"Nasaan siya ngayon? Bakit hindi ko siya nakikita?"

"Ah kasi ano may misyon sila. 1 week na nga eh pero hindi pa sila bumabalik. Kasama niya ang top 5 at ang Goddess of Creation na si Chelsey." Sabi naman ni Goldie. Tumango ito at muling kumain.

"May sekreto ka ba Sushi?"

Napatingin kami kay Denise at pinanlakihan ko siya ng mata. Anong tinatanong ng babaeng ito.

"Ay huwag mo nalang pala sagutin hehe. Iniisip ko kasi na baka may sekreto ka diba diba? HAHAHA kasi wala lang. Tara na kumain na tayo muli." Nag-sorry ito sa aming dalawa ni Goldie at napabuntong-hininga nalang kami.

Nakaramdam kami ng malakas na enerhiya at isa lang ang ibig-sabihin nito. Nandito ang Royalties, tumayo kaming lahat ng pumasok ang mga royalties saka kami yumuko. Napatingin kami kay Sushi na nakaupo lang at parang walang pakialam.

"Sushi tumayo ka, nandito ang royalties." tiningnan niya lang ako ng blanko at hindi ito sumagot.

"You!" Napapikit ako ng marinig ang sigaw ni Magenda. Naku lagot, patay talaga ito si Sushi.

Nakarinig ako ng yapak papunta sa amin, nakayuko padin kami at sumilip ako kay Sushi pero wala padin itong ekspresyon.

"Bago ka pa lang dito? Hindi mo ba kami kilala?" tanong ni Magenda.

"Why? Is that necessary?" sagot naman ni Sushi. Napapikit ako lagot.

"Aba! Sumasagot ka pa ha, ito lang ng sasabihin ko. Mas mataas kami sa iyo at dapat mo kaming irespeto, naiintindihan mo?!" napalunok ako sa sigaw ni Magenda.

Hindo sumagot si Sushi at tiningnan lang sila. Kumain ito muli dahilan para mabigla kami.

"Pipi ka ba? Bakit hindi ka sumasagot?!" Rinig na rinig ang inis ni Magenda sa boses niya pero parang walang pake si Sushi.

Sparley Academy : The Unknown Girl Book 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now